webnovel

Chapter 5

Stay and Die

"ISANG babae po ang bumuhat sa inyo at dinala kayo sa sasakyan. Pagkatapos po niyon ay umuwi napo tayo, Miss. "

Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Manong nang itanong ko sa kanya kaninang umaga kung paano kami nakauwi. The last thing I remembered before completely passing out was myself falling to that boy's slender body. The memories of me being praised, being imprisoned and being kissed last night is still vivid and clear. Like how a tattoo still remains beautiful as it is kahit na nagdaan na ang kahapon.

A black colored crescent moon and two small stars.

Whatever it means, its beautiful. But like all beautiful things, it must be hidden from people.

Inayos ko ang kwelyo ng uniporme ko at mas inilapit pa ito sa leegan. Today should be the first day of my suspension but Sir William had called me early this morning para sabihing hindi na ako suspendido.

Paano nangyari iyon ay hindi ko alam.

Dumaan ako sa Lower Section Area and I almost run my way to my classroom dahil sa hindi maipaliwanag na kabang nararamdaman ko. Nakita ko ang ilang lalaking estudyanteng nakaharang sa daraanan. Pinilit kong hindi tingnan ang mga mukha ng mga estudyanteng nakakasalubong ko. Pero kahit anong lag-iwas, dumako parin ang mga mata ko sa lalaking ngayon ay kasama sa grupo ng mga lalaking nasa labas. When my eyes darted at him ay gayun din pagtingin nito sa direksyon ko.

Damn!

Binilisan ko ang lakad ko at nilagpasan siya at ang room niya, hindi lumilingon sa direksyon nito. Nang makalayo-layo na ay nakahinga ako ng maluwag lalo na nang matanaw ko na ang classroom ko.

"You're almost late,"

Kumilos ako patalikod at paharap sa taong bigla-bigla nalang nagsalita mula sa likuran ko, nakataas ang dalawang kamay para iharang sa pagitan namin. Napatigil siya sa paglalakad at napatingin sa akin at sa kamay kong nakaharang.

"Whats that for?" Tanong nito, ipinagtataka ang kilos ko.

Inis kong ibinaba ang kamay ko at tumayo nang matuwid. My eyebrows furrowed at seeing his face. This guy had just made me a member of his gang. This guy made me break my principles. And this guy stole my first kiss.

Pinigilan ko ang sarili kong mamula sa huling naisip.

"Ba't mo ba ako sinusundan?" I asked, all annoyed while glaring at him.

Inosente niya tinuro ang direksyon papunta sa classroom ko. "Papasok nako sa classroom. "

Napataas ang kilay ko. Pero agad napakurap nang maalalang kaklase ko na pala ito. Tiim-bagang ko siyang tiningnan bago ko ilihis ang paningin sa kanya. I turned my back at the despicable guy at saka dumiretso na sa classroom.

Binuksan ko ang sliding door ng classroom. Napatingin ang lahat sa akin. Gulat ang nakikita ko sa mga mukha nila nang makita ang pagdating ko. They are expecting me to be absent this day dahil sa nakalat na suspension ko dahil sa ginawa ko raw kay Sahara.

Bumati ako sa guro namin at saka dumiretso sa upuang katabi ni Cheska. Napahinto ako nang makitang ang isang babaeng kaklase kong nakaupo roon. Nagkatinginan kami at sa mukha nito, wala itong balak na tumayo at bumalik sa upuan nito sa likod ni Cheska.

Cheska looked at me at saka tatayo na sana pero hindi ko na siya pinansin at dumiretso sa upuan na nasa likuran niya. Inilagay ko ang bag ko roon at umupo na. Bumalik sa pagkakaupo si Cheska.

I'm sitting on the chair behind Cheska's and this means sa gilid ko ay siya. Naramdaman ko ang pag-upo nito sa gilid. Hindi ko siya pinansin. Ganoon din naman ang ginawa nito.

Buong klase ay nakatingin lang ako sa harap, sinusubukang makinig sa dinidiscuss ng teacher namin sa Science. Pero hindi ko iyon magawa. Naging okupado ang utak ko sa mangyayaring pagkikita nami ni Sir William, ang guidance counselor ng Campus Luis mamaya. Ang dahilan kung bakit ako hindi na suspendido ay gusto ko nang malaman. Kaya naman, pagkatunog ng bell na hudyat ng Lunch Time ay dumiretso ako palabas.

Naglalakad na ako papunta sa Guidance Office sa fifth floor nang higitin ako sa kamay ko. And when I turned to see who is it, nakita ko si Cheskang galit na nakatingin sa akin.

"Why didn't you tell me that you'll be here at school this day? Na hindi kana suspendido? Kahit text man lang Jade, wala? "Aniya, nagtatampo na sa iba pa niya nalamang hindi na ako suspended.

