webnovel

I Need You

Nhel's Point of View

My heart beats fast when I heard the familiar voice.Nakumpirma ko ang hinala ko ng pumasok kami sa dining room at makita sila na kasalo ng mga magulang ko sa hapag.

" Ikaw pala Nhel.Kumusta kana?" hindi agad ako nakakibo tila nalulon ko ang dila ko.Nagulat na lang ako ng humiwalay si Mark sa akin at tumakbo patungo kila papa.

" Lolo,lola I missed you both." masayang sambit nya na agad kumandong kay papa.

Saka pa lang ako tila natauhan at lumapit sa mga magulang ni Laine at nagmano.

" A-ayos lang naman po ako tito Franz,tita Paz.K-kayo po kumusta na?" hindi ko mapigilan ang hindi mautal sa harap nila.Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako ngayong kaharap ko sila.

" Heto,mabuti naman.Last week pa kami dumating pero ngayon lang kami nagka-time na umuwi dito sa Sto.Cristo dahil marami kaming inasikaso sa kumpanya.Pero ngayon dito muna kami ng mga ilang buwan,na miss kasi namin ang mama at papa mo." masayang pahayag nya.Nang mapadako ang tingin nya kay Mark. " Is he your son?"

" Yes po tito!" proud na tugon ko. Kahit kanino ay hindi ko ikinahihiya na may anak ako kahit pa marami akong nagawang pagkakamali sa buhay ko. Si Mark ang kailanman ay hindi ko maituturing na pagkakamali  ko kahit pa para sa akin ay isang pagkakamali ang ina nya.

" I see." maikling tugon nya. Hindi nakaligtas sa akin ang pagguhit ng lungkot sa mukha nya. Nang dumako ang tingin ko kay tita Paz,nakita ko na nalambungan din ng lungkot ang itsura nya. Siguro kung nagkaanak kami ni Laine mas matanda lang ito ng isang taon kay Mark.

" Buddy go to lolo Franz and lola Paz, magmano ka sa kanila." pilit kong pinasaya ang tinig ko para mawala ang hindi magandang athmosphere na panandaliang lumukob sa amin.

Mabilis namang umalis sa kandungan ni papa si Mark at lumapit sa kanila.

" Bless po,lolo Franz,lola Paz. I'm Mark William Mercado,3 years old.How are you po?"

" Oh he's such a nice kid." nakangiti ng turan ni tita Paz na niyakap pa ang anak ko.

" Yeah,parang si A..." hindi nya natuloy ang sinasabi nya ng bigla syang subuan ng tinapay ni tita Paz.

" Sino po tito?" nagtatakang tanong ko.Uminom muna sya ng tubig bago nagsalita.

" Ah yung isang apo namin na nasa US anak ni Frank, tama yung anak ni Frank,parang ganyan sa anak mo bibo rin." napaisip ako sa sinabi nya.Ang alam ko malalaki na ang anak ni kuya Frank. Nanganak ba uli si ate Angel, yung asawa nya?  Pero hinayaan ko na lang at hindi na ako nagtanong pa.

" How's your job? " pag-iiba nya ng topic.

" I'm doing fine tito. I got promoted three years ago. "

" That's good to hear anak. And I'm so proud of you, you've gone too far."

" Thanks to you." I sincerely said.

" Wala yon. You're like a son to me,you know that."

" O baka magkaiyakan pa kayo nyan.Nhel kumain na kayo para makapag-usap pa tayo ng husto nila pare." putol ni papa sa usapan namin ni tito.

" Sige po." at nagsimula na akong kumain at sinusubuan ko na rin si Mark.

Nang matapos ang agahan ay lumipat na kami sa sala para makapag-usap pa. Si Mark ay nagpunta na sa kabilang bahay para makipaglaro sa mga anak ni kuya.

Marami pang kwento sila tito at tita tungkol sa buhay nila sa US. Pansin ko na hindi sila nagbabanggit ng kahit ano tungkol kay Laine at hindi rin naman nagtatanong sila papa tungkol sa kanya. Siguro nirerespeto lang nila ang damdamin ko kaya ganon. At isa pa ayaw ko rin naman na may marinig ako tungkol kay Laine sa ngayon. Lalo ko lang kasi syang mami-miss. Sa loob ng halos dalawang buwan na hindi ko sya nakikita, parang mas lalong tumindi ang pangungulila ko sa kanya pero wala naman akong magawa, ayokong ipagsiksikan ang sarili ko sa kanya habang sila pa ni Anton.Nagmumukha akong kabit kahit ako naman ang legal na asawa.

Hinihintay kong banggitin ni tito Franz kila papa ang tungkol sa pagpapakasal namin ni Laine noon pero hanggang sa magpaalam sila ay wala silang nasabi tungkol dun. Alam naman ni tito Franz ang kalagayan ng kalusugan ni papa kaya siguro hindi na nya binanggit pa.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin nasasabi kila papa ang tungkol dun. Ayaw kong mas lalong masaktan si papa dahil hanggang ngayon sinisisi nya ang sarili nya at wala syang nagawa para pigilan si tito Victor sa panggigipit sa amin noon para pakasalan si Marga. Labis na nasaktan din sya sa nakikita nyang nangyari sa buhay ko kasama si Marga. Kaya kung sasabihin ko pa ang totoo baka mas lalong sisihin ni papa ang sarili nya. Hayaan ko na lang na maayos muna namin ni Laine ang tungkol sa amin bago nila malaman ang totoo.

