webnovel

It Would Be You and Me... Always

Nhel's Point of View

Beh I cooked your favorite kare-kare, initin mo na lang pag kakain ka, then ilagay mo sa ref yung matitira para pwede pa the next day.Naglinis na rin ako then yung mga labahin mo tinapos ko na, I'll be back na lang para plantsahin naman.Yung vitamins mo wag mo kalimutan inumin, pahinga ka naman baka magkasakit ka.Ingat palagi. I love you.

Napangiti ako sa sulat ni Laine na nakadikit sa pinto ng ref.Galing na naman sya dito kanina para asikasuhin ang mga pangangailangan ko sa bahay.More than a month ng ganito ang set-up namin dahil araw-araw na akong gabi kung umuwi.Nagsimula ito nung magpa-overtime ang company na pinagpa-praktisan ko.Kulang sila sa staff. Kaya imbes na mag-hire ay kami na lang na mga nag-oojt ang kinuha nila, binabayaran naman nila kami sa overtime.

Kaya simula nun, si Laine na lahat ang nag-aasikaso sa mga pangailangan ko. Pumupunta sya after ng class nya then umuuwi lang sya pag tapos na sya sa gagawin nya.Hindi na nya ako hinihintay kasi sabi ko gagabihin na sya ng husto.Tuwing weekends na lang kami nagkakasama at kung minsan magkasama rin kaming umuuwi ng Sto.Cristo.

Nahihiya rin ako kay Laine kapag ganitong hindi ko sya nabibigyan ng atensyon masyado.Pero madalas nyang sabihin na okey lang dahil ganito rin daw ang magiging sitwasyon kapag nagpakasal na kami. Parang practice na rin daw yung ginagawa nya ngayon.

Kinikilig ako pag sinasabi nya yun. Kahit naman lalake ako hindi ko maiwasan na hindi makaramdan ng ganun.Para na nga akong may asawa sa ginagawa nya.Sobrang maasikaso at maalalahanin sya at naiintindihan nya ang sitwasyon.

Naalala ko pa nung Valentine's day, hindi ko man lang sya nailabas para mag-date kami, first time sana namin yun pero dahil sa tambak na trabaho, nagluto na lang sya at nag candlelight dinner kami sa apartment nila. At ang tanging regalo ko lang na nabigay sa kanya ay ang paborito nyang Cadbury Chocolates at tatlong pirasong pink tulips.Pero kahit ganon, masaya kami dahil magkasama kami. Sabi nga nya marami pa namang Valentine's day na darating sa amin.

Di bale ilang weeks na lang at tapos na rin ako sa OJT ko, malapit na rin ang summer vacation, dun na lang ako babawi kay Laine.

Nami-miss ko na ang babe ko ah.Ano kaya ang ginagawa nya ngayon?

Tumayo ako sa kinauupuan kong sofa at pumunta na sa kitchen para maghapunan na.Ininit ko yung kare-kare at nagsandok na ako ng kanin.

Ang sarap talaga magluto ng babe ko, champion! Mukhang mapaparami ako ng kain nito ah.

Matapos kong hugasan ang pinagkainan ko at magligpit sa kusina ay tumungo na ako sa banyo para maligo.

Saktong katatapos ko lang maligo ng mag-ring ang phone.

" Hello!"

(Thank God you're home!)

" Napatawag ka babe, miss mo na rin ako noh?"

( Oo naman, kumain ka na ba?)

" Oo tapos na, kakaligo ko nga lang.Ano ginagawa mo? Nag dinner ka na?"

( Oo kanina pa, wala nga akong magawa, I'm all alone here.)

" Bakit? Nasaan yung dalawa?"

( Si Candy may group study sila, tomorrow na uuwi yun then si Rina kakatawag lang kasi birthday nung tita nya sa Makati dun na pinapatulog, she's with Pete naman.)

" Ok wait for me, samahan kita.Mahirap yang nag-iisa ka dyan."

( No wag na, pagod ka na.Sanay na kami dito, safe naman dahil maraming tanod sa labas na nagbabantay.)