"Ngayon ko lang rin nalamang hindi na pala ako suspended Ches. I would really text you kaso lang,"

'Okupado ang isip ko sa lahat ng nangyari sa akin kagabi.' Gusto ko iyong sabihin pero nanatilig tikom ang bibig ko, walang balak na magpatuloy sa pagsasalita.

"Kaso lang ano?"

"I have to go and see Sir Williams Ches—"

"Then sasama ako." Sabi nito at hinigit ang pulso ko papunta sa may hagdanan.

I rolled my eyes at what she's acting now. We climbed the stairs together hanggang sa makapunta sa fifth floor. I could feel her gripping on my wrist.

"Cheska," tawag ko.

"Did you know na buong gabi kang hinanap ng cousin mo sa akin?"

Natigilan ako sa narinig ko mula sa kanya. We stopped on our tracks. Binitawan niya ang kamay ko at hinarap ako. Ilang estudyante lang ng nasa fifth floor kaya naman, tahimik ang lugar at tanging paghinga lang namin ang naririnig ng isat isa.

"Saan ka kagabi? What did you do here in Campus Luis? Bat ka hinahanap ni Jufiel alas dyes ng gabi sa akin?" Sunod-sunod nitong tanong. She's looking blankly at me pero ramdam ko ang galit sa boses nito.

"Cheska—"

"Ive been very curious of what you're business here during night Jade,"

"Gabi na akong nasusundo ni Manong. Alam mo yun!" Sabi ko. Partly it is true. Partly is unuttered.

"Yun lang ba? If you think I am not aware of what's happening here in Campus Luis then hell not Jade. Alam ko kung anong nangyayari! And this damn school is a shit! "Sigaw nito at nagulat ako ng mga butil ng luha ang tumulo pabagsak sa pisngi nito. Nanlamig ako nang makita si Cheska na umiiyak sa harap ko.

Cheska's a tough girl. And seeing her cry and break down infront of me is so not her. Hindi pwedeng ang rason lang sa likod ng mga luha nito ay ang hindi ko pagsabi sa kanya ng lahat. I know may iba pa iyon.

At hindi ko na nagawang itanong iyon nang kusa itong lumabas sa bibig nito.

"M-My brother's found bleeding inside this music room early in the morning, " turo niya sa pintuang nasa gilid namin habang umiiyak. " He's been sent to hospital and in a coma right now. "

Oh shit.

NASA LOOB ako ng guidance office, nakaupo sa sofa na kung saan sa harap ko'y isang baso ng orange juice ang nakalapag sa mesang gawa sa glass. Inalok iyon ni Sir William dahil may pupuntahan pa siya saglit. Kaya naman naiwan akong mag-isa sa loob.

Cheska said she'll be waiting outside. I told her to be with me inside pero nang makita kong may tumatawag sa kanya sa phone ay hinayaan ko nalang siya.

Nakatitig lang ako sa baso habang iniisip ang sinabi ni Cheska. His brother Harvey was tortured last night. He was bleeding, been kicked and been cut by knives. He was found inside the music room.

Music room. Now that seems—familiar.

Napatingin ako sa may pinto nang bumukas ito. Tumayo ako nang pumasok si Sir William sa loob, pumunta sa may desk nito at kinuha ang isang puti na folder na nakalagay rito. After that, he paved his way to my direction at umupo sa kahara na sopa. Umupo narin ako.

"I know youve been very confuse as to why youre suspension's been cancelled, " bungad nito sa akin bago inilapag ang puting folder sa harap ko. "But Jade, Sahara's case has been more to it. "

Nagtatakang tiningnan ko siya.

"You see Jade, " sabi nito at pinasalikop ang mga daliri. "We've found the true culprit behind Sahara's case."

Napakurap ako. "What do you mean Sir? "

"But the most strange part is that the culprit behind this case is now in the hospital and in a coma. "

Nanlamig ako sa sinabi nito. Violins... Guitar... Organs... Wires and mic stands. I know I've saw these things last night!

Nalihis ang tingin ko papunta sa folder nang buksan niya ito at iniharap sa akin. At halos manlaki ang mga mata ko nang makita ang profile nang taong iyon sa harap ko.

"This is Harvey Dela Torre of Section 12-D and he is the culprit on Sahara's case." Sabi nito.

And there's Harvey on his smiling bio picture and the picture of him, bleeding and lying on the floor.

LUMABAS akong hinang-hina dahil sa mga narinig. Hindi ko na hinanap si Cheska sa labas dahil nagtext ito kaninang pupuntahan niya ang kapatid niya nasa ospital ngayon. Halos mabuwal ako sa paglalakad pabalik sa classroom nang maisip ang pinagdadaanan ngayon ni Cheska dahil sa kalagayan ng kapatid nito.

My legs are woobly and my hands are shaking by the realization that hit me just earlier.

He's that man. Siya yung taong nasa music room, kasama nila Giovanne. He's that man that was beaten and lying on the cold floor sa music room! Siya yung ginulpi ng gang ng lalaking iyon!

