Edward's POV
Ang tagal naman nina Maymay, hindi namin matapos ang pagdedesign dito sa entrance ng school.
Kami yung laging assign sa decorations dahil sabi ng Admin kahit simple ang lugar o aayusan ay napapagarbo namin.
Umakyat ako sa classroom namin para tingnan ang ginagawa ng girls para sa design namin.
"You know what May, I like Donny" narinig kong sabi ni Kristine, hindi muna ako pumasok at pinakinggan ko sila
"Talaga? O sige baka magalit si Yong kapag narinig nya yan gurl", sabi ni Maymay. Kasi si Kristine at Yong ay may mutual feelings na. Kaya siguro yun ang sinabi ni May, pero iba ang dating saken ng mga salitang nabitiwan ni Kris.
"Ako din Kris, I like Donny. The way he acts when Maymay is around. The way he cares for Maymay" sabay ng napatili sina Kristine dahil sa kilig. Ano bang sinasabi ng dalawang to. Hindi ako komportable
Inaasar nila si Maymay kay Donny? At wala man lang syang pagtutol?! May kakaiba akong naramdaman sa loob ko, hindi ko mapaliwanag.
"Seryoso May, feeling ko like ka ni Donny" sabi ni Kisses.
"Ako sure ako na Like ka ni Donny" si Kristine
"Ayyiie!" sabay nilang niloko at kiniliti si Maymay.
"Ehem **clears my throat** girls, okay na ba yung banderitas?" hindi ko na makayanan pa ang naririnig ko kaya pumasok na ako. "Hinahanap na kasi sa baba". Ewan ko ba, parang naaasar ako sa mga narinig ko.
Nakita kong tuloy parin silang nagkukulitan, kahit dumating na ako. Bakit nga ba kasi ganito ang nararamdaman ko?
"Yes, isa na lang tong hindi pa tapos. Isusunod na lang namin after." si Maymay ang sumagot saken, hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. Daig ko pa ang nagse... Ah never mind!
I left the room.
Maymay's POV
Natapos na kami sa pagaayos ng entrance gate na assigned samin. Magandang feedback natatanggap ng klase namin galing sa mga profs at admin ng school.
"May, tulungan na kita" kinuha ni Donny yung dala kong box, wala naman laman yung box.
"Hindi okay lang ako Don.." sabi ko sa kanya pero pinilit parin nya itong kunin. Wala akong nagawa at binigay ito, nauna sya saken sa paglalakad.
Mabait naman talaga si Donny, maalaga sya pagdating saken, hindi nya ako kinakalimutan.
Hindi ko pa sinasabi kina Kisses, pero may sinabi na sa akin si Donny.
Flashback
"Hmmm, May..." si Donny. Sinamahan nya kasi ako sa Art Room, lagi nya tong ginagawa simula nung kasama na sya sa barkada namin. Wala naman masama, si Edward din naman sumasama sa akin dito.
"Yes Don.." sagot ko. Nagpe-paint ako, pero hindi yung naka tengga kong piece, bago ito.
"May, I like you" diretso nyang sinabi saken. Hindi ko alam ang magiging reaction ko sa narinig ko. Nakatalikod ako sa kanya.
"I know masyado akong mabilis sa para magsabi ako ng feelings ko for you. It started on the day na nagkabangga tayo." tahimik lang ako, pero hindi na gumagalaw ang kamay ko sa pagpipinta.
"At first, naging hesitant ako to tell you this. Pero when I observed na mas madalas na hindi kayo nagkakasama ni Edward, parang nabuhayan ako ng pagasa. I'm not telling na you feel the same way for me but, I know may chance na ako to prove to you that I really like you, ng walang nakahadlang." bawat words na sinasabi nya kumikiliti sa puso ko.
First time ko kasi makarinig ng ganitong mga salita from a guy. Hindi parin ako makapagsalita, umaapaw ang puso ko ng feeling na hindi ko alam kung ano.
Hinila ako ni Donny para makaharap nya ako.
"You don't need to give me answer agad agad. I'm willing to wait May. You're so special to me. Ayokong iwasan mo'ko, ayokong hindi pa ako nagsisimula, mawawala kana." nakakapanlambot ang mga sinasabi nya saken. Nangingilid ang luha ko
"Donny..." hindi nya ako pinasalita, he hugged me instead.
"Sshhh.. Dont worry, secret lang natin to, if this bothers you. Basta May, dont tell me to stop showing my feelings for you." sabi nya.
******Present Time
Hindi ko sigurado kung ano ba ang dapat kong gawin, ilang buwan na din naman nagpaparamdam si Donny. Hindi naman na sasagutin ko agad sya kasi hindi pa sya nagsasabi na nanliligaw na sya, pero unfair din siguro sa part nya na limited lang yung actions nya dahil saken.
