MARGARETTE'S POV
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Una, nakakita kami ng bampira harap harapan. Pangalawa, nakita ko si Jason kasama ang dalawang matanda at tinawag siyang anak. Pangatlo, sinundan ko sila kung saan sila papunta at nagulat ako ng may humawak sa balikat ko pero tinakpan niya ang bibig ko. Si Kris 'yon at may sinabi siya sa akin na nagpahina ng loob ko.
"Huwag mo nang tangkaing sundan sila. Bampira ang mga 'yan. Hindi mo lang alam bampira yang si Jason. At 'yang mga kasama niya? Mga magulang niya 'yan na galing sa hukay." Sabi niya sa likod ko. Kinuha ko ang kamay niya na nakatakip sa bibig ko at hinarap siya.
"Bakit mo ba sinasabi sa akin na bampira sila?" Nauutal na tanong ko. Hindi ko alam pero parang anumang segundo o minuto tutulo na ang luha ko.
"Dahil alam ko ang tungkol sa kanya." Sagot niya.
Hindi ko alam kong maniniwala ba ako sa kanya o tatawa ako. Kasi noon pa man may pakiramdam na ako na isa siyang bampira.
Nabigla ako nang may sumigaw na babae. Tinignan ko kung saan galing ang ingay na 'yon at nabigla ako nang hawakan ng matanda lalaki sa balikat 'yong babae at tumungo para maabot ang leeg ng biktima niya. Napatalikod ako kaya lang wala na si Kris sa likod ko. Hindi ko alam kung saan ako kakapit ngayon. Nanghihina ang paa ko, parang hindi ko kayang umuwi.
Ngayong alam ko na kung ano talaga ang lahi niya, hindi ko alam kung pagkakatiwalaan ko pa siya dahil sa pagsisinungaling niya. Bigla na lang tumulo ang luha ko at nawalan ako ng malay.
.
Nagising ako dahil may humawak sa noo ko. Nagmulat ako ng mata, si Tita pala.
"Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya.
Ngumiti ako ng bahagya bago ko siya sinagot.
"Ayos lang po ako, Tita." Sagot ko. Kinusot ko ang mata ko at naalala ko kagabi ang nangyari sa akin. Nahimatay ako sa kalagitnaan ng panghihina ko sa kakahuyan.
"Tita, paano ako nakauwi?"
"Nakita ka nila Kuya mo na walang malay sa kakahuyan. Sinundan ka nila kasi ang tagal mong umuwi. Ano ba ang nangyari ba't nahimatay ka?"
Umiling iling ako. Hindi ko kayang sabihin sa kanila ang nakita ko. Hindi lang sila maniniwala sa akin.
"Wala po. Nahilo lang ako." Pagsisinungaling ko.
"Mag-ayos ka na, may pagkain na sa baba kumain ka na. Hindi ka kumain kagabi." Tumango lang ako. Lumabas na din si Tita sa kwarto ko.
Naala ko na naman ang mga nakita ko kagabi. Maniniwala ba ako sa sinabi ni Kris o pababayaan ko na lang? Kasi ramdam ko din na may parte ng katawan ko na hindi naniniwala. Ewan! Naguguluhan na talaga ako!
Bumaba na ako sa kusina at tahimik kumain. Nakatingin lang si Kuya at Ate sa akin sa harap ko. Hindi ko sila matignan ng diretso kasi may kasalanan ako sa kanila kagabi. Hindi ako nagpaalam sa kanila kung saan ako pupunta. Tumakbo na lang ako sa kabilang kalsada at tahimik na sinundan sina Jason.
"Sabihin mo nga sa amin Marj, anong nangyari kagabi? Bakit bigla ka na lang nawala sa likod namin?" Seryosong tanong ni Kuya. "At nakita ka na lang namin na walang malay sa kakahuyan." Patuloy niya.
Bumuntong hininga ako, uminom muna ako ng tubig at tinignan sila.
"Wala ngang nangyaring masama Kuya. Sumakit lang ang ulo ko at natipalok pa ako kaya nawalan ako ng malay. Hindi ko naman sinadyang hindi magpaalam eh baka hindi niyo ako papayagan."
"Eh bakit ka pa umalis ng oras na 'yon? Natural hindi ka namin papayagan. Alam mo bang may bampira na nga dito tapos aalis ka nang walang paalam?" Galit na sabi niya.
Napatungo na lang ako. Nawalan na ako ng ganang kumain kahit gutom na gutom ako.
"Sorry." Yan na lang ang nasagot ko at niligpit na ang pinagkainan ko.
Oo nga't ngayon lang ulit kami nagkita ni Kuya. Alam kong may pakialam siya sa akin kasi simula't sapol pinsan niya pa rin ako. Hindi ko naman masisisi ang sarili ko kasi ang tigas ng ulo ko. Masyado akong nadala sa pinagsasabi ng iba na dapat hindi ko paniwalaan o paniwalaan man.
"Hindi ka pa tapos kumain."
"Busog na ako." Dinala ko na ang mga plato sa lababo at hinugasan iyon. Bisita lang ako dito kaya hindi na dapat ipagkatiwala sa iba ang mga bagay na ako ang gumamit.
