webnovel

Chapter 06: Death

Summer's Outlook

Wala akong idiya sa kung ano man ang nangyayari sa paligid ko pero ang tanging alam ko lang ay nasa panganip ang taong mahal ko. Si Walts!

Hindi kasi mga normal ang mga nilalang na kalaban ng hukbo nila Walts. Alam kong kakaiba si R- man dahil isa itong halimaw na robot pero hindi ko enexpect na may mga kakampi siya.

Kaya kahit mapanganip. Pinilit kong makapasok sa loob ng palasyo kung saan pumasok si Walts kanina.

Dahil siguro sa takot at kaba ay hindi ko na maalala kung paano ako nakapasok sa palasyo ng walang iniindang sakit o dalos mula sa mga nag aaway away sa labas.

Bubuksan ko palang sana ang pinto ng palasyo pero nagulat ako ng kusa na siyang mag bukas.

Natatakot man ay nangibabaw ang pagmamahal ko kay Walts kaya nilakasan ko ang loob ko saka nagsimulang hanapin si Walts sa loob ng palasyo.

Isang katanungan nanaman ang pumasok sa aking isipan ng makitang wala ni isa man ang tao o nilalang sa loob nitong lugar.

Kung gaano kaingay sa labay ay kabaliktaran naman dito sa loob.

"WALTS?" Sumigaw ako at nag babakasakali na marinig iyon ni Walts pero nag umalingaw ngaw ang ang sigaw ko sa loob nitong lugar.

"WALTS!!!!" Mas nilakasan ko pa ang sigaw mo para naman mas madali ko siyang mahanap.

Kinakabahan na ako dahil sa mga tumatakbo sa aking isipan. What if nahanap niya si R- man? What if magkalaban silang dalawa?

Walang wala si Walts pagdating kay R- man isa siyang normal na tao ay si R- man ay isang halimaw. Walang puso, emosiyon at higit sa lahat ay makina.

Hindi nasasaktan at hindi nasusugatan.

'Oh diyos ko. Sana naman po eh walang mangyaring masama kay Walts. Hindi ko kakayanin kapag nangyari ang bagay na iyon'

Nakarinig ako ng kalabog sa kung saan kaya dali dali ako at hinanap kung saan nanggaling ang tunog.

Habang tumatakbo ako eh palakas ng palakas naman ang kalabog.

Parang may dalawang tao ang naglalaban gamit ang ispada. Iyan ang naririnig ko.

Nakita ko ang isang pinto na pinanggagalingan ng tunog. Malapit na saka ako ng may humarang sa akin.

"Saan ka pupunta?" Napa atras naman ako ng makita ko ang kanyang itsura.

Nakasuot siya ng itim damit, sobrang puting balat, pulang mata at matulis na pangil.

"Tao! Isa kang tao. Haha tiba tiba naman ako sayo niya!" Humangbang ang lalaki papunta sa akin kaya umatras naman ako.

Kaya ganon ang naging set up naming dalawa. Pa abanti siya ng pa abante habang ako naman ay pa atras ng pa atras.

"Wa- wag kang lalapit!" Pinipilit ko nalang talaga na magpalakas ng loob.

"Bakit anong gagawin mo? Sasapakin mo ako? Babarilin mo ako? Haha hindi ako tatablan ng mga iyan!" Nakakalukong sabi nito sa akin habang umaabante.

Umaatras din ako ng pa atras ng napadikit na ako sa dingding.

"Got you!" Ngumuti siya sa akin saka sa isang iglap nasa tabi ko na siya saka mabilis na sinuntok ang aking tiyan.

"Argghh!" Napaupo ako sa sakit ng pagkakasuntok niya sa akin.

"Haha mga tao talaga. Ang hihina. Wala manlang ka trill trill!" Mayabang na sabi nito saka ako sinipa kaya tumilapon ako at tumama sa isang lamesa.

"Ahh!" Napasigaw ako ng matusok ang aking kaliwang kamay sa matulis na bagay sa gilid ng lamesa at bumulwak ang dugo mula dito.

Lumabas nadin ang dugo sa aking bibig at alam kong ano mang oras ay babagsak na ako dala nadin siguro ng hilo at sakin.

Pero naalala ko si Walts. Kailangan ko siyang tulungan, baka kung ano ang gawin sakanya ni R- man.

Lumuluha akong lumayo saka tinanggal ang matulis na bagay na nakatusok sa aking kamay saka tumungin sa lalaki.

Kumikintab na ang kanyang pulang mata na parang isang gutom na gutom.

"Dugo! Tao! Ang dugo mo. Kakaiba, hindi ko maipaliwanag. Hindi normal ang dugo!" Nalilito ako sa sinasabi niya. Hindi ko maintindihan at wala na akong pake doon.

Pinilit kong igalaw ang kaliwa kong kamay pero namanhindi na ito at hindi ko na maramdaman.

Pero kahit ganon, paeka eka man ay naglakad ako palapit sa lalaking ito.