Napakuyom ako ng kamao. If only I could break the wall to ease my anger, ginawa ko na iyon. Pero hindi lang ata iyon ang kailangan ko.

I need more than that.

I fished my phone out at halos maluwa ang mga mata ako sa nakita ko sa screen. 45 missed calls all from Lemuel. 71 new messages.

Agad kong binuksan ang mga ito.

Lemuel: Haizel, nasaan ka?

Lemuel: I heard your suspension is cancelled. Nasaan ka?

Lemuel: Damn! Wala ka sa room!

Lemuel: Haizel, nasaan kaba?!

Halos mabitawan ko na ang cellphone nang bigla itong magvibrate. Its Lemuel. Agad ko itong sinagot.

"For damn Haizel, bat ngayon ka lang sumagot?!" Sigaw nito pagkasagot ko. Sasagot sana ako nang nagsalita ulit siya. "Damn, nasaan ka? Let's meet after class. Oh god Haizel, pumunta ka. Para na akong mababaliw kakaisip sayo!"

"Sorry Lemuel," nasabi ko nalang.

"You have lots of things to tell me Haizel! Mag-usap tayo mamaya. Art Room. After class," pagkabitaw niya sa mga salitang iyon ay ibinaba niya na ito.

Napailing nalang ako at saka ibinaba ang cellphone at isinilid sa bulsa. I could feel my sweat dripping from my forehead. I stared at the empty hallway while trying to clear my mind.

Humakbang ako hanggang sa idinala ako ng mga paa ko sa classroom. Bumati ako sa kasalukuyang professor at saka dumiretso sa upuan ko ngayon na nasa likod ng bakanteng upuan ni Cheska.

Nahagip ng paningin ko ang dalawang pares ng mga mata na nakapukol sa akin. Hindi ko siya pinansin. Nakaharap ako sa harap, sinusubukang makinig.

Pero di ko iyon magawa. Bakit? Dahil sa kakaisip sa lahat ng pagbabagong nangyayari sa buhay ko. I've caused my Cheska's brother injured, I've break my promise to never be in a gang, my rank steps from its position. If I were to reconnect them all, and trace it back to where the problem really starts, isang tao lang ang patutunguhan.

And this man, is the one staring at me as if I'm the most interesting thing to watch. If he's trying to annoy me then its working.

Napakuyom ang kamao ko. I could prick the back of his ear by a needle if I were to decide. Pero hindi ko magawa.

"CLASS DISMISSED!"

Pagkasabi ng prof ay agad nagsitayuan ang lahat para mag-ayos at magsialisan at pumunta na sa next subject habang ako'y nakaupo parin, kibit-balikat sa mga tingin sa paligid. Napasulyap ako sa gilid ko at nakita si Aris na nakaupo rin, walang balak tumayo gaya ko. Siguro iniisip nila na trip lang naming maiwan.

Hindi nagtagal ay naging disyerto ang classroom namin at tanging ako at si Aris ang naiwan. Ako, nakaupo while arms are crossed habang siya nakasandal sa upuan. I could hear our breathing the only evident noise inside.

Tumayo ako at naglakad papunta sa pinto. I could feel his eyes following me. Akala niya siguro aalis na ako. Pero hindi.

I closed the sliding door forcefully kaya gumawa iyon ng malakas na ingay.

Now's the time.

Humarap ako sa kanya. I glared at him and I could almost sense no fear sa mga mata nito. Tough guy.

"Anong ginawa mo sa estudyanteng nagngangalang Harvey Dela Torre? "

He smirked. "Beat him to death? "

"Fuck! Bakit mo ginawa iyon?! " umalingaw-ngaw ang sigaw ko sa loob. Nagtatagis ang mata ko sa lalaking nasa harap ko. Just a look at the man infront of me, nag-aapoy nako sa galit. How can he act cool after that?

Nanatili ako sa pwesto ko, malapit sa may pinto. Tumayo siya mula sa kinauupuan at saka dahan-dahan, like that of a feather, na humakbang papunta sa harapan ng classroom paharap sa akin before he stopped, giving us a gap of about three meters.

Tiningnan ko siya ng masama.

"Let's play a game? " tanong nito.

Nagtiim ang bagang ko. Napataas ang kilay ko. "What? "

"Stay with me."

Nanlaki ang mata ko nang biglang kumilos ang kamay nito para humugot ng kung ano man sa loob ng kanyang polo. Agad ding hinugot ko mula sa gilid ng palda ko ang malamig na bagay na iyon na kinuha ko mula sa locker ko kanina.

I know I'll need this in facing this man.

At sabay ng pagtutok sa isat isa ng mga baril ay ang sabay na pagkasa rin nito. The guns pointing at eachother made me realize one thing.

We're on the same field. He's not just a slender good looking man but he's a devil, the worse man to deal with, the kisser, and the psycho who kills whenever he likes.

I gulped at what he said next.

"Stay and die with me. "

Chapitre suivant