webnovel

Chapter 16: NIGHTMARE

Palakad-lakad si Rain sa loob ng kwarto ni Faith. Mag-isa palang siya. Kanina pa siya naiinis, nababagot at naiinip kakahintay dito. Pabalik-balik lang siya sa mga hakbang niya. Tumigil na naman siya para tignan ang alarm clock na nasa ibabaw ng maliit na mesa, katabi ang single bed nito. "It's almost 1am, bakit wala pa siya?!" Bulalas nya at kinamay ang magulo ng buhok. "Ano pa bang ginagawa niya?" Napagod na rin siya sa kakaikot kaya sumalampak siya sa kama. Manipis lang ang foam non at talagang pang-isahang tao lang ang makakahiga. Gawa lang din sa kahoy.

Pagpasok niya kanina ay hindi na siya nagulat. Hindi magulo ang kwarto nito. Maayos ang mga gamit. Sobrang kaunti lang ng gamit nito. Ni walang tv or rice cooker. Isang casette lang ang meron. Hindi rin naman mainit sa loob, malamig pa nga. May isang drawer lang, nandon malamang mga damit nito, may nakahanger na school uniform sa isang sulok. Ang isang rubber shoes at school shoes ay nasa ilalim ng kama. Maliit lang naman ang kwarto, insakto sa dalawang tao kung double decker ang kama nito. Walang study table, at walang upuan. Sa kama lang pwede umupo or sa sahig mismo.

Nalungkot siya at naawa sa buhay ni Faith. Naisip niya kung ganon ba talaga kahirap ang pamilya nito.

Natigil ang pag-iisip ni Rain nang makarinig ng mga hakbang na papalapit sa kwarto. Napatayo siya, tumingin sa pinto at sa paligid niya. Di niya alam ang gagawin, natataranta siya na gustong magtago. Pero wala naman siyang mapagtataguan.

Sumalampak nalang uli siya sa kama at hinintay na buksan yun ni Faith. Rinig na niya ang pag unlock ng kandado nito. Tumayo siya pagbukas ng pinto, kinakabahan at pigil ang hininga sa mangyayari.

Faith knew it. Nasa kwarto nga niya si Rain. Pagbukas ng pinto ay hindi na siya nagulat pa. Di niya rin ito tiningnan. Shit, pano ko maiiwasan ang taong to sa masikip na kwarto na to. Nilapag niya ang bitbit na gitara sa gilid, hinubad ang suot na sapatos at medyas, saka nagpalit ng tsinelas. Pano ako nito magbibihis? Natigil siya sa kinatatayuan.

Rain wanted to try if he can touch her. But he's not yet ready to find it out. He'll just get very dissapointed if he can't. So, tumabi siya sa isang gilid, kung saan di siya nito madadaanan. Parang hindi din naman siya nito nakikita kasi hindi ito tumingin sa kanya. Parang wala lang siya dito.

Ipinagtaka ni Faith ang pagtabi ni Rain. Parang ayaw din nitong mahawakan niya o mabangga. Ipinagpasalamat nalang niya yun pero di pa rin niya alam pano siya magbibihis. Humakbang siya patungong drawer niya at binuksan yun para kumuha ng damit. Natigil siya at tiningnan ang mukha sa salamin na nakapatong lang sa ibabaw ng drawer. Nakita niya si Rain don na nakatingin sa kanya. Humablot na siya ng damit at sinarado yun. Nagtuloy siya hanggang pintuan at lumabas. Don na siya sa banyo sa baba magbibihis, maghihilamos na rin.

Mabilis lang ang pagbihis at hugas niya sa sarili. Antok na antok na siya, nanghihina na katawan niya sa pagod. Kaya pag-akyat niya uli ay nilock nalang niya ang pinto, pinatay ang ilaw at natulog na. Di na inalala si Rain na nasa sulok lang, nakatayo.

Pagkatapos ng ilang sandali ay gumalaw na rin si Rain. Dahan-dahan lang dahil madilim. Hindi naman yung dilim na wala ng makikita, sakto lang, kasi nakabukas ang nag-iisang bintana sa kwarto. Kaya pumapasok rin ang lamig sa loob.

Nakadungaw lang siya kay Faith na mahimbing na natutulog. Talagang pagod na pagod ito kasi nakatulog agad.

Tumingin-tingin si Rain sa kwarto, naghahanap ng papel na pwede gawing pansapin sa sahig. Kahit madilim ay pinilit na makahanap, tapos nakita niya sa paanan ni Faith na may isang dyaryo. Kinuha niya yun at binuklat sa sahig. Umupo siya ng maayos at sumandal sa pader. Malinis naman yung pader, may pintura pa nga. Nakaharap lang siya sa natutulog na dalaga. Nakatagilid naman ang mukha nito sa kanya.