"Wag mo nang pahirapan ang sarili mo tao. Dahil katapusan mo na!" Tumilapon ulit ako ng bigla nalang siyang tumakbo papunta sa akin at pinag susuntok ang aking tiyan. Hinawakan niya ang akinv leeg hanggang sa hindi ko na maramdaman ang lupa mula sa aking nga paa.

'Og diyos ko. Ito na ba ang katapusan ko? Kung oo. Sana wag mong papabayaan si Walts'

Napapikit na ako dahil sa sakit at dahil nadin sa nanghihina na ang aking katawan at hindi na ako makahinga.

Pero isang scenario ang pumasok sa aking isipan.

"Summer teka!" Tumigil ako sa pag lalakad ng tinawag niya ako.

"Ano iyon?" Lumapit siya sa akin saka may kinuha sa kanyang bulsa.

"Summer. Itago mo itong silver dagger. Maari mo itong magamit kung saka sakali, po protektahan ka nito sa kahit na sino! Wag na wag mong hahayaan na maagaw ito ng iba!" Hinawakan niya ang aking kamay saka nilagay dito ang dagger. Silver dagger!

"I don't know kung bakit mo siya binibigay sa akin e meron naman akong baril. Pero salamat, oo! Aalagaan ko ito kagaya ng pag aalaga ko sayo! I love you Walts!" Ngumiti lang siya sa akin saka mahigpit ako nitong niyakap.

"I love you Summer. Sana gawin mo ang tama pagkatapos nito!" Bulong niya sa akin.

Tama! Ang dagger. Hirap na hirap man pwero pinilit ko pading kunin ang dagger mula sa aking bulsa.

Ng makapa ko na ito ay mabilis na hinugot ko ito saka tinusok ang dagger sa puso ng lalaki na hawak ang akinh leeg.

Napabitaw siya sa akin dahilam para bumagsan ako sa sahig. Hinabol ko ang aking hininga saka binaling ang aking paningin sa lalaki.

Pa-atras siya ng pa-atras habang hawak ang kanyang leeg na animoy hindi makahinga. Habang ang saksak sa kanyang puso ay unti unting lumalaki hanggang sa naging isang abo na ang lalaki.

Tanging ang dagger na tinusok ko sa kanyang puso ang natira at bumagsak aa lupa.

Ilang sigundo ang nakalipas at tulala padin ako sa mga nangyari hanggang sa nakarinig ako ng malakas na sigaw.

"Katapusan mo na!!" Si Walts. Tama! Si Walts iyon. Nilingon ko ang pinto na pinanggalingan ng sigaw saka pinilit na tumayo ay mag lakad.

Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin sila R- man at Walts habang nag lalaban.

Si Walts ay may hawak na espada habang si R- man ay ginawang espasa ang kanyang kamay.

Tama! Isa iyon sa mga gamit na nilagay ko kay R- man. Ang kakayahang gawin kahit ano ng kanyang kamay.

Patuloy lang silang nag lalaban ng espada ng magkaroon ng pagkakataon si Walts na tamaan si R- man sa tagiliran.

Napa artas si R- man pero mabilis naman siyang nakabawe at mabilis din siyang gumanti at nakipag tagisan kay Walts.

"WALTS!" sigaw ko ng makita kong tatamaan si Waltsng espada ni R- man.

Naka ilag naman kaagad si Walts at gulat na napatingin sa akin.

At dahil sa nabaling ang atensyion ni Walts sa akin ay kinuha namang tyempo ni R- man iyon para sumugod.

Tumilapon si Walts kasabay ang kanyag espada kaya napahawak ako sa aking bibig.

Sobrang lakas ng suntok ni R- man kay Walts kaya alam kong napuruhan doon si Walts.

Alam kong hindi na iyon kakayanin ni Walts kaya naman lalapit sana ako ng pigilan ako ni Walts at tumayo siya na parang walang nangyari.

Mabilis niyang nilabas ang baril na ang bala ay blue thunder laser. Ang pinaka malakas na bala na ako mismo ang gumawa na kapag natamaan o nadikitan ka lamang ay kaya na nitong putulin ang ano mang bahagi ng iyong katawan.

Ng mga oras na iyon. Alam kong kapag tumama na ang bala kay R- man ay kapatusan na niya ito at panalo na kami pero hindi.

Dahil nung oras na tumama ang bala kay R- man ay hindi man lamang siya nasaktan o wala man lang nangyari sa kanya.

Nakita kong pate si Walts ay nagulat sa nakita dahil siguro sa pareho kaming dalawa ng iniisip na katapusan na sana iyon ni R- man pero walang nangyari.

Sa mga oras na iyon. Parang nag slow motion ang lahat. Nakita ko kung paano unti unting lumapit si R- man kay Walts at tinusok ang kanyang kamay sa puso ni Walts.

Napatakip ako sa aking bibig at napaupo sa sahig.

No! This can't be happening.

Walts!

"WWWAAAALLLLTTTS!" Sigaw ko ng makita kong dahan dahan siyang bumagsak sa sahig at sumuka ng dugo. Pero bago iyon at tumingin siya sa akin saka ngumiti.

Itutuloy.....

Chapitre suivant