" Ok lang ako, hindi ako mapapakali pag ganyang mag-isa ka dyan.Babe, delikado, wag na matigas ang ulo."

( Eh maaga pasok mo bukas tapos bibiyahe ka pa.Magpahinga ka naman beh baka magkasakit ka nyan.)

" Mas magkakasakit ako pag ganitong nag-aalala ako sayo."

I heard her sigh.

( Okey, ganito na lang ako na lang pupunta dyan, tutal medyo tanghali pasok ko. Wait for me magta-taxi na lang ako, that's final.Oops wag ka na tumutol, ibaba ko na ito.)

Napailing na lang ako, naibaba na nya at sigurado nagkukumahog na yun.Hindi ko naman ma-kontra, magtatalo lang kami.Pag sinumpong yun ng kakulitan wala na akong nagagawa.

Haay Lord, ingatan mo po sya sa daan.

After almost an hour, may kumakatok na sa pintuan ko.

Pagkabukas ko ng pinto, tumambad sa paningin ko si Laine na hindi magkandatuto sa dami ng bitbit na plastic bag at may backpack pa sa likod nya.

Agad kong kinuha ang mga bitbit nya sa mga kamay nya.

" Ang dami mo namang dala babe, ano na naman ba ito?" tanong ko ng maibaba ko na sa dining table yung mga dala nya.

" Pinag-grocery na kita, napansin ko kasi kanina na halos paubos na ang stock mo. Bukas pa yung supermarket sa kanto kaya dumaan na ako." paliwanag nya habang namamahinga sa sofa.

I heaved a sigh.

" Babe, halika nga dito." tawag ko sa kanya.

Lumapit naman sya sa akin.At nagulat na lang sya ng bigla ko syang yakapin ng mahigpit at halikan sa ulo.

" Thank you! What am I gonna do without you?" sabi ko.

" Beh, you've done so much for me. Maliit na bagay lang lahat ng ginagawa ko para sayo kumpara dun sa mga nagawa mo para sa akin.I'm doing this because I love you and I'm willing to sacrifice for you." turan nya.

" I love you more babe at hindi ko alam ang gagawin ko pag wala ka.

Halika na, matulog na tayo maaga pa pasok natin bukas." sabi ko sabay hila sa kanya papasok ng room.

" Sige mauna kana, mag-CR lang ako at aayusin ko lang gamit ko, susunod na ako pagkatapos ko." sabi nya at dumiretso na ng CR.

Tumuloy na ako sa room at inayos ko ang higaan, binuksan ko na lang yung ceiling fan para hindi masyadong mainit.Nakakahiya naman kay Laine, sanay yun sa aircon.

Makalipas ang ilang sandali pumasok na rin si Laine na naka-pantulog na.

" Saang side ka pupwesto? medyo kulang sa unan, baka hindi ka makatulog na dalawa lang ang unan." sabi ko..sanay kasi sya na marami ang unan sa higaan.

" Ok lang, andyan ka naman beh, gawin na lang kitang unan." sabi nya.

" Ayos lang, basta ba wag mo akong pagsasamantalahan.hehe." asar ko.

" Wag ka mag-alala, paninindigan kita.haha.parang ikaw pa lugi nyan ah.Lika na nga tulog na tayo, antok na ko." sabi na lang nya.

Nag-pray na kami at sabay na humiga pagkatapos.Niyakap ko sya at sya naman ay umunan sa dibdib ko at idinantay pa ang mga binti sa akin.Tinotoo nga na gagawin nya akong unan.

Ang sarap talaga matulog pag ganitong katabi mo ang mahal mo.

Kahit pagod ka maghapon pag ganito naman ang katabi mo sa pagtulog, wala, naglalaho na ang lahat.

With Laine by my side, what more can I ask for.. This is beyond perfection.

" Goodnight babe, I love you!"

" I love you too beh, goodnight!"

And then we kissed.A kiss that lasted for I don't know how long.

At bago kami makalimot, kusa na kaming tumigil at natulog ng may parehong ngiti sa labi.

Hay pag-ibig nga naman....

Chapitre suivant