Matapos kung mahugasan iyon umakyat na ako sa kwarto at doon nagkulong. Hindi ko kayang harapin ang mga taong nakapaligid sa akin ngayon. Alam kong mali ang ginawa ko kagabi. Hindi pa ako magaling sa aksidente tapos 'yon pa ang nangyari sa akin kagabi. Tinulungan na nga nila ako pero ano ang pinalit ko? Eto, ang magmatigas at gumawa ng mga bagay na hindi nila nagustuhan.
May kumatok sa pinto.
"Marj, buksan mo 'to. Mag-usap tayo!" Sigaw ni Kuya.
Hindi ko na lang siya pinagbuksan. Gusto kong magpahinga pero tuloy pa rin ang pagkatok niya.
"Marj, please."
Umiiyak pa rin ako. Kahit ayokong kausapin si Kuya hindi ko mapigilang tumayo at pagbuksan siya saka bumalik ulit ako sa kama para magtalukbong. Kinuha niya ang kumot sa mukha ko at nagsalita.
"Sorry na, alam mo namang nag-aalala lang naman ako sayo. Ayokong may mangyaring masama sayo hangga't dito ka sa pamamahay ko." Sabi niya saka iniharap ako sa kanya.
Hindi ko siya matignan ng maayos. Nakahiga't nakatungo lang ako.
"Come on, look at me."
Kahit pinsan ko lang siya alam kong may patutunguhan itong pag-uusap naming dalawa. Nasa poder nila ako at ginagawa nila ang lahat para maging maayos ako.
"Sorry sinigawan kita kanina. Sorry kung na-offend kita. Gabi na nung mga oras na 'yon pero hindi mo kami pinagsabihan kung saan ka pupunta. Nakita mo na ngang may bampira tayong nakasalubong kagabi parang wala lang sayo."
Tumingin ako sa kanya. Siguro wala namang masama kung sasabihin ko ang totoong nakita ko kagabi diba? Kesa kung sa oras na may pahamak na darating alam na naming kung sino ang mga lalapitan at iiwasan.
"Kuya hindi lang isa ang bampirang nakita ko." Tumigil muna ako at pinunasan ang luha ko. "Marami sila Kuya. At nakita ko sila sa kakahuyan kagabi at kilala ko ang isa sa kanila."
"Anong ibig mong sabihin? At sino siya?" Tanong niya.
Kung siya hindi masabi sabi sa akin ang totoong pagkatao niya, pwes ito na ang tamang oras para sabihin sa iba kung ano talaga siya.
"Si J-Jason, isa siyang bampira."
Napanganga si Kuya sa sinabi ko pero ngumisi siya.
"Alam kong isa siyang bampira. Hindi mo lang alam kung ano ang role ko sa buhay nila. Maybe next time ang oras para malaman mo ang katotohanan." Paliwanag niya.
Kung siya napanganga at ngumisi, ako naman nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ano ba ang role niya na sinasabi niya? Simula pa lang naging miserable na ang buhay ko simula noong tumira si Jason sa bahay ko.
Napaiyak na naman ako kaya niyakap ako ni Kuya.
"Huwag mo nang alalahanin ang lalaking 'yon. Simula pa lang masama na sa mga tao makakita ng bampira sa daan."
Niyakap ko na lang siya pabalik.
"Huwag ka na umiyak, please. Sorry na. alam ko ang lahat tungkol sa kanila dahil isa akong—" Tumigil siya sa pagsasalita nang magring ang cellphone niya. Humiwalay siya sa akin.
"Later Marj, got to get this." Sabi niya at lumabas na ng kwarto ko.
Ano ba talaga ang nangyayari sa buhay ko? Bakit lahat sila alam tungkol sa mga masasama? Ni wala akong kinalaman pero nadadamay din ako. Hindi naman 'to nangyari nung wala akong kasama sa bahay ah.
Pero ngayon alam ko na kung bakit. Salot ang nakitira sa bahay ko. Pero ano ang magagawa ko? Nagsinungaling siya, hindi niya sinabi ang lahat tungkol sa kanya. Ako na ang gumawa ng paraan para malaman ang katotohanan. Kasalanan ba ng mga mata at tenga ko nung nakita ko sila kagabi? Hindi, sadyang tinulungan lang nila ako mahanap ang kasagutan sa mga tanong ko. At iyon nga ang mga nangyari kagabi.
Sana hindi ko na lang inalam para hindi ako masaktan ng ganito. Oo, sobrang sakit na 'tong nararamdaman ko. Paano pa kung gusto niya akong makasama habang buhay? Ako na ang magsasabing hindi ko siya sasagutin. Ewan ko pero pinagkatiwalaan ko siya eh. Siya lang 'yong nagsira ng tiwala na 'yon! Hindi niyo ako masisisi kung hindi ko siya kakausapin kung makakauwi na ako sa bahay. Para ano pa? Masaktan pa ako ng sobra? Huwag na, bahala na siya sa buhay niya kasama ang mga magulang niya.
Ayoko na ng ganitong usapan. Wala namang mangyayari kung iiyak ko lang itong sakit na nararamdaman ko ngayon. Kasalanan niya lahat at wala akong gagawing tama para mapatawad siya. Dahil una pa lang, niloko na niya ako.