"...Mayayabong na puno, nagsisisayawan na mga ligaw na halaman at himig ng kagubatan na minsan di naririnig ng mga normal na tao...
Ang mga hagikhik ng mga nilalang na tahimik naninirahan kasama ng mga nabubuhay din dito sa mundong ibabaw.
Kung titignan mo parang napakailalim na kagubatan...
Ngunit mali...
Ito ang lagusan ng tulay ng buhay at patay...
Sa gitna nito...ang mga nilalang na naghahari sa patay at buhay.
Para maging tahimik ang lahat...
Kontrolado ng gitna ang katahimikan ng mga patay...at pag-iwas sa pangugulo sa mga nabubuhay na tao...
Sa gitna, binubuo ang ilang klase ng mga nilalang na akala natin mga pawang kathang isip lamang.
Mula sa lahi ng Vampira, Lobo, taong-dagat, mga mythical na nilalang kabilang sila sa mga nilalang na tumutul0ng upang kumuntrol sa mga patay na gustong bumalik upang mangulo... at sa mga taong tumutuklas ng karunungan tungkol sa mga namamatay...
Ngunit isa lang... aww!"
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com