webnovel

Chapter Ten

             The next day, nanatili ako as the naive Kenneth Casandra. Medyo napagod na rin kasi akong mag-ayos. Suot ko pa rin ang makapal kong eyeglasses. Naka-jumper na shorts saka sapatos na pinaresan ng white na medyas. I look like a kid except wala akong ibang suot sa loob ng jumper kundi bikini. Pinungko ko pa rin yung buhok ko dahil masyadong mahangin sa labas. Gusto ko maging effortless ngayon.

             Nagtungo ako sa dagat. Bumili ako ng milkshake sa tabi saka dinala iyun sa buhanginan. Umupo ako roon habang pinapanuod ang dagat. Maraming tao pero feeling ko ay ako lang ang andito ngayon. Hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi ni daddy sa akin. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magtatago. Hindi ko alam kung magagawa ko pa bang maipakita sa kanila ang tunay na ako.

             Nakakafrustrate isipin. Ugh! Ewan.

             Napakunot ang noo ko ng may marinig akong parang shutter ng camera. Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Tyler na nakatayo habang pinipicturan akong nakatalikod. Patuloy siya sa pagpicture kaya naman tinakpan ko ang mukha ko gamit ang kamay ko. Ano bang problema niya?

             "Sexy back." aniya ng nakalapit sa akin. Pinakita niya ang mga kuha niya sa akin.

             Sinamaan ko siya ng tingin. "Hanggang kailan mo ba ako guguluhin?"

             "Ha? Ginugulo ba kita? I was just taking pictures. My brother told me na magpadala ng picture ng magagandang tanawin dito sa La Paraiso."

             Sarkastiko akong tumawa. "Whatever."

             Umupo siya sa tabi ko. Gosh. Di talaga ako titigilan.

             "Hayyyy ang ganda."

             I looked at him. Napalunok ako ng makitang nakatingin siya sa 'kin kaya naman binalik ko sa dagat ang paningin ko. "Please wag ka na lumapit sa akin. Ayaw kong malaman ng magulang ko kung anong pinaggagawa ko sa buhay ko. They're expecting so much from me. Ang alam nila ay nag-aaral akong mabuti... Na ginagawa ko naman talaga... But, they don't know about my other life. Kaya please..." pakiusap ko rito.

             He said last night na naiintindihan na niya ako kaya maiintindihan naman siguro niya ako ngayon. Yun lang naman ang hiling ko.

             "I had a good time with you. I never regretted it... But hanggang dun na lang yun. Gusto ko hanggang dun na lang yun. We should pretend like nothing happened." patuloy ko.

             "Ang ganda ng dagat. Ang sarap sarap ng hangin." aniyang tila hindi man lang narinig ang sinabi ko. "Have you tried boating?"

             "Tyler... Please?"

             Mahina siyang tumawa. "The last time you said please, you were begging me to pleasure you."

             Napalunok ako. "And I am saying that we should forget about it."

             "How can I forget you? You're my first virgin. That's like a trophy." he said with a smirk. Tumayo siya mula sa kinauupuan niya. "What happened between us was not that special. You're just one of my trophy. You don't need to ask me anything."

             Naglakad na siya palayo. Parang biglang uminit ang gilid ng mga mata ko. Trophy. Ganun na lang ba lagi ang role ko sa buhay? Isang trophy? Niligawan ako ni Greg dahil sikat ako sa school. Matalino at maganda... It boosted his ego... I was like a trophy to him. Pangdisplay para sa mata ng mga bisita. Pero nung nakahanap siya ng mas magandang dekorasyon, tinapon na lang niya ako sa sulok.

             My parents love me because they think na hindi ko sila bibiguin tulad ni Stephanie. They kept on advicing me to not do this or that so that they can boast me into other people in the future.

             I was always a trophy. Lalapitan at mamahalin lang para sa ikakaganda ng image nila. I never met someone who think of me the other way. Sobrang nasanay na nga lang ako. Ano naman ngayon? Ako din naman ang nagpresenta nito sa sarili ko diba? Do this para maging proud sila. Do that para mahalin ka nila.

             I brought this to myself kaya ano namang karapatan ko para umiyak? Tama naman si Tyler. I am just a trophy. His trophy. Una pa lang ay kinlaro na niya yun pero sige pa rin ako. Tanga naman kasing talaga. Kahit alam kong itatapon lang ako sa huli, wala pa rin akong pakialam.