Sabi din naman nya mas nae-express nya yung feelings nya saken ngayon dahil may iba ng pinagkakaabalahan si Edward.
Totoo naman, mas madalas ng kasama ni Edward si Heaven, pero wala namang problema, dahil sabi nga ni Edward
'he found the girl'
I've made up my mind.
"Hey, wait up!" tinawag ko si Donny. Sabay kaming naglakad.
Hindi ko alam yung nararamdaman ko paano ba ang dapat kong gawin, basta alam ko kailangan hindi mag-grow ang feelings ko towards EDWARD, I need to entertain Donny.
Yes, I have feelings for Edward.
I snapped to reality, when Kisses whispered
"May, mukhang making moves na si Donny ah?" nakita nya kasi kaming mas close nung pabalik na kmi sa classroom. Nginitian ko lang sya.
"Thank you guys sa cooperation" nagpasalamat si Miss Minerva dahil maganda ang feedback sa decorations namin.
"For sure magiging mas maganda pa ang ating school bago magstart ang FD naten sa Monday." after ng salita ni Miss nagpaalam na sya samen, siguro 5pm na din ang oras.
Masaya kaming klase dahil sa compliment ng lahat, kita naman sa mukha ng bawat isa. Ilang araw na lang, alam namin mas gaganda pa ang school.
Habang nagtatawanan kami sa loob ng classroom, nagsi-alisan na yung iba, may nakita ako sa may pinto. Si Heaven, parang may hinihintay. I felt sad dahil alam kong si Edward ang hinihintay nya.
Kinawayan naman ako ni Heaven, I smiled back. Tumingin ako kay Edward, he seems excited. May tinatapos lng kasi kaming pagusapan kaya hindi pa sya makalabas. Nalulungkot ako, dahil hindi ko na naman sya kasabay umuwi.
"Ummm, guys" sabi ni Donny. "I'll grab this opportunity na din." he added
Napatingin kaming lahat sa kanya, kinawayan din naman ni Donny si Heaven para pumasok sa classroom tutal kaming 9 na lang ang tao. Pumasok si Heaven at umupo kami sa chairs pinabilog namin ito.
Katabi ko si Donny, sa kaliwa si Kisses, Marco, Yong, Kristine, Christian, Heaven at Edward.
"Parang seryosohan to Brod ah", sabi ni Christian
"Siguro magpapaalam kang ligawan si Maymay ano?" pagbibiro ni Yong kaya napatingin ako at pinigilan sya. Napatingin ako kay Edward pero kausap nya si Heaven, hindi nya narinig o wala lang syang pakelam. I felt sad.
"Gusto ko kasing maging pormal na lahat" seryoso si Donny.
Nakatingin lang kaming lahat sa kanya, si Kisses at Kristine ay parang kinikilig na ewan. Hindi ko na matingnan sina Edward, hindi ko kaya.
"Mukhang tama ako ah, exciting to!" sabat ni Yong,. Tumawa si Donny
"Guys, I want to ask your permission na ligawan ko si Maymay" diretsong sabi ni Donny. Nagulat ako na sinabi nya yun hindi ko alam what to feel. "I like her, so much. Everyday it grows." dama mo yung sincerity at lambing sa boses nya, nakatingin lang ako sa kanya, parang wala na akong makitang iba, hindi ko na namalayan na kinikilig ng tinatapik ako nina Kisses.
"Gusto kong alam nyo din lahat what I feel for Maymay, I already confessed this to her, pero unfair for you guys na magkakaibigan tayo, may sikreto ako sa inyo." tama nga naman si Donny, yun din ang naisip ko pero hindi para sa friends namin, unfair for him.
" And Edward, I promise, the day I bumped her, that would be the last time na masasaktan sya. Dahil for me, her happiness is the most important. You as her BEST FRIEND, thank you for taking care of her, this time ako na magtutuloy ng lahat ng yun." si Edward at si Donny ang magkatinginan, walang reaction ang mukha ni Edward.
" Sana pumayag kayo guys, at sana pumayag ka din na ligawan kita May" tumingin saken si Donny.
Naririnig ko yung reaction ng lahat na natutuwa at kinikilig.
"Ang ganda ko naman kung hindi ako papayag diba?" pabiro kong sagot sa tanong. I'll give it a try.
Lumakas ang sigawan nina Kisses , Kristine at Heaven.
Wala naman masama, baka naman nga magbabago pa ang lahat. Baka nga nasanay lang ako kay Edward, bakit hindi natin subukan.
" Edward?" boses ni Donny
"Ayaw ko lang na masasaktan si Maymay. Pumayag syang manligaw ka, who am I to disagree." seryosong sagot ni Edward
*********
Keep following my story!
Please vote for my story..