MADILIM NA ang buong mansion ng mga Vondeviejo nang pinapasok ni Belle si Ansell.
"Sorry kung nagising kita Belle, may kailangan lang kasi talaga akong hanapin sa kwarto ni Lexine," ani Ansell habang naglalakad ng hallway patungo sa pakay na silid.
Sa tabi nito sumasabay si Belle, "Okay lang. Pero bakit gabi ka nagpunta? Tulog na si Sir Alejandro sayang di mo na siya makakamusta."
"Okay lang, sandali lang naman ako."
"Ano ba ang naiwan mo?" tumigil sila sa tapat ng kwarto ni Lexine at sinuksok ni Belle ang susi sa lock ng doorknob.
"Ah... 'yong camera ko. Aalis kasi ako bukas may pupuntahan akong beach, kailangan ko 'yon para makapag gawa ng travel vlog."
Nanlaki ang mata ni Belle, "Bonga! Pa vlogger-vlogger ka na ngayon? Shala…. Hashtag influencer!"
Natatawang napailing na lang si Ansell sa dalagang maid. Ilang sandali pa at nabuksan na nito ang pinto.
"Sige, maiwan na kita. Iwan mo na lang itong susi sa lamesita sa living room, kunin ko na lang mamaya pag gising ko. Inaantok na kasi ako kaya di na kita masasamahan maghanap."
"Okay lang, pahinga ka na. Good night Belle, thank you."
"Good night."
Nang tuluyang makalayo si Belle agad pumasok sa loob ng kwarto si Ansell at dumiretso sa balcony. Dumungaw siya sa ibaba kung saan niya iniwanan si Sammie na nagtatago sa isang sulok ng garden.
"Sammie!" sigaw niya ng pabulong.
Lumabas si Sammie mula sa pinagtataguang halaman.
"Sige na pumunta ka na sa back door sa kitchen pagbubuksan kita."
"Okay," bulong ni Sammie.
Bumaba ng kitchen si Ansell at doon pinagbuksan ng pinto si Sammie. Deeg pa nila ang mga pusa sa sobrang gaan ng mga paa upang hindi makatawag ng atensyon, kabisado ni Ansell ang buong mansion dahil halos parang dito na rin siya tumira kaya't alam niya rin kung nasaan ang mga cctv camera. Iniwasan nila ang mga iyon.
Iniiwasan niyang makita si Sammie ng mga tao sa mansion lalo na ni Alejandro, ayaw niya lang na magkagulo lalo na kapag nakita nilang kamukhang-kamukha ni Lexine ang kasama niya at baka isipin pa ng mga ito na bumangon mula sa hukay ang prinsesa ng Vondeviejo.
Di nagtagal at nakapasok sila sa kwarto ni Lexine.
"Whew, pwede na pala tayong maging tandem ng akyat bahay nito," biro ni Ansell sabay humilata sa kama.
He missed sleeping on Lexine's bed. Mula pagkabata madalas na siyang mag-sleep over dito. Samantala, patuloy naman sa paglalakad si Sammie sa buong kwarto habang pinagmamasdan ang paligid.
Seeing her inside Lexine's room brings back good memories. Ansell can't help but to feel sad.
"Dito sa kwarto natagpuan ang bangkay ni Lexine, dinala ni Cael matapos ang digmaan," aniya.
Habang nasa byahe sila papunta sa Vondeviejo mansion isiniwalat na lahat ni Ansell ang totoo sa pagkatao at pagkamatay ni Lexine. Mula noong unang namatay ang babae on her thirteenth birthday, nang binigyang buhay ulit ni Night, ang kiss of death, ang pagsanib ni Cael sa kanyang katawan, tungkol sa mga anghel at archangel, ang mga demonyo at kalaban na nagtatangka ng masama kay Lexine, ang pagiging isa nitong Nephilim, lahat ng nalalaman niya na pinagdaanan ni Lexine sinabi niya, wala siyang kinalimutang detalye.
Sa totoo lang hindi na alam ni Sammie kung ano ang dapat maramdaman sa lahat ng nalaman tungkol kay Lexine at Night. Pero imbis na matakot ay para pa siyang batang paslit na naghahangad pa ng mas maraming impormasyon.