              Kesa maiyak sa tabi, napagdesisyonan ko na maglakad-lakad na lang hanggang sa makarating ako doon sa may nagbebenta ng souvenirs. Agad akong nagtingin tingin. I bought some for my friends. Siguro naman ay magugustuhan nila ito. Pambawi sa mga gabing hindi ako nakasama sa kanila. Malamang ay nagtatampo na ang mga yun.

             Napatingin ako sa may nagtitinda ng damit. Halos mabitawan ko ang mga napamili ng makita ng isang tshirt na ginawa ata para talaga sa akin.

             His Trophy. Ha! Gusto ko tuloy bilhin ang shirt na yun tapos ay ipitik sa pagmumukha ng bwesit na tinderang hindi man lang sinubukang maging sensitive.

             Lumapit ako sa tindahan. Kinuha ko yung tshirt na small ang size. Sakto talaga sa akin. Kaloka. What a coincidence. A statement shirt! How nice! Very very nice!

             "Magkano toh?" tanong ko sa tindera.

             "500 lang po ma'am. Couple shirt po yan." aniyang nakangiti pa. Tinanong ko bang couple shirt ba? Sapakin ko siya eh.

             Kumuha ako ng pera sa wallet ko. Inabot ko sa kanya yung 1000 pesos. "Keep the change." wika ko. Ang ganda kasi ng ideya. Sa lahat ng pwedeng ilagay ay yun pa talaga.

             "Salamat po ma'am." aniya saka ilalagay na sana yung damit sa plastik bag pero pinigilan ko siya.

             "Wag na. Susuotin ko na agad. Saka yang isang lang ang kukunin ko." wika ko. Pinulot ko mula sa kamay niya yung shirt. Nagtataka man ay hinayaan na ako ng tindera. Aanhin ko naman ang her trophy na yan? Ibigay ko ba sa kanya? Gaga.

             "May marker ka?" tanong ko rito.

             "Po?"

             "Permanent marker?"

             "Ay meron po! Teka lang po..." umalis siya saglit. Kinuha niya mula sa isang kahon ang marker saka inabot iyun sa akin.

             Matamis akong ngumiti sa kanya. Pumunta ako sa lamesang nasa gilid niya saka sinulat ko ang nais kong isulat. Nagpapasalamat ako at maganda ang penmanship ko at maganda ang kinalabasan nito. I ripped the sides para magmukha iyung muscle tee. Galit ako kaya hindi ko kailangan ng gunting. Isang hawi lang at sira na.

             Napaubo ang tindera ng makita niya kung ano ang sinulat ko sa shirt. "His FIRST VIRGIN trophy" ang galing. Bagay na bagay sa nararamdaman ko ngayon. Magaling.

             Nagpaalam ako sa tindera na isusuot ko lang sa loob ng tindahan niya ang shirt. Nagdadalawang isip man ay hinayaan na ako nito. I smiled proudly habang nakatingin ako sa salamin. Wag niyo akong pakialaman ngayon, galit ako. Galit na galit. Pero wow, ang ganda ng tshirt. Ang ganda ng penmanship ko. Parang nakalagay na talaga roon una pa lang ang sinulat ko. Nice. Nakangiti akong nagpaalam sa tindera na mukhang nag-aalala sa mental health ko.

             Proud na proud akong naglakad habang suot yun. Aba, hindi sa lahat ng oras ay magiging tropiyo ka. Hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon kaya taas noo dapat. Diba?

             Maka-selfie nga. I-send ko sa mga friends ko. Malamang makakarelate sila. Baka magsimula na silang magpagawa sa akin ng ganitong statement shirt. I posted it on my IG.

             "Souvenir shopping at La Paraiso." nilagay kong caption. Ilang minuto lang ay ilang comments na agad ang natanggap ko. Karamihan ay pinupuri lang ang ganda ko at ang lugar... Mukhang walang nakapansin sa suot ko maliban kay Stephanie.

             "I like your shirt." anitong may emoticon pa. Hindi ko na pinansin. Basta kalokohan, siya talaga ang unang nakaka-notice.

Chapitre suivant