webnovel

All Night

Laine's Point of View

NATATAWA na lang ako kay Nhel habang nagmamadali syang hila-hila ako papunta sa kanila.

I like his guts when he wants something from me, he annoy me first just to get what he wanted.Pwede naman nyang gawin yung gusto nya because he has all the rights naman being my boyfriend pero hindi sya ganon, hindi sya yung tipong sunggab lang ng sunggab.He's such a gentleman.

" Alright we're here." anunsyo ni Nhel na ngiting-ngiti pa.

" Laki ng ngiti ah, excited lang beh?" asar ko.

" Syempre ilang araw kong hindi nakita sila mama." inosente kuno na sagot nya.

" Ows, talaga lang ha?" tanong ko ng nakataas pa ang kilay.

" Haha..ikaw naman babe,alam mo na yun." sabi nya sabay wink sa akin.

" Sige, push mo yan.Wish mo lang walang sablay yan.haha." asar ko uli.

" Yeah, trust me."

Pagpasok namin sa kanila, tuwang-tuwa ang pamilya nya pagkakita sa akin, para akong artista na pinagkaguluhan.

Pansin ko na parang iretable na si Nhel kasi hindi nya ako masolo.

Kaya nagpaalam muna sya na maliligo muna bago kumain ng dinner.Eksaktong nakatapos na sya nung nag-umpisa kaming kumain.Tumabi sya sa akin at tahimik lang na kinain ang mga inilagay ko sa plato nya.Problema neto?

Nung matapos kaming kumain ay nagprisinta ako na kami na lang ni Nhel ang maghuhugas ng pinagkainan gaya ng nakagawian na namin nun.

Kaya lang panay ang reklamo nya dahil baka gabihin na raw ako sa pag-uwi.If I know, meron syang motibo kaya sya nagmamadali.haha.

Eksaktong tapos na kami maghugas ng pinggan at nakapag-toothbrush ng tawagin kami ni tita Bining dahil may naghahanap kay Nhel.

Paglabas namin nadatnan namin ang barkada na nakaupo na sa sala at may kasamang representative ng baranggay.

" Laine galing kami sa inyo, sinabi ni tita na nandito ka nga daw, gusto kang kausapin nitong secretary ng baranggay.Siya si Ms. Dimaun." paliwanag ni Candy.

" Hi, good evening Laine.Pasensya kana ginabi kami, actually galing na kami sa inyo kinausap ko na ang parents mo.Sinabi nila na ikaw na muna daw ang kausapin." sabi ni Ms.Dimaun.

" Teka po, tungkol po ba saan yan?" naguguluhan kong tanong.

" Tungkol ito sa pageant na gaganapin sa fiesta ng bayan.Ikaw ang napili ng baranggay natin para lumaban sa Mutya ng Bayan." paliwanag nya.

" Po? Bakit ako po? I mean marami namang deserving dito kaysa sa akin." sabi ko.

" Bakit naman hindi ikaw? Eh obvious naman kung bakit.Tsaka ikaw ang pinili ng buong baranggay dahil ilang beses ka na nanalo sa mga pageant ng school at naniniwala kami na malaki ang laban mo.Sige na pumayag ka na."

pakiusap pa nya.

" Oo nga Laine, kayang-kaya mo yan.Beauty and brains ka kaya..tiyak matatalo mo yang taga ibang baranggay, sigurado yun." segunda ni Rina.

" Teka po, sasabihin ko muna sa parents ko.Nasabi nyo na po ba?"

" Oo, papayag daw sila kung payag ka." sagot ni Ms.Dimaun.

" Ah ganon po ba..teka po meron pang isa." lumingon ako kay Nhel na nasa likuran ko." Payag ka ba Nhel?

" Sige Laine, ok lang sa akin.Suportahan kita." mabilis na sagot nya ng nakangiti.

" O ayun naman pala payag na rin si pogi.So settled na tayo.Friday ngayon kaya Monday ka pa makakapunta ng baranggay para sa

mga detalye ng pageant.So expect ka namin dun sa Monday ha Laine?" sabi ni Ms.Dimaun.

" Ah ok po..punta na lang po ako.Salamat po." sagot ko.

" Maraming salamat din Laine.Alam kong mananalo tayo dahil sa natural mong ganda, inside and out.Sige tuloy na kami medyo gabi na." paalam nya.

At umalis na si Ms.Dimaun.Sumama naman sa kanya ang barkada para ihatid sya.Nangako sila na bukas na lang kami magbo-bonding dahil pagod na raw kami ni Nhel sa byahe.

" Haay salamat, naubos na rin ang istorbo." nakangising sabi ni Nhel.

" O eh di ihatid mo na ako, gabi na, magagalit na si daddy." patay malisyang sabi ko.

" Hindi magandang ideya yan Alyanna, kanina pa ko naghihintay!" naaasar ng sabi nya kasi binanggit na pangalan ko.

" Haha..ang bilis mo namang maasar beh..sige mamaya mo na lang ako ihatid at mukhang mag-aamok kana dyan.Cool ka lang!" sabi ko.

Hayun mabilis pa sa alas kwatro na hinila na ako sa likod bahay at dun daw kami sa duyan nila magbonding.Malaki yung duyan na yon, kasya ang dalawang tao.At dito kami madalas nun.