Nakaramdam na din ng panghihina si Rain. Saka palang niya naramdaman ang pagod sa katawan. Inaantok na siya. Akmang ipipikit na niya ang kanyang mga mata nang mabatid na gumalaw si Faith. Dahan-dahang pailing-iling ang ulo nito at parang nangangapa ang mga kamay. Looks like she wanted to hold on to something. Parang gusto nitong may makapitan. Ang mga labi ay nanginginig na parang may gustong sabihin pero ayaw gumalaw o lumabas ng mga salita.

Napaluhod na si Rain at dahan-dahang lumapit dito. Nagtataka sa kilos ni Faith. Nanatili namang nakapikit ang mga mata nito. Parang gustong imulat pero may nagpipigil.

"Faith, kailangan mong gumising. Gumising ka. Wag kang papatalo sa kanila!"

"Alam ko kuya. Tulungan mo ko, parang ayaw magising ng sarili ko." Hinihingal na siya.

Sa panaginip niya, nakikita niya ang kanyang kuya na matagal ng patay. Namatay dahil sa kanya.

Nasa madilim silang lugar, hindi klaro kung saan, pero parang nasa isang kagubatan, kuya niya lang ang tanging nakikita niya.

"Kaya mo yan. Kailangan ko ng umalis. I'm just here to warn you. Wag kang sumama sa kanila. Wag na wag, Faith." Madiin na babala nito sa kanya.

Nakakapit siya sa kamay nito ng mahigpit. Ayaw na niyang bitawan. "Kuya, san ka pupunta? Wag mo po kong iwan!" Naiiyak na siya, nagmamakaawa dito.

"Kailangan kong bumalik, kumbinsihin sila na wag kang kunin."

"Anong sinasabi mo kuya? Sino sila? Bakit gusto nila akong kunin? Saan ka po babalik?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Sa susunod ko na ipapaliwanag. Basta, wag kang magpapatalo. Gisingin mo sarili mo Faith, igalaw mo katawan mo!" Huling sabi nito at inalis ang pagkakahawak niya dito. Bigla itong nawala na hinigop ng hangin.

"Ang sarap matulog diba?" Rinig ni Faith ang malambing na boses ng babae. Nakakaantok ang boses nito.

"Ou." Sabi niya, parang nahihimatay na siya sa antok, pakiramdam niya ang sarap matulog habangbuhay.

No Faith! You need to wake up! Kung matutulog ka, mamamatay ka! Sabi niya sa sarili. Gising, Faith! Gising!

Ramdam niya ang panginginig ng buong katawan. Alam niyang sa isip niya ay nangangapa siya, pero sa mortal niyang tulog na katawan ay hindi siya gumagalaw.

Rain didn't know what to do. Kita niyang tumigil na rin ang pag galaw ng ulo nito, nanatiling nakaharap nalang sa kanya. Pero iba ang pakiramdam niya dito. He can see her soul struggling to wake up. Trembling inside her body. Nanlaki ang mga mata niya sa nasasaksihan.

Hinawakan niya kamay nito. Nabitawan niya yun sa gulat, nahahawakan nga niya si Faith.

Inabot uli niya yun at mahigpit na hinawakan. "Faith.." Pukaw niya dito. Dumaloy sa kanya ang panginginig ng katawan ng dalaga. Nag-aalala siya dito kanina pa. Ang isang kamay niya ay nasa mukha nito. "Faith, gising."

Napatingin si Rain sa kamay niya na nakahawak dito, ramdam at kita ang mahigpit na pagsarado ng kamay ni Faith sa kanya. Her soul is holding on to him.

Mas lalo siyang kinakabahan sa sitwasyon nito. "Faith.. Faith!" Pabulong niyang sigaw. He's shaking her. "Wake up!"

Biglang nagmulat ang mga mata ni Faith at hinihingal siya. Her head is aching. Konti nalang din ang panginginig ng katawan niya. She blinked a few times and looked at her side. Saka lang napansin na nasa tabi niya si Rain, nasalubong ang tingin nito, nakadungaw sa kanya at titig na titig.

Malakas ang paghinga nito na parang nakikisabay sa kanya.

"You're finally awake, are you okay?" He rubbed his thumb through her cheeks. Nasa mukha pa kasi ni Faith ang isang kamay niya, at ang isa ay mahigpit pang nakahawak sa kamay nito.

Nanatiling nakatitig lang si Faith sa mga mata ni Rain na puno ng emosyon. Kahit hindi pa nakabukas ang ilaw ay mahahalata yun sa konting liwanag na sumisilip sa bintana. Magkalapit lang din ang mukha nila.

Chapitre suivant