(Sena POV)
"Magsilayas kayo ngayon din!" dahil ayoko na ngang marinig ang mga kasinungalingan niya.
Bahala na si Sean kung ano ang akala niya sa akin. Sa totoo lang nagtatapang-tapangan lang ako, pero, gulmuguho na talaga ako. Nanginginig sa galit ang buo kong katawan.
Kung di ako magpipigil, baka ano pa ang magawa ko sa mag-ina. Sila ang may kasalanan kung bakit nasa ganto kaming situation. Nasasaktan ang bawat isa.
Nagsikilos ang mga tauhan ni Sean at tuluyan nga silang kinaladkad palayo sa akin habang nakatitig nga ako dito. mabuti na lang, tumulo ang luha ko sa aking pisngi na wala na sila.
Sinubukan na lapitan ako ni Sean, pero ako na itong naunang pumasok sa pintong nakabukas na maluwag sa akin. Sapat na sa akin Sean na makita ang mga anak ko para mapawi kung ano man ang nararamdaman ko ngayon.
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com