International_Pen
((( SEAN )))
Dahil ako itong di nga nalasing inatupag ko muna si Luis. Kinuha ang mga tissue saka ko ibinigay sa kanya..
"Ilong mo dumurugo…"
"Oh.. sh*t." inabot niya ang tissue, at mabilis na pinunas ang dugo sa ilong niya.
"Uuwi na tayo, si Sena gising na, at nagwawala."
"Kaya mo naman bayaran kung ano man ang mabasag niya."
"Wala akong paki-alam sa babayaran, nagdadalang tao si Sena, at tuluyan na ngang nadepress ng dahil wala ako sa tabi niya."
"Hahaha. Mahal mo na si Sena?"
"Tss… matagal na. Tumayo ka na dyan!"
"Ayieee.. inamin din. Bro, wag na wag mo nang saktan si Sena. Alam mo naman na napaka-innocente niya ng dumating siya sa buhay mo.. sa ating lahat, kaya wag na wag mo na siyang sasaktan dahil ako mismo ang puputol ng ulo mo."
"Tumayo ka na dyan…"
Saka nga inalalayan ko na. Inakbay ko ang kamay niya sa leeg ko.
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com