____________

Laine's Point of View

NAGPUNTA sila dad at mom kila tito Phil para mangumusta at dalhin ang mga pasalubong nila sa mga ito. Sinabihan ko sila na wag ng magbanggit ng kahit ano tungkol sa akin at kay Aliyah dahil ako na lang ang personal na magsasabi kapag lumabas na lahat ng papeles na hinihintay ko.

Pagkaalis nila dad ay niyaya ko na si Anton at Lianna na mamasyal at mamili ng mga delicacies ng Sto.Cristo. Iniwan na lang namin si Aliyah kay tita Baby kasama ng mga brothers ko.

Nadaanan namin ang sasakyan nila dad sa tapat ng bahay nila tito Phil. Siguro nag-aagahan na sila habang nagkwe-kwentuhan. Knowing them, masyado silang close. Sa kabila ng nangyari sa amin ni Nhel, I'm glad that it didn't ruined their friendship.Mahirap talagang tibagin ang pagkakaibigan na ang pundasyon ay tiwala at respeto.

Nang mapadako ang tingin ko sa kabilang side ng kalsada, I saw a familiar car na naka-park sa mismong harap ng bahay ng pinsan ni mommy. It was Nhel's.

Mabilis na tumibok ang puso ko na parang gusto ng kumawala sa dibdib ko. Hindi pa ako handang magpakita sa kanya kahit pa sobrang miss ko na sya. Ewan ko ba, naduduwag ako at the same time natatakot ako dahil kay Aliyah. Alam kong kapag nakita nya si Aliyah hindi sya magdududa na anak nya ito dahil kamukhang-kamukha nya ang anak namin. Ang ikinatatakot ko lang yung baka magalit sya kapag nalaman na nya dahil itinago ko ang bata sa kanya ng ilang taon and worst inakala pa niya na anak namin ito ni Anton. At heto pa ang isa, buntis na naman ako ng wala syang kamalayan.

Baka magwala pa yun imbes na matuwa.

I heaved a sigh. Bahala na nga! Hindi pa naman ako sigurado sa reaksyon nya kapag nalaman nya, kung ano-ano na ang pumapasok sa utak ko.Hindi ako dapat maduwag at matakot. Ngayon ko higit na kailangan si Nhel at dinadasal ko na maayos na ang mga papers na hinihintay ko para mabawi ko na sya kay Marga. Kailangan ng mga anak ko ang ama nila at ayokong dumating ang araw na sisihin nila ako dahil wala akong nagawa para mabawi ito sa iba.

Hay nako Laine, ang gulo-gulo mo. Hayaan mo na si Lord ang kumilos, masyado kang paranoid!

Nakarating kami sa restaurant sa kabayanan kung saan nagse-serve ng mga specialty ng Sto.Cristo. Gusto kong malula sa dami ng inorder ng dalawang kasama ko, daig pa ako. Ako itong buntis pero mas grabe sila sa akin kung kumain.

Nang matapos kami ay naglibot na kami at bumili ng mga souvenirs sa mga shop na nadadaanan namin.

Nagtatawanan kami habang pumapasok kami sa isang shop dahil muntik ng madala ni Anton yung isang shirt na sinukat nya ng hindi pa namin nababayaran, hinabol tuloy kami ng tindera kaya hayun pinagtawanan namin siya ni Lianna.

Abala ako sa pamimili ng mga souvenirs sa dulong bahagi ng shop. Si Anton at Lianna naman ay nasa may pinto at tinitignan yung mga naka-display sa isang estante dun.

Nung makakita ako ng isang maliit na gitara, natuwa agad ako at gusto ko itong bilhin para kay Aliyah. Nang akmang dadamputin ko ito ay may isang kamay na humablot dito mula sa lalagyan. Sa gulat ko ay natabig ko ang mga wooden miniatures na nasa ibabaw ng rack at nahulog lahat ito sa sahig.

" Hindi ka kasi nag-iingat kaya sa isang iglap naaagawan ka!" mataray na turan ng nasa harap ko na umagaw ng gitarang nagustuhan ko.

Tsk! Bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo ito pa ang naka-engkwentro ko.

Compose yourself  Laine. Kalma!

" Maingat naman ako. May sadyang mahilig lang mang-agaw kahit alam ng pagmamay-ari na ito ng iba." nakangiti ko pang turan.

" Ows! Walang sayo Laine dahil ako ang pinakasalan at ako ang nagdadala ng apelyido nya." mayabang na sambit nya.

Weh di nga? Gusto kong sabihin pero nagtimpi ako. Hayaan ko na lang sya sa ilusyon nya.Enjoy it Marga while it lasts.

" Yun naman pala eh! Bakit parang bitter ka pa dyan? Move on, move on din Marga kapag may time."

" Bitch!" inis na turan nya.

" You're welcome Marga." malapad akong ngumiti sa kanya bago ko sya tinalikuran.

Nang makalapit ako kila Anton ay agad nya akong inakbayan at hinalikan sa ulo.

" Nice one baby! I'm so proud of you."

Natatawa na lang si Lianna at hinila na nya kami ni Anton palabas ng souvenir  shop.

Ang ganda ng encounter na ito nina Laine at Marga. Asar talo ang bruhang Marga.

Thanks for reading guys.

AIGENMARIEcreators' thoughts
Chapitre suivant