webnovel

Kiss and Say Goodbye

Laine's Point of View

" Hurry up beh, baka abutan tayo ng traffic sa daan, 6 am na oh."

sabi ko kay Nhel habang hinihintay ko syang isakay na yung mga gamit nya sa kotse.

" Eto na nga po, nailagay ko na lahat ng dadalhin sa compartment, kumpleto na." sabi nya.

Ngayon na yung araw na ihahatid ko sya kila ate Merly sa Manila.Kagabi nakapag-paalam na sya sa parents ko, pagkatapos syang bilinan na lalong magpakabait at mag-aral mabuti.Nakipag-bonding na rin sya sa barkada ng buong araw ng sabado habang pinagsasaluhan namin ang nilutong meryenda ni tita Bining na nagsilbing parang despedida na raw ni Nhel.

" Mama, papa, aalis na po kami." paalam nya sa parents nya.

" Anak, mag-aral kang mabuti  tsaka makisama ka ng maayos kila ate mo.Dalasan mo rin ang pag-uwi dito ha? Mami-miss ka ng mama, bunso." si tita Bining na maluha-luha pa.

" Ay si mama, para kang si Laine, kung maka- iyak parang sa ibang bansa ako pupunta." sabi nya.

" Syempre naman anak, first time kang mahihiwalay sa amin.Sige na lumakad na kayo't tanghali na." si tita Bining.

" Sige na, mag-ingat kayo.Laine anak wag ng magpagabi ha, baka mag-alala sayo sila kumpare." bilin ni tito Phil.

" Sige po tito." sabi ko at nagmano na kami sa kanila tapos sumakay na ng kotse na minamaneho ni Mang Gusting.

Naging maayos naman ang byahe namin.Dahil Sunday, walang traffic kaya maaga pa lang nakarating na kami kila ate Merly.

Pumasok kami sa isang magandang subdivision.Maganda ang lugar at maluwag ang espasyo sa mga bahayan.May clubhouse na sa bandang likuran nito ay may malaking swimming pool.May playground din.Medyo hindi kalakihan ang mga bahay na halos magkakamukha, mga 2 storey house na 2 to 3 bedrooms siguro.Pero tama lang sa hindi kalakihang pamilya.Nagandahan ako sa lugar and I'm sure Nhel will like it here.

Huminto kami sa isang bahay na malamig sa mata ang pinta.Maganda rin ang taste ni ate Merly, ang gaganda rin ng mga bulaklak sa mini garden nya.Bermuda grass ang harap at sa gilid ang garahe nila.

Pinagbuksan kami ng maid nila na may edad na at nasa likuran nito si ate Merly at si Dom.

" Welcome to our humble abode bunso, uy kasama pala si beautiful." sabi ni ate Merly sabay yakap at halik sa akin.

" Hinatid ako ni Laine te, pinahiram ako ni tito Franz ng kotse para hindi na raw mahirapang mag -commute.May kasama pang driver." masayang

turan ni Nhel.

" Ang swerte mo talaga bunso, maganda na ang girlfriend, mabait pa ang biyenan.San ka pa!" asar ni ate.

" Haha..si ate talaga, mabait po kasi si Nhel kaya love ni daddy yan." sabi ko naman.

" Oo nga, sinabi mo pa.Tara dito ng makapag-pahinga kayo at para maiayos mo na rin yang gamit mo Nhel dun sa magiging room mo." si ate Merly.

Maganda at maayos ang loob ng bahay, kumpleto sa mga mamahaling kagamitan.Naipasok ng lahat ni Mang Gusting ang gamit ni Nhel at pinagpahinga muna ito ni ate Merly sa living room habang hinihintay maluto ang tanghalian.

Sinamahan nya kami sa taas kung saan yung magiging room ni Nhel.Tatlo ang room duon at mayroong cr na nasa pagitan nung dalawang room.May sariling cr ang master's bedroom.

Pumasok kami sa room na nasa dulo at yun ang room na nakatalaga para kay Nhel.

Kasing laki lang din sya halos nung room nya sa kanila.Maganda ang pagkakaayos at may built in closet din ito.In fairness,may aircon!

Light blue ang kulay ng beddings at gray ang mga curtains at may study table sa kabilang side.Para talagang pinaayos ni ate para kay Nhel.

Tinulungan ko syang iayos ang mga gamit nya.Ako ang nag-ayos ng mga damit nya sa closet habang ang mga shoes nya ay sya ang naglagay sa shoe rack na nandun sa may likod ng pinto.

" Babe itong picture mo at itong picture nating dalawa ay dito ko ilalagay." turo nya sa bedside table na katabi ng lamp shade.

