webnovel

Problems

Laine's Point of View

Tila nayanig ako sa sinabi ni Nhel.Totoo pala na may mga tao na kayang gawin ang lahat pagdating sa pag~ibig,maging ang sariling buhay kayang ilagay sa panganib.

Losing self control is my biggest fear in life. Kaya as much as possible ayokong manaig ang puso ko sa isip ko.Mahal ko si Nhel,oo sobra pa sa sobra pero hanggat maari ayokong masira ako ng sobrang pagmamahal ko sa kanya.Kumakapit ako kay Lord, Siya ang hinahayaan kong kumontrol sa puso't isip ko.

Hindi ko alam kung bakit ganon ang ginawa ni Marga, ganon ba talaga nya kamahal si Nhel para tangkain nyang kitliin ang sariling buhay na hiram lamang din nya?

Tinignan ko ang malungkot at nababahalang itsura ng asawa ko.Sino ba naman ang hindi mababahala kung siya ang halos sisihin ng mga magulang ni Marga sa nangyari sa anak nila.Ano ba ang kasalanan nya dun? Ang anak nila ang may gusto at kaya nya iniiwasan ito dahil may pananagutan na syang iba.At alam naman ng buong Sto.Cristo na simula pagkabata ay kami na at alam din nila yun.So bakit nila isisisi kay Nhel yung ginawa ng anak nila.Alangan namang makipag~mabutihan si Nhel sa anak nila eh committed na nga yung tao.Kaya nga umiiwas para walang maging problema.Dapat sila ang pumigil sa anak nila. Hindi komo gusto nito ay ibibigay nila,kahit makasakit sila ng iba.

Lumapit ako kay Nhel at niyakap sya ng mahigpit.

" Beh, it's not your fault. She has her own mind. You are already committed to me and everybody knew that and even Marga's parents knew it. So bakit kailangang pakitunguhan mo yung anak nila gayong alam natin at alam nila na may gusto si Marga sayo? Ano ba ang gusto nila? Ang pagbigyan mo siya sa nararamdaman nya sayo kahit na committed kana sa akin? "

" Yeah babe you're right.Sa tono ng pananalita nila kanina, parang gusto nila na bigyan ko ng pansin ang anak nila kahit konti lang.Sabi ko hindi naman pwede yung ganon dahil nga committed na ako. Kaya nga ako umiiwas sa anak nila.Pero umiiyak na nakiusap ang mommy nya na kahit konting pansin lang daw."

" What? Pag ginawa mo yon, siguradong aasa na sya.Gusto ba nila na paasahin mo yung anak nila at pagkatapos ano ha beh? Desperada si Marga, kaya gagawin nya ang lahat para makuha ka nya. Sarili nga nyang buhay hindi nya pinahalagahan makuha lang ang atensyon mo. Paano pa kaya kung bibigyan mo na sya ng konting pansin? Madali na nyang magagawa yung gusto nya! " hindi ko maiwasang uminit ang ulo sa nalaman ko mula sa kanya.

Ano ba namang klase ng magulang sila? Inililimos nila ng konting pagtingin ang anak nila sa taong may commitment na.Hindi ganyan ang mga magulang ko. Kapag mali at makakasakit ng ibang tao, hindi nila kukunsintihin yun kahit gaano pa nila kami kamahal.

" Babe,calm down.Hindi ko hahayaang mangyari yun.We're married and few months from now,church wedding na natin.There's nothing she can do about it."

I heaved a sigh.Ilang linggo na lang graduation ko na.Pagkatapos nun, aayusin na namin ang mga detalye sa kasal namin at ang napili naming araw ng kasal ay yun mismong anniversary namin.Simpleng church wedding lang na ang invited ay yung mga malalapit na relatives lang namin at kaibigan.Ang gusto kasi ng mga magulang ko at magulang nya na huwag ng ipamalita sa buong Sto.Cristo upang maiwasan ang maraming usapin.Kung paanong ang engagement namin ay lingid sa lahat kaya gusto nila pati ang kasal gayun din.Kaya dito sa Maynila nila naisipang gawin ang church wedding namin..Wala naman kaso sa amin ni Nhel yun, tutal kasal naman na kami. Yun nga lang lihim din sa kanilang lahat.

