webnovel

The Truth

Laine's Point of View

" Mommyyyy....papaaa..." tuwang-tuwa na hiyaw ni Aliyah sa amin habang tumatakbo palapit sa amin ni Anton.

" Hey princess careful baka madapa ka." masayang salubong ni Anton sa bata. Kinarga nya ito at pinaghahalikan sa pisngi.

" I miss you both.Where's my pasalubong?"  sabay lahad ng maliit nyang kamay sa papa nya.

" Later sweetie, nasa car pa.Where's lola?" tanong ko.

" Nandyan na pala kayo hindi man lang kayo tumawag para nasundo namin kayo sa airport." singit ni mommy,palabas na sya mula sa kitchen.

Lumapit kami ni Anton kay mommy at nagmano kami sa kanya.

" Hindi na po kami tumawag mom para ma-surprise po kayo." sagot ni Anton.

" Aysus, hindi tuloy ako nakapagluto baka gutom na kayo.Wait lang magpapaluto ako kay tita Baby."

" Tita Baby? She's here mom?" nagtatakang tanong ko.Nasa US kasi si tita dahil sya ang nag-aasikaso kila dad habang nandito si mommy at Rogen sa Switzerland kasama ni Aliyah.

Hindi pa nakakasagot si mommy ng biglang bumukas ang pinto sa kitchen.

" Surprise!" sabay-sabay nilang bati sa amin.Si daddy, si tita Baby,Rogen,Earl at Drake pati na si Mang Gusting.

" My goodness! Akala ko kami ang magsu-surprise sa biglaan naming pag-uwi,yun pala kami ang masosorpresa nyo.Lumapit ako kay dad at mahigpit na yumakap sa kanya.

" Sobra ko kayong na-missed lahat. Buti nandito po kayong lahat?"

" Hala si ate, nakalimutan mo na ba?"

Turan ng kapatid kong si Drake.

" Ang alin bunso?" nagtatakang tanong ko.Napatingin ako kay Anton na nakakunot din ang noo.

" Sus talaga naman, malilimutin na.Kuya sabihin mo nga kay ate kung ano yon." baling ni Earl kay Rogen.

" Birthday mo na sa susunod na linggo kaya kami nanditong lahat." paliwanag ni Rogen.

" Shocks! Bakit ko ba nakalimutan yon.Ton bakit hindi mo pinaalala sa akin na birthday ko na next week?" baling ko kay Anton.

" Sorry baby. Kaya nga nagmamadali tayong umuwi at buti na lang umayon sa plano ko ang mga pangyayari."

" Ewan sayo! Alam mo naman na sobrang pre-occupied ako nitong mga nakaraang araw kaya pati sarili kong birthday nakakalimutan ko na."

" May problema ba baby?" tanong ni dad.Nagkatinginan kami ni Anton at sya na ang sumagot sa tanong ni daddy.

" Ah eh wala naman po dad, pero may sasabihin po kami ni Laine sa inyo ni mommy mamaya."

" Mukhang kinakabahan ako dyan ah!" saad ni daddy na seryosong nakatingin sa amin ni Anton. Lahat sila ay tila nagtatanong na nakatingin sa aming dalawa.Kinakabahan ako,hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang buntis ako.

" Mabuti pa magpahinga muna kayong dalawa, magluluto muna kami ni tita Baby." putol ni mommy sa namumuong tensyon. Kaya naman nakahinga kami ng maluwag pansamantala.Bahala na mamaya.

________________

" So ano ang dahilan at napaaga ang uwi nyo dito?" seryosong tanong ni dad.Nasa library kami ng bahay namin, dito kami dinala ni dad para mag-usap pagkatapos ng hapunan.

I sigh.

" Dad umuwi po kami para mag-file ng divorce." nakayukong turan ko.

" Bakit biglaan naman yata?" tanong ni mommy.

" Mom alam nyo naman po na doon naman kami papunta ni Anton kapag nakatapos na po si Lianna."