Umupo kami at inugoy-ugoy ng bahagya ang duyan.Niyakap nya ako ng mahigpit mula sa likuran at ipinatong ang ulo nya sa balikat ko.Hmm..nagpapabebe na naman ang bebeh ko. Gusto kong matawa sa kanya dahil parang hindi kami magkasama ng ilang araw at ganito to umasta.Daig pa ang may sapi.Kaya naman hindi ko napigilan ang magtanong.

" Beh may sapi ka ba?" natatawa kong tanong.

" Ano namang klaseng tanong yan babe?" tanong din nya.

" Eh kasi naman kanina ka pa atat na atat dyan.Ilang taon ba tayong di nagkita ha?Sa pagkaka-alam ko mula nung mag-umpisa ang summer inseparable na tayo.At simula nung lumuwas tayo ng Makati hindi pa tayo naghihiwalay hanggang ngayon.Ano nangyare sayo ha?" sagot ko na pinipigil ang matawa.

" Wala lang babe, nami-miss ko lang yung magkatabi lang tayo doing nothing pero masaya o kaya yakap lang kita whispering sweet nothings.Magkasama nga tayo palagi pero wala tayong masyadong ganung moment ngayon.Ewan ko ba parang lagi kitang nami-miss ngayon kahit kasama naman kita.Siguro nga dahil wala tayong masyadong time na tayong dalawa lang." malungkot na sabi nya.

Oo nga, these past few days wala kaming ganitong moment.At kapag ganito tong bebeh ko, ang sarap nitong i-bebe talaga.hehe.kilig much!

Humarap ako sa kanya at hinawakan sya sa magkabilang pisngi.Tumingin ako ng diretso sa mga mata nya.

" Beh I know what you feel coz I feel the same way too..Magkasama nga tayo ng madalas ngayon pero walang tayo lang, meron ding sila.I also missed being alone with you doing nothing yet happy and contented." sabi ko na puno ng pagmamahal.

Niyakap nya ako ng mahigpit at gumanti rin ako ng yakap na yung tipong mararamdaman nya ang lahat ng damdamin ko para sa kanya.

Nanatili lang kaming ganon ng ilang minuto, pinakikinggan lang namin ang mga tibok ng puso namin na magkapareho ang pintig.

Oh! This is the man that I want to marry someday.The one that I will spent the rest of my life with.Nararamdaman ko yon dahil sa magka- parehong tibok ng puso namin.Maaaring may mga dumating na pagsubok sa pagitan namin but in the end alam kong mapagtatagumpayan namin dahil mahal namin ang isat-isa.

After 123456....minutes kumalas si Nhel sa pagkakayakap nya sa akin at tinitigan lang ako ng punong-puno ng pagmamahal.

" Babe, can I kiss you?" tanong nya.

" Sure! bakit ba nagpapaalam ka pa?" tanong ko rin.

" Coz I want to kiss you all night!" walang kagatol-gatol nyang sagot.

" All night?! Hoy Nielsen baka gusto mong mapagalitan ni daddy at i- banned ka sa lahat ng sulok ng bahay namin pag hindi mo ako inuwi ngayon.At ano idadahilan mo? Kasi hinalikan mo ako all night?!" hindi ko mapigilang bulalas.

" Hahaha..ang cute mo ms.armalite.

What I mean is, I want to kiss you not just once like we used to, but twice, thrice or maybe spent the remaining 2 hours kissing you before I take you home.What do you think? may pataas-taas pa ng kilay ang hudyo.

" Hindi mo naman ako hina-harrass nyan?Baka naman mamaga na mga nguso natin sa two hours na kissing.Are you serious beh?" tanong ko na nakataas rin ang kilay.

" Hahaha.I'm just kidding, I just wanna be with you but if you insist, I'm ready." pilyong sagot nya.

" Okey, close your eyes,I'll do it first." sabi ko.

" No,no,no! Don't initiate coz the last time we kissed, muntik na akong makalimot, pang special occasion ka na lang, mahirap na!"matinding pagtanggi nya.

" Who taught me anyway? Sige na nga ikaw na,ang dami mong arte dyan!" sabi ko ng naiinis na.

Then without a warning, he immediately reach for my lips.He kiss me gently, his eyes are closed.Medyo may kakaiba sa halik nya, dinadama nya ng husto na parang ngayon lang nya natuklasan kung paano humalik.

Napangiti ako sa pagitan ng mga halik and in an instant I pulled his nape and caressed it.Sa ginawa ko, lalo nyang pinalalim ang halik.He's a good kisser and his breath is so addicting to my nostrils and I just can't get enough of his kiss.

Gosh! nadadala na naman nya ako sa dako pa roon pero ayaw ko muna na tumigil kami.

Gumanti na rin ako with the same intensity, the kiss became hot and wild,ang mga kamay nya ay humahaplos na sa aking likod and it sent shivers down to my spine..Then, sudden panic hits me... we have to stop, we need to stop.

He tried to open his eyes when I lifted my mouth from him.He look straight into my eyes.His eyes are blazing with desire.Oh no! He's really affected with our kiss.He buried his face on my neck.And it shocks me when he whispered to my ear.

" Babe I want you!"

Hala! Seryoso ba sya?

Chapitre suivant