May malaking parte ng kalooban niya ang nag-uudyok sa kanyang magpatuloy. At hinding-hindi siya titigil hangga't hindi niya nalalaman kung ano ang totoong nangyari kay Lexine matapos nitong mamatay.
Ano ang kaugnayan niya sa babae at bakit ito nakikipag konekta sa kanya, lalo na sa panaginip?
May dahilan ang lahat ng ito, hindi lang basta coincidence na magkamukha sila.
Sinimulan ni Sammie na isa-isahin ang mga gamit ni Lexine. Pinagmasdan niya ang mga picture frames na nakadisplay, mula pagkabata nito, hanggang sa magdalaga. Nakita niya rin ang picture nila ni Alejandro habang masayang magkayakap at nakangiti sa camera. Dahan-dahan niyang kinuha ang picture frame at hinaplos ang mukha ng matanda.
Sammie saw a memories of Alejandro and Lexine laughing inside this room. Napatingin siya sa full sized body mirror na katabi ng tukador. Tumapat siya sa harap nito at mula sa sariling repleksyon, biglang nakita ni Sammie ang isang batang Lexine na nakatayo sa harapan ng salamin habang nasa likod nito si Alejandro at sinusuot ang isang kwintas. Then she heard some voices inside her head.
"Happy birthday Darling!"
"Wow ang ganda nito! Thank you Lolo, you're the best grandpa in the world!"
"You're so beautiful darling just like your mother."
"Lolo ikaw lang kaya ang nag-iisang lalaki sa buhay ko!"
Hindi na napigilan ni Sammie ang mga nag-uunahang luha. She gazed at herself crying in front of the mirror. Bakit naninikip ng husto ang dibdib niya? Why does, she can feel Lexine's memories as if everything was like hers?
Napukaw ang atensyon niya sa isang kahon nasa ibabaw ng tukador. Binuksan niya ito at nakita ang isang maong jacket na nakatiklop kasama ang leotards at tutu skirt.
Tumayo si Ansell sa tabi niya, "Ito ang suot ni Lexine nang gabing namatay siya."
Gamit ang nanginginig na mga kamay dahan-dahang kinuha ni Sammie ang jacket at pinagmasdan mabuti, hinawakan niya rin ang malambot na tela ng ballet uniform. She saw another flashes of images. Lexine dancing with this uniform, then another memories of the girl while running away wearing this jacket.
Napatakip siya ng bibig upang pigilan ang paglabas ng nag-uunahang hikbi.
Sa pinaka ilalim ng kahon may isang bagay na kuminang. Natatakpan ito ng tela. Agad tinangal ni Sammie ang laman ng kahon at natagpuan niya ang isang gintong singsing. Kumabog ng malakas ang dibdib niya nang makita ito.
Dahan-dahan niyang kinuha ang singsing. It's a gold feather ring. Hindi nagdidikit ang magkabilang dulo kaya't may uwang.
Tinitigan niya mabuti ang singsing until another flash of images penetrated her mind. It was a face of a very beautiful man with a golden brown eyes. At ang lalaki ay may mahiwaga at gintong pakpak sa likuran.
"Daniel…."
Nahigit ni Sammie ang hangin sa dibdib. Kusang lumabas sa bibig niya ang salita. What the hell is this? Bakit alam niya ang mga bagay na ito? Bakit nakikita niya ang memories ni Lexine, ano ang ibig sabihin nito?
Sobrang naninikip na ang dibdib ni Sammie kasabay nang mga nag-uunahang tibok ng kanyang puso. Pakiramdam niya hindi siya makahinga pero at the same time, may sumabog na bagay sa kalooban niya na bumabalot ng matinding init sa buong sistema ng dalaga.
"Sammie are you okay?" nag-alala ng husto si Ansell nang makitang tila hinihika si Sammie sa paghahabol ng hangin. Nanlalamig na rin ang mga kamay nito nang mahawakan niya.
Hilam sa sariling luha nang tumitig si Sammie kay Ansell.
"Ansell… nakikita ko siya."
Napakunot ang noo nito, "Sino?"
"Si Lexine… I don't knoy why pero nakikita ko ang mga memories niya, simula sa ballet studio, dito sa kwarto, itong damit, itong singsing," tinapat ni Sammie ang alahas sa mukha ni Ansell.
