Hangang sa natapos kami kumain. Busog ako… kaya napa-upo ako sa may Railings, dungaw yung dagat saka sa ibaba yung mabulaklaking hardin… ang cute naman dito.
"Psst. Fiancei ni Sean." Sabay tawa. Mababatukan ko na talaga ito.
Haist. Pang-asar nito…
"Actually, kung Fiancei mo siya, recommend mo naman ako." Ngiti-ngiti niyang sabi.
"ayoko nga. Ang yabang mo."
Tapos tatawa na naman.
"Kung ayaw niyo maniwala, bahala kayo. Di ko kailangan i-justify na Boyfriend ko yung Tao."
"Justify, wow big word. Ahahaha."
Tinakpan ko na yung tenga ko ng kamay ko. Kakaasar ang lalaking to, kala ko pa naman constant yung pagiging seryoso niya. Heto O pinagtatawanan akong walang humpay.
"Panu kayo nagkakilala." Pero natatawa pa.
"Anong paki-alam mo ba. Saka, Oy, loko ka, kanina mo pa ako pinagtatawanan."
" Defensive?"
"Kung sabihin ko kung paano maniniwala ka ba?"
"Nope." Tapos tawa na naman ang lokong to, mamaya iiyak to. Bwisit.
" Because, I can't wait to hear your lies again. So, how?"
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com