@International_Pen
((( Sena )))
At hinalikan niya ako sa pisngi.
"Kailan ka ba maniniwala na ikaw lang Sena?"
Mahina niyang tanong sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko... inilapit sa labi niya at hinalikan ito.
Ipinanganak ata talaga ako bilang bulkan. Kunti na lang sasabog na ako sa sobrang pula ng pisngi ko. Sean... hinay hinay lang.
Paano ba ako maniniwala, parang nanaginip lang ako sa mga nangyayari, parang dinala niya ako sa mundo ng panaginip. Oy, wag nga lang may horror po.
" Bakit kasi ako Sean?"
Mahigpit kong hawak sa kamay niya habang hinahaplos ng hinlalaki niya ang nakayukom na kamay ko.
" Bakit may hihigit pa ba sa mahal ko?"
Lokong Sean. Nagtanong ako tapos tanong din ang isasagot!.
" Syempre wala."
" Wala pala."
" Pero salamat talaga Sean."
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com