Patuloy siya sa pag-iyak at patuloy rin sa paghahabol ng hangin sa dibdib, inaatake na siya ng anxiety at mga pakiramdam na hindi niya maintindihan.
"Kailangan natin makausap si Lexine. Ang kaluluwa niya. Pakiramdam ko may gusto siyang sabihin sa akin kaya nakikita ko ang lahat ng ito."
Napalunok si Ansell sa narinig.
"P-paano?"
Saglit na nag-isip si Sammie hanggang sa may naalala. Tumitig siya muli sa mata ni Ansell.
"Kailangan natin ng tulong. Si Miyu."
***
SA MGA SANDALING ito nababasa ni Devorah at Eros ang determinasyon sa mga mata ng Prinsipe ng Kadiliman. Gagawin nito ang lahat mabawi lang si Lexine. Wala itong aatrasan, wala itong katatakutan.
"What do we have to do to start the ritual?" tanong ni Devorah.
Nagkatinginan si Eros at Devorah. Lingid sa kaalamanan ng magandang Babaylan, nag-usap na si Night at Eros tungkol sa bagay na ito. Inamin ni Eros na delikado ang gagawin nilang orasyon, lalo na at gagamitin nila ang kapangyarihan ng fruit of sin. Hindi lamang si Night ang malalagay sa kamapahakan kundi maging si Eros din. Lalo na at maaring maubos ang lahat ng lakas at enerhiya niya sa pagtupad ng ritual.
Sa oras na magkamali si Eros sa gagawin. Pareho silang mapapahamak. Ngunit, pareho din silang desidido na mabawi ang mga babaeng tapat na iniibig. Kaya pareho silang walang uurungan at katatakutan.
Unti-unting kinuha ni Eros ang mansanas sa palad ni Night. Nang sandaling mahawakan niya ito, nagising ang lahat ng balahibo niya sa katawan.
"I need this fruit to complete the potion. Night needs to drink that potion before I kill him using the athame," nagpabalik-balik ang tingin niya sa dalawang kasama.
"From there, your soul will now enter the Spirit World," humugot siya ng hangin sa dibdib bago nagpatuloy, "My power can protect you while you're there. But not that long Night, you need to come back to life, bago maubos ang kandila."
Napatingin silang lahat sa itim na kandilang nakatirik sa tabi ng pentagram sa sahig na ginuhit ni Eros. Napalilibutan ito ng mga spells sa sulat ng alibata.
"Paano kung maubos ang kandila at hindi pa nakakabalik si Night at Lexine?" hindi napigilan itanong ni Devorah.
Nagpalitan nang tingin ang dalawang binata, nagbuntonghininga si Eros, "Then he will never wake up."
Napasinghap si Devorah at nag-aalalang tumingin kay Night.
"Night… please, you need to come back with or without her."
Nagtigas ang bagang ni Night. With or without her? Hell no! He will make sure to come back with Lexine in his arms.
"Babalik ako na kasama si Lexine. Withour her will never be an option," may pinalidad niyang sagot.
Alam na ni Devorah na ganito ang isasagot ni Night pero hindi niya lang talaga mapigilan na mag-alala. Sana lang talaga ay makabalik sila ng ligtas.
"Sa oras na makabalik si Night kasama ang kaluluwa ni Lexine, paano naman natin bibigyang buhay ang Nephilim?" tanong ulit ni Devorah.
Sumipol-sipol si Eros, "Well, there is another ritual for that. Pero saka na natin isipin iyon, kailangan muna natin mabawi si Lexine sa mundo ng mga kaluluwa."
Tumungo-tungo si Night at taas noong tumingin sa dalawa. Sumasalamin sa mata nito ang matinding emosyon at lakas ng loob sa haharaping pagsubok.
"Then let's start this fucking ritual because I can't wait to see my cupcake."
O M G !!!
Na-missed ko pag sinasabi ni Night ang cupcake!
Kayo ba?
Ano nga kaya ang gustong sabihin ni Lexine kay Sammie? Bakit nakikita ni Sammie ang memories ni Lexi?
Malapit na ba mag reunite ang team NiXine???
Abangaaaaan!