Paano nga ba ngayon ang gagawin namin kay Marga? Sasabihin ba namin sa kanya na kasal na kami para tumigil na sya? Paano ang mga magulang namin pag nalaman nila na nagpakasal kami ng hindi nila nalalaman? Siguradong magagalit sila sa amin dahil sumuway kami sa pakiusap nila. Kung aalis naman kami ng bansa,paano ang pag~aaral ko at magandang trabaho ni Nhel? Madedemanda rin kami ng Montreal dahil may kontrata kami sa kanila.

May suicidal tendency si Marga. Kung gagawin namin lahat ng naisip naming paraan baka hindi siya magdadalawang isip na gawin uli yung ginawa nya.

Kung pakikitunguhan naman sya ni Nhel ng maayos, hindi malayong malagay sa alanganin ang relasyon namin.

Ano ba naman yan, hindi ba pwedeng masaya na lang kami?Nagpakasal kami para ma~secure ang relasyon namin pero may asungot pa rin.

" Beh sabihin na lang kaya natin kila daddy yung totoo,na kasal na tayo para malaman na rin ng mga magulang ni Marga at hindi na nila ipagpilitan na pansinin mo yung anak nila."

" Naisip ko na yan babe, kaya lang baka sumama naman ang loob ng daddy mo at ni papa sa atin.Alam mo naman si papa pag nagalit, baka atakihin pa yun."

" Paano yan, ano gagawin natin ngayon? "

" Bahala na babe, may awa ang Diyos.Malalampasan din natin to."

Kinabukasan, umuwi kami ni Nhel ng Sto.Cristo dahil birthday ni tito Phil.Pinauwi kami dahil sa maliit na salu~salo ng pamilya.Gusto ko ng sabihin kay tita Bining yung mga nangyayari kaya lang pinigilan ako ni Nhel. Huwag na raw namin silang idamay sa gusot ni Marga.

Kinabukasan,palihim akong kinausap ng mother ni Marga.Lihim pala sa buong Sto.Cristo ang ginawa ni Marga kaya ngayon kinakausap nya ako ng kami lang dalawa sa isang parke dito sa kabayanan.

" Laine alam naman namin na kayo ni Nhel ay nagkakamabutihan simula pa nung bata kayo at may basbas yun ng mga magulang nyo.Nandito ako para sana makiusap sayo para sa anak namin.May sakit si Marga at bukod dun may suicidal tendency sya.Malaki ang pagkagusto nya kay Nhel simula pa pagkabata.Pero dahil ikaw ang minahal ni Nhel,hindi nya pinapansin ang anak ko.Kinimkim yun ni Marga ng mahabang panahon hanggang sa gumagawa na sya ng paraan para makita at makasama lang nya si Nhel, pero binabalewala lang sya. Hanggang ito ngang nakaraan lang, nagtangka na sya sa buhay nya dahil hindi na nya kinaya."

Tumingin ako ng diretso sa mata ni Mrs.Quinto at nagsalita ng mahinahon.

" Ano po ang gusto nyong gawin ko ngayon? Iwanan ko si Nhel para sa anak nyo? Malayo na po ang narating ng relasyon namin. Marami na po kaming plano para sa hinaharap at may mga naipundar na nga rin kami.Ano po yon? sa isang iglap mawawala dahil lang sa gusto ng anak nyo? Hindi naman po yata tama na maghiwalay kami para mapagbigyan lang kayo. Paano naman po yung damdamin namin? Magiging maligaya po ba kaya si Nhel sa anak nyo gayong ako yung mahal nya at gustong makasama sa buhay nya? Hindi po madali yang hinihiling nyo Mrs.Quinto. Buhay at pag~ibig po namin ni Nhel ang nakataya dito.."

