webnovel

How does death feel?

How does death feel?

Sabi nila... kasing bilis daw `yon ng isang kurap. Sa sobrang bilis ay hindi mo na ito mamamalayan. Magugulat ka na lang, patay ka na pala. Ang bawat buhay na umusbong mula sa putik ay muling babalik sa lupang pinanggalingan nito.

Nang mga sandaling ito napatunayan niya na ang kamatayan ay hindi mabilis, hindi rin isang kurap. Dahil ito na pala ang pinakamabagal na sandali sa `yong buhay na para bang nanonood ka ng isang eksena sa pelikula. Babalik uli ang lahat ng `yong alaala mula sa unang segundong nakita mo ang kanyang mukha hanggang sa sandaling nasisilayan mo ito. Katulad ngayon, nakatingala sa kanya ang babae habang nanlalaki ang mga mata nitong binabalot ng takot.

Takot. Isang salita na kailanman hindi naranasan ni Night. Isang banyagang pakiramdam na hindi niya pinagbubuksan ng pinto papasok sa loob ng kanyang damdamin. Bakit siya matatakot gayong napakalakas niyang nilalang? Siya ang kinatatakutan. Siya ang halimaw na nakagigimbal sa mata ng lahat. Ngunit ang gulong ng buhay ay mapaglaro. Hindi ka palaging nasa taas at darating ang pagkakataon na maiipit ka sa ibaba. Ang anino ng takot ay maihahantulad sa malaking kumot na babalot sa buo mong katawan at lalamunin ka nito hanggang sa hindi ka makahinga.

Takot. Ngayon alam na ni Night kung ano ang totoong ibig sabihin nito.

"LEXINE!!!"

Dumagundong ang kanyang napakalakas na sigaw kasabay ang mabilis niyang pagtalon mula sa dulo ng building kung saan nahulog si Lexine. Patihaya ang pagbagsak nito habang tila naghahanap ng milagro ang mga kamay nitong pilit kumakapit sa malamig na hangin. Kumabog sa pinakamabilis na paraan ang dibdib ni Night. Para bang hindi na siya makahinga. Lumabo ang lahat sa paligid at wala siyang ibang nakikita kundi ang nag-iisang mukha na laman ng lahat ng panaginip niya. At hanggang sa bangungot ng mga sandaling ito.

No. Hindi siya papayag. He can't lose her.

"TAKE MY HAND!!!" sigaw niya muli sabay pilit na inaabot ang kamay nito.

Pero kahit ano'ng sikap niyang mahawakan si Lexine ay hindi pa rin pinagtatagpo ang kanilang mga palad. Ito na marahil ang paniningil sa kanya ng tadhana. Bawat utang ay may kabayaran at dumating na ang araw na kanyang kinatatakutan.

Tila isang tali na nakabuhol ang tingin niya sa mga mata nito. Mga matang habangbuhay na nakatatak sa puso at isipan niya. Ang labi nito na hindi niya kailanman pagsasawaang halikan at ang maganda nitong mukha na bumulabog ng mundo niya sa pinaka nakatatakot ngunit napakagandang paaran.

Hindi siya kumukurap kahit isang saglit sa takot na baka iyon na ang huling pagkakataon na masilayan niya ito. Everything about her is ingrained deeply in his soul and residing inside his heart and mind. Her face was beyond the seven wonders of the world as her smile was a miracle in his godforsaken life. Those smiles of her never left her lips. It was sweet as the promise of forever, and still, he had tasted the raw bitterness behind it.

"NO!!!"

Tumigil ang pagtibok ng puso ni Night.

Humalik ang katawan nito sa lupa.

Sumunod ang mga paa niya.

Natulala siya.

Nanigas.

Napipi.

His eyes continue to deny what is in front of him. Blood covered her tiny body like a cloth. She was calm as the quiet sea. No this is not real. It's not real. Lumuhod siya sa gilid nito. Gamit ang nanginginig na mga kamay ay buong pag-iingat niyang kinulong si Lexine sa kanyang mga bisig. The prince of darkness's watched his entire world gradually collapsed before his eyes as his soul crushed into a million pieces. Panaginip lang ba ang lahat? Dahil gusto na niyang gumising sa masamang bangungot na ito.

Bakit? Bakit kailangan mangyari ang lahat ng ito? Bakit kailangan ipatikim sa kanya ng Diyos na maari siyang lumigaya, umibig at mahalin? Umasa siya na makakapiling si Lexine sa langit na gawa ng kanilang pagmamahalan pero bakit babawiin din?

Walang tigil ang pagtulo ng luha sa mga mata ni Lexine habang nakabuka ang bibig nito. Pilit itong kumakapit sa natitirang kamalayan. Mabilis ang pag-iling ni Night.

Basag ang kanyang boses katulad ng basag niyang puso. "Please don't leave me. You promised me… baby, you promised that you'll come back to me. Please, Lexine... hindi ko kaya."

Unti-unting inabot ng isang palad nito ang mukha niya at marahang hinaplos iyon. Her eyes never left his tortured face as she slowly said the words, almost a whisper.

"I love you…"

Bumitiw ang nanlalamig nitong kamay at dahan-dahan itong pumikit. Natulala si Night kasabay nang pagtigil ng kanyang buong mundo.

"Lexine..."

Paulit-ulit niyang binibigkas at tinatawag ang pangalan nito pero nanatili itong nakapikit, hindi gumagalaw at hindi na humihinga.

"Lexine…"

Nang wala ng makuha na kahit anong sagot mula sa babae ay mabilis at malakas na sinapak si Night ng masakit na realidad. Tuluyang nang kumawala ang matinding hagulgol na kanina niya pa pinipigilan. Pumikit siya nang mariin at mahigpit na hinagkan ang katawan nito. Siniksik niya ang mukha sa leeg nito at paulit-ulit na binubulong ang mga salita.

"Mahal na mahal kita. Mahal na mahal kita, Lexine… mahal na mahal…"

Sana naririnig siya nito, sana sinabi niya nang maraming beses noong mga panahon na may pagkakataon pa siya pero huli na ang lahat.

Tumingala si Night sa kadiliman ng kalangitan at sumisigaw nang buong paghihinagpis.

"AAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!!"

Huwag kayong ma-shock nasa unang chapter na itong eksena ah, you can look back. This one is the version of night’s point of view as I did not mention who is the guy sa prologue....

Huhuhuhu haaaaays huhuhuhuhu

AnjGeecreators' thoughts
Chapitre suivant