" Pero ito dito ko sa study table ilalagay para may inspirasyon ako pag nag-aaral ng lessons ko." turo nya dun sa medyo may kalakihang picture na naka frame.

Nagulat ako ng makita kong picture ko pala yun nung manalo ako sa pageant ng school, half body lang sya.

" Bakit hindi ko alam na meron ka pala nyan at ngayon ko lang nakita? tanong ko.

" Katulad yan nung nasa wallet ko di ba? Pina-blow up ko nung isang araw para madala ko dito." sagot nya.

" Ayos yan, mauubos ang mga daga nyo dito hehe." biro ko.

" Ang swerte naman nila, ang ganda kaya ng trap ko."sabi nya na may pataas taas pa ng kilay.

" Binola na naman po ako." sabi ko.

" Hoy miss kahit kelan hindi kita binola, alam mo yan.At totoo naman yung sinabi ko kaya nga natatakot ako kasi marami na namang aaligid sayo nyan." sabi nya na mabilis na nakalapit sa akin at kinurot ang aking pisngi.

" Aray naman beh..sige na nga hindi mo na ako binobola para matapos na tayo dito." at pinagpatuloy ko na ang pag-aayos sa closet nya.

" Tsaka huwag mong intindihin yung mga aaligid na sinasabi mo dahil may bantay ako dun sa atin, takot lang nila kay daddy at kay tito Phil di ba? muli kong turan.

Ngumiti lang sya bilang pag-sang-ayon sa sinabi ko tapos niyakap nya ako mula sa likuran ko at pinatong nya yung ulo nya sa balikat ko habang pinanonood akong mag-ayos ng damit nya.Hala! parang nagiging habit na nya yung ganitong gestures ah.Ok lang kakilig naman eh.

" Mami-miss ko yang pag-aasikaso mong yan sa akin." sabi nya.

Natigilan ako.Oo nga, madalas ako ang nag-aayos ng mga damit nya sa closet nya dun sa kanila.Ito kasing lalaking ito masyadong magulo pag kumukuha ng damit nya sa cabinet, parang dinaanan ng bagyo.Laking pasalamat nga sa akin ng mama nya dahil nabawasan ang gawain nya.

I sighed..." try to be organize beh, wala ako ngayon sa tabi mo para ayusin ang gamit mo.Wag kang pasaway ha?" sermon ko.

" Opo mahal na prinsesa!" sagot naman nya at niyakap pa ako ng mahigpit.

Natapos naman kami sa pag-aayos sa room nya bago mag lunch time.

Habang hindi pa kami tinatawag para kumain, nakahiga lang kami na magkahawak kamay sa bed nya at nakatitig pareho sa ceiling.

Nagulat ako ng magsalita sya.Narration pala yun nung kanta ng The Manhattans.

Seryoso sya kaya pinakinggan ko na lang syang mabuti.

" This has got to be the saddest day of my life

I called you here today for a bit of bad news

I won't be able to see you anymore because of my obligations and the ties that you have

We've been meeting here everyday

And since this is our last day together

I wanna hold you just one more time

When you turn and walk away don't look back

I wanna remember you just like this

Let's just kiss and say goodbye..."

Mahabang sandali ng katamikan nung matapos sya.Tumagilid ako at sinulyapan ko sya.

God! bakit umiiyak sya?

Bumangon ako at pinunasan ko ang mga luha nya.

" Stop it beh, I can't bear seeing you like that.please.." pagsamo ko.

" Sobrang mahal lang kita babe, hindi ko kayang makita ang pagtalikod mo mamaya para umuwi na sa atin, matatagalan pa bago tayo magkita ulit.Alam mo namang ilang oras lang kitang hindi makasama hindi na ako mapakali, what more pa kaya kung weeks? or months kaya?Tell me, kaya ko ba?When you know the fact that I want to wake up every morning knowing that I'll be seeing you later.What now? Do you think I can survive each day without seeing you? madamdaming sabi nya.

Hindi ako nakakibo.Ayokong magsalita dahil kahit ako ganun din ang nararamdaman ko.Baka kung ibuka ko ang labi ko para sabihin ang nararamdaman ko, mag-iiyakan lang kami.Hindi nya dapat makita ang kahinaan ko dahil hindi ito makakatulong.Alam kong ako ang kahinaan nya at wala akong kailangangang gawin ngayon kundi ang palakasin ang loob nya kahit pa nanghihina na rin ako.

Hinila ko sya para bumangon at niyakap ko sya ng mahigpit.

" You can do it beh.Our love can do it!"

Thanks again for reading.

Song used : Kiss and Say Goodbye by The Manhattans

AIGENMARIEcreators' thoughts
Chapitre suivant