"Alam ko at naiintindihan ko ang mga sinabi mo.Hindi ko sinabing iwan mo si Nhel.Ang gusto ko lang sana pakitunguhan lang ni Nhel ng maayos yung anak ko. Bigyan lang ng konting atensyon,yung kahit parang kaibigan lang.Sinasabi ko ito sayo para kung sakali man eh hindi nyo ito pag~awayan.May sakit ang anak ko kaya ginagawa namin ang lahat para mapasaya lang sya.Ayokong gawin nya ulit yung ginawa nya dahil hindi namin kakayanin kung mawawala sya sa amin dahil kaisa~isa lang sya." halos maiyak na sya sa pakikiusap sa akin.

I sigh.Ang hirap naman nito na parang kinokonsensya ka pa.Akala nila madali lang yung hinihiling nila. Hindi nila alam ang kayang gawin ng anak nila.

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na pumapayag sa pakiusap niya.Siguro sadyang maawain lang talaga ako.

Pinag~usapan namin ni Nhel yung tungkol sa pakiusap ni Mrs.Quinto. Hindi sya pabor pero sinabi ko na wala naman kaming magagawa at baka pag nag~suicide uli yung may sapak sa ulo na si Marga eh kami pa ang sisihin.

Nakinig naman sya sa akin kahit labag din sa loob nya.Kaya ng ilabas sa ospital si Marga ay kasama sya ng mga magulang nito.Hindi ko alam kung ano ang eksaktong nararamdaman ko,awa ba o inis kay Marga? Marahil pareho.

Simula nun ay palagi na lang nyang pinupuntahan si Nhel sa office nito at nagdadala ng kung ano~ano. Mabuti na lang hindi nya alam kung saan umuuwi si Nhel kundi baka puntahan din nya ito at malaman pa na magkasama kami sa bahay.Sinabi na lang ni Nhel na sa isang bahay na provided ng company sya nakatira at bawal ang bisitang babae dahil puro lalaki sila dun.Buti at hindi na ito nagpumilit pa.

Kapag umuuwi naman kami ng Sto.Cristo, wala rin kawala si Nhel sa kanya. Nasa bahay lagi ito at nagpapasama kung saan~saan kay Nhel.Wala na kaming oras halos sa isat~isa kundi yung bago matulog na lang. Dun lang kami nakakapag~usap ng matagal at konting lambingan na rin.

Hindi ko alam kung hanggang kailan kami tatagal ni Nhel sa ganitong set up na ginawa ni Marga.Alam kong nahihirapan si Nhel pero hindi nya magawang iwasan si Marga dahil palaging sinasabi nito sa kanya na kapag iniwasan nya ito ay may gagawin ito na hindi nya magugustuhan.At palagi na lang iniisip ni Nhel ay ang kapakanan ko dahil baka ako ang gawan ni Marga ng masama kapag iniwasan nya ito.

Isang araw bago ang graduation ko, sinundo namin ni Nhel si daddy at mommy sa airport at dun sila tumuloy sa bahay namin.Masaya sila ng makita nila ang bahay namin at lalong nadagdagan ang paghanga nila kay Nhel.

Two days lang sila mananatili dito at babalik din agad sila ng US dahil maraming trabaho ang naiwan. Umuwi lang talaga sila para sa napaka~importanteng araw, ang pagtatapos ko ng may mataas na karangalan bilang Magna cum Laude.

Natapos ang graduation na masayang~masaya at super proud ang mga magulang ko at gayun din ang mga magulang ni Nhel at syempre si Nhel din.Siya nga ang nagbayad sa first class restaurant na kinainan namin.

Parang nun ko lang uli sya nakitang masaya pagkatapos ng halos isang buwan na stress sya kay Marga.

Bago umalis sila daddy ay pinag~usapan muna namin ang ilang detalye para sa kasal namin ni Nhel kasama sila tito Phil at tita Bining.

Habang nag~uusap kami ay parang bigla akong binundol ng kaba sa dibdib ko.

Parang kakaiba itong nararamdaman ko ngayon.

Kung para saan, hindi ko alam....

Chapitre suivant