webnovel

Chapter 03: News

Summer's Outlook

Gaano ba ako kasama? Ano ba yung nagawa ko sa past life ko para danasin ko ang ganito? Bakit sa lahat ng tao ako pa?

Hindi ko namalayan na tumulo nanaman ang aking luha habang nakatingin sa labas ng aking hospital room.

Sa lahat ng bagay na ginawa ko para magkaroon ng pangalan, karangalan, reputasiyon sa mundong ito ay bigla nalang nawala na parang bula.

Simula bata palang ako. Palagi ko nang pinapatunayan sa buong mundo ang halaga ko.

Bata palang kase ako ng mawala na ang aking mga magulang. Namatay sila sa isang car accident. Wala nadin akong ibang kamag anak kaya lumaki ako sa isang bahay amponan, doon ko nakilala ang kaisa isa kong kaibigan,

Si Lucas. Isang tao na tinuring kong kaibigan, siya na tumanggap at pilit na pinasaya ako, tinuring na isang kapatid pero pate siