Nhel's Point of View
NANG makalabas ako ng building ay nagulat ako sa taong naghihintay sa akin sa labas.
" Nhel pwede ka bang sumama sa akin? Nasa ospital si Mark at hinihiling na makita ka!"
Nag-alala ako sa narinig ko. Kahit naman hindi ko talagang anak si Mark, naroon pa rin yung damdamin ko sa kanya bilang ama. Ako ang nag-alaga sa kanya mula nung sanggol sya, bagay na hindi nagawa ni Marga sa kanya. Kaya naman sa narinig ko na may sakit sya, nag-aalala ako ng husto sa kabila ng pag-aalinlangan ko sa taong nasa harapan ko ngayon.
" Pwede ba Marga huwag mong gawing biro ang mga ganyang bagay. If this is one of your tricks, well sad to say I won't buy it!"
" Nhel alam kong nagkasala ako sa inyo at hinihingi ko yon ng tawad. Sa pagkakataong ito nakikiusap ako para sa anak ko. Kailangan ka nya. Kahit magpakita ka lang saglit magiging masaya na sya. Please."
" Sige para kay Mark, pero sandali lang ako dahil hihintayin ako ng mag-ina ko sa bahay namin.
" Salamat Nhel. Matutuwa tiyak si Mark pag nakita ka."
Sumama na ako at sumakay na sa kotseng dala nya. Siya ang nagmamaneho at nasa passengers seat ako.
Habang nasa byahe kami ay hindi ko sya kinikibo. Mabuti na yung maramdaman nya na talagang umiiwas ako sa kanya. Kahit na napatawad na namin sya ni Laine hindi pa rin mawala sa isip ko yung mga kasamaang ginawa nya sa amin.
Dahil sa haba ng traffic hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako at ng magising ako ay puro talahiban ang nakikita ko at sa kabilang gilid ay may mga tanim na palay.
Napatingin ako sa katabi ko na tila nagtatanong kung bakit parang nasa liblib na lugar na kami.
Umiwas sya ng tingin at deretso lang sa pagmamaneho nya. Hindi na ako nakatiis kaya tinanong ko sya.
" Akala ko ba sa ospital ang punta natin? Bakit parang liblib na lugar na itong tinatahak natin? Huwag mong sabihin na isa na naman ito sa mga masamang balak mo. Ano Marga sumagot ka!"
" Alam mo pagdating talaga sa mga mahal mo mahina ka. Ang dali mo namang magpadala sa drama ko. I thought you knew me so well, si Mark ang alam kong isa sa mga kahinaan mo kaya sya ang idinahilan ko. Wala,si Mark nasa Europe kasama nila dad.Tama ka isa ito sa mga balak ko, birthday mo ngayon at gusto ko lang naman na i-celebrate mo yon kasama ako gaya ng dati nung wala pa si Laine."
" Sinasabi ko na nga ba kaya may pag-aalinlangan akong sumama sayo kanina. Sana pinakinggan ko na lang ang instinct ko at hinayaan na kita sa pagdadrama mo. Napakasama mo talaga. Ihinto mo ito at kailangan ko ng umuwi sa mag-ina ko, hinihintay na nila ako!"
" Ano ko bali! Chance ko na ito pakakawalan ko pa ba? Hindi ka uuwi sa kanila Nhel dahil akin ka. Akin ka lang!" galit at nanlilisik ang mga mata nya.
" Baliw ka na Marga! Ilang beses ko bang ipaiintindi sayo na kailanman hindi ako naging sayo. Simula pa lang alam mong si Laine na at hindi na mababago pa yon. Kaya ihinto mo na ito at hayaan mo na ako sa buhay ko."
" Ayoko! Para ano? Maging masaya si Laine? Masyado na syang pinagpala sa lahat ng bagay kaya hindi ko sya hahayaang maging masaya."
Sinusubukan kong buksan ang kotse para tumalon na lang sana palabas pero masyado syang mabilis magpatakbo. Makalabas man ako,puro malalaking puno ang nasa gilid ng kalsada at medyo pababa kung sakali ang babagsakan ko.
" Kahit ano pa ang sabihin mo wala ng saysay yun sa akin. Ang mahalaga,ako ang kasama mo ngayon. Wala kang magagawa dahil ako ang nagmananeho."
Hindi na lang ako kumibo. Nag-iisip ako kung paano ako makakalabas ng kotseng ito. Kapag medyo bumagal sya dun ko isasagawa ang plano ko.
Sige lang sya sa pagmamaneho. Pansin ko na parang malayo na kami sa Maynila. Halos magtatanghali na kasi kaya napagtanto ko na malayong probinsya na itong tinatahak namin. Malamang parteng Batangas ito o marahil ay Quezon na.
Nang mapansin ko na medyo bumagal sya. Tinignan ko yung nasa harap na sinusundan namin. Mga grupo ito ng magsasaka na nakasakay sa sasakyang pang bukid. Pagkakataon ko na ito kaya nagmamadali kong binuksan ang pinto ngunit napansin ako kaagad ni Marga. Mabilis syang nag-overtake kahit nabuksan ko na ang pinto. Lakas loob akong tumalon, bumagsak ako at dumausdos pababa sa lugar na tila gubat sa dami ng puno at ligaw na halaman. Umuusal ako ng panalangin habang dumadausdos ako pababa. Wala akong ibang nasa isip kundi ang makaligtas. Iniisip ko ang mag-ina ko.
Si Laine.Si Aliyah.
Hanggang sa maramdaman ko na tumama ang ulo ko sa matigas at malaking puno.
Bago ako nawalan ng ulirat ay may narinig akong tumatawag sa pangalan ko. Kasunod noon ay ang pagdilim ng paningin ko. At isang pangalan ang nasambit ko ng tuluyan na akong mawalan ng malay.
" Laine!!!"
" Nhel! Beh gising binabangungot ka!" naramdaman ko ang pagyugyog sa balikat ko.
Idinilat ko ang aking mga mata at nabungaran ko si Marga na nakatunghay sa akin. Nakaramdam ako ng galit ng makita ko sya. Malinaw kong nakita sa panaginip ko ang nangyari bago ang aksidente at kung paano ako naaksidente. Ngayon naaalala ko na kung bakit ako narito at kasama ko sya. Nilinlang nya ako at pwede ring sabihin na kinidnap nya ako.
Yung tungkol sa amin ni Laine ay bumalik ng lahat sa memorya ko nung araw na may mangyari sa amin.Ang pangyayari na lang noon bago ang aksidente ang hindi pa malinaw. Ngayon sa panaginip ko, maliwanag ko ng nakita ang lahat, naaalala ko na ang bawat detalye. Kasabay ng pagkaalala ko sa mga nangyari ay ang pagbabalik din ng pagkamuhi na nararamdaman ko noon pa man kay Marga.
" Sandali ikukuha kita ng tubig na maiinom para mahimasmasan ka." nabalik ang atensyon ko sa kanya. Matalim ang tingin na ipinukol ko sa kanya ngunit hindi nya na napansin dahil tumalikod na sya at madilim rin ang silid.
Nag-isip ako ng malalim. Hindi ko muna ipapahalata kay Marga na nakakaalala na ako. Itutuloy ko ang sariling imbestigasyon ko sa kanya para maging tulong ko na rin kay Frost at Dylan nang masampahan na si Marga ng kaso. This time kailangang singilin na sya. Hindi ko na hahayaang maka-libre sya sa ginawa nyang ito. Sukdulan na ang kasamaan nya, kailangan na nyang magbayad.
" O heto uminom ka muna." wika nya nung bumalik sya at inabot sa akin ang isang basong tubig. Marahan kong ininom ang laman ng baso at kinalma ang aking sarili. Kailangan kong pigilan muna ang galit na nararamdaman ko.
" Salamat." kaswal kong sambit.
" Ano ba ang laman ng panaginip mo at sumisigaw ka kanina?" tanong nya.
Hindi muna ako kumibo. Pinag-iisipan ko muna kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya. Ayokong makahalata sya na may naalala na ako.
" Kaninang nananaginip ako, may pangalan ako na isinisigaw, kilala mo ba kung sino yon? Ano ang kaugnayan nya sa akin?" tanong ko kunwari.
" H-hindi ko masyadong naintindihan ang binanggit mong p-pangalan kanina, nabigla kasi ako ng gising nung sumigaw ka." katwiran nya na medyo nag-stutter pa.Halata na may itinatago sya.
" Parang may binanggit akong pangalan, Laine ba? Sino sya?" subok kong muli.
" Ah sya yung sinasabi ko na na-obsessed sayo. Pati ba naman sa panaginip ginugulo ka nya?"
" Hindi naman sya masasama sa panaginip ko kung wala syang malaking kaugnayan sa akin di ba? At hindi sya ang nanggugulo sa akin, ako pa nga ang tumatawag sa kanya kaya pangalan nya ang isinisigaw ko nung magising ako. So tell me Marga, sino si Laine sa buhay ko?" panghahamon ko sa kanya. Nagulantang naman sya sa tanong ko. Tignan ko lang kung ano na namang kasinungalingan ang idadagdag nya sa listahan nya.
" Oo na! Naging girlfriend mo si Laine pero iniwan ka nya! Sumama sya sa ibang lalaki,kay Anton! Kasi hindi sya makuntento sayo kaya naghanap ng iba."
" Sinungaling ka!" biglang nag-init ang ulo ko sa sinabi nya,nanlilisik ang mga mata ko na tumingin sa kanya. Nag-iigting ang aking panga. Anong karapatan nyang dungisan ang malinis na pagkatao ni Laine sa harap ko? Wala na akong pakialam kung makahalata sya na nakakaalala na ako. I can deal with her. Wag lang si Laine. Sobra-sobra na ang paninira nya sa pagkatao ni Laine at hindi ko papayagan na ganun-ganunin nya ang asawa ko.
" Nhel ano ba! Anong nangyayari sayo?" nahihintakutang tanong nya.
" Anong karapatan mo para siraan si Laine ng ganon sa harapan ko?"
" Totoo naman yon! Ako ang asawa mo kaya may karapatan ako na sabihin sa harapan mo yan.Bakit mas higit mo syang pinahahalagahan kaysa sa akin eh niloko at iniwan ka naman nya."
" Asawa? Niloko? Huwag kang magpatawa.Hindi kita asawa Marga kaya huwag kang magsasalita sa akin ng kasiraan ni Laine dahil lahat ng paninira mo sa kanya ay walang katotohanan. At kahit kailan hindi ako niloko ni Laine.Kabaliktaran ang lahat ng sinasabi mo tungkol sa kanya at ang lahat ng paninirang sinasabi mo ay sayo bumabalik !"
Napatda sya sa mga narinig nya sa akin. Wala na akong pakialam kung malaman man nya na nakakaalala na ako. Hindi na nya ako maaaring linlangin at hawakan sa leeg.
" Nakakaalala kana?"
Thank you for reading. The end is near, few chapters to go at magpapaalam na sa atin sina Nhel at Laine. Maraming salamat sa mga nagtiyaga at sumuporta sa story na ito. Nakakataba ng puso ang pagsuporta nyo kahit na hindi ako ganon kagaling pinagtiyagaan nyo ako.
Sa Diyos ang lahat ng papuri.
God bless everyone.