" Eh hindi ba next year pa yon? Bakit parang nagmamadali naman kayo ngayon?" tanong naman ni dad.

" Dad gusto na po namin na ayusin ang sa amin ni Laine kasi nagpakasal na po kami ng lihim ni Lianna sa Pilipinas.Gusto ko na rin ipagtapat sa parents ko ang lahat."

" Paano ang mag-ina kung maghihiwalay na kayo? Nagkausap na ba kayo ni Nhel?" tanong ni dad.

" Yes dad nagkita at nagkausap na po kami ni Nhel kaya lang po hindi ko pa nasasabi sa kanya ang totoo dahil gusto ko munang ayusin yung sa amin ni Anton at isa pa may anak na sila ni Marga."

" May anak? Paano mo sya mababawi kay Marga kung may anak na sila? Itutuloy mo pa ba anak ang pagbawi sa kanya?" tanong ni mommy.

" Mommy karapatan ni Laine na bawiin si Nhel dahil sya ang legal na asawa!" singit naman ni daddy.

" Pero daddy kawawa naman ang bata kung aalisan sya ng ama, wala syang kinalaman sa nangyari." protesta pa rin ni mommy, ganon talaga sya pag bata na ang usapan.

" Ano ganon na lang yon? Hahayaan na lang natin si Nhel kay Marga gayong may tunay na nagmamay-ari sa kanya?" tanong ni dad.

" Hindi sa ganon, ang sa akin lang may bata kasing maaapektuhan sakaling mabawi ni Laine si Nhel mula kay Marga."

Tuloy pa rin sila sa pagtatalo nila. Kaya napagpasyahan kong sumingit na sa kanila.

" Dad, mom I'm pregnant!"

" What?" sabay pa nilang sambit.Napatingin sila kay Anton, mga tingin na nagtatanong.

" Ano ka ba naman Alyanna, bakit nagpadala kana naman sa damdamin mo? Hindi ka ba nag-iisip? Paano kana naman nyan?" mahinahon ngunit kababakasan ang disgusto sa boses ni daddy.

Hindi ako kumibo, nanatili lang akong nakayuko. Tanggap ko naman kung ano ang sasabihin nila. Nagkamali ako, nagpadala sa bugso ng damdamin ko.

Lumapit si mommy sa akin at niyakap ako.

" Franz kumalma ka nga, nandito na to kaya huwag mo ng sisihin pa ang anak mo." sambit ni mommy habang hinahagod ang likod ko.

" I'm sorry dad,mom, hindi ko po nakontrol,ako man po nagulat din ng malaman ko." hinging paumanhin ni Anton.

Dad drew a deep breath.Disappointed na tumingin sa akin.Yumuko ako tanda ng pag-amin sa naging kahinaan ko.

" Paano si Laine kung magdi-divorce kayo at ganyan ang kalagayan nya?" tanong ni dad kay Anton.

" Ang balak po sana namin kahit divorce na po kami dito, magsasama pa rin po kami sa Pilipinas hanggat hindi pa sila ayos ni Nhel at hindi pa nasasabi sa parents ko ang lahat. Pumayag naman po si Lianna sa ganong set up.But everything has change the moment we learned about Laine's pregnancy.Magdi-divorce na po kami ngayon at babalik kaagad ng Pilipinas para ayusin na yung sa kanila ni Nhel at sabihin na sa parents ko ang totoo.It's about time na makasama na rin sila ni Nhel dahil magdadalawa na ang anak nila."

Nakatingin lang si dad at mom sa amin habang si dad ay tila malalim na nag-iisip.

Dad heaved a sigh.

" Alright, it's about time na malaman na nga ni Nhel ang lahat.Lumalaki na si Aliyah at mas magandang ngayon pa lang makilala na nya ang tunay nyang ama.Naging tunay kang ama sa kanya Anton at hindi nya naramdaman kahit minsan na hindi ikaw ang ama nya. Salamat sa pag-aalaga at pagmamahal mo sa anak at apo ko Anton, napakabuti mong tao. Kung hindi lang sana naiba ang sitwasyon, panatag na ako na ikaw ang makasama nila habang-buhay." buong paghangang wika ni dad kay Anton.

" Dad masaya at kuntento po ako sa mag-ina at kahit kailan hindi ko inisip na hindi sila akin. Kaya lang kailangan tanggapin na may ibang nagmamay-ari sa amin pareho ni Laine pero makakaasa po kayo na kahit hiwalay na po kami,aalagaan at poprotektahan ko pa rin sila." pangako ni Anton.

" Salamat anak, kahit hiwalay na kayo ni Laine parte ka pa rin ng pamilya. Sana maayos nyo na ang lahat." turan naman ni mommy.

HINDI ako makatulog ng gabing yon. Naisip ko yung naging usapan namin kanina ng mga magulang ko at ni Anton. Hindi ko akalain na maiintindihan nila ang sitwasyon ko at wala akong nakitang galit mula sa kanila. Sana maayos ko na ang sa amin ni Nhel.

Napahawak ako sa impis ko pang tiyan. May nabuo na naman kami ni Nhel ng hindi na naman nya alam. Katulad lang nung kay Aliyah ang nararamdaman ko ngayon. Nalulungkot ako kasi wala na namang kamalayan yung katuwang kong gumawa nito. Ano kaya ang reaksyon nya kapag nalaman nya na may anak siya sa akin? Matutuwa kaya sya? Magagalit? Gusto kong makita ang magiging reaksyon nya.

Katulad din kaya ng reaksyon ni Anton kapag nalalaman nyang buntis ako? Kasi si Anton kumikinang ang mga mata nya sa saya nung malaman nyang buntis ako kay Aliyah at dito sa pangalawa. Yung saya na akala mo sya ang ama ng pinagbubuntis ko.Nung manganak nga ako, akala mo tumama sa lotto ng makita at mahawakan nya si Aliyah. Kaya nalulungkot din ako kung maghihiwalay na kami.He is my savior, my best friend at sa limang taon na nagsasama kami, he never took advantage of me. He's a perfect gentleman. Ang pinaka intimate namin bilang mag-asawa ay yung nagpapa-massage sya sa akin after a long tired day in the office.Well, of course he loves to cuddle and kiss me on my forehead at yun na ang simpleng paglalambing nya sa akin.

Humarap ako sa taong payapang natutulog sa tabi ko.I stroked my fingers through his soft hair.He is one hell of a good looking guy pero kakatwang hindi man lang ako nagkagusto sa kanya, gayon din naman sya sa akin. Ni hindi nga sya na turn on man lang sa pagiging dyosa ko.Mahal namin ang isat isa but not in a romantic way,  yung love na parang sa magkapatid lang.

Bahagya syang kumilos at tinignan ako gamit ang isang mata.

" Why are you not sleeping? Gabi na ah!" in his husky voice.

" Hindi ako makatulog eh, naiisip ko yung mga nangyari at mangyayari pa." hinila nya ako palapit sa kanya at niyakap mula sa likuran.

" Baby masama sayo ang mapuyat. Saka mo na isipin yung mga bagay-bagay. I'm here and I won't let you do things alone, we're in this together."

" Thank you so much hubby. Hindi naman ako nangangamba dahil alam kong nandyan ka."

" Kaya nga matulog ka na po at kawawa naman ang baby natin kung mag-iisip at magpupuyat ka. I love you, okay?" turan nya.

" I love you too. Ano nga pala napagkasunduan nyo nila dad?" tanong ko, nauna kasi akong lumabas ng library dahil nagke-crave ako sa pizza at inutusan si Earl na bumili.

" Yun, sasama sila sa atin pabalik ng Pilipinas pag natapos na tayo sa inaasikaso nating divorce."

" What?"

Heto na yung truth between Anton and Laine. Sana malinawan na yung mga naguguluhan dyan.

Thanks for reading!

AIGENMARIEcreators' thoughts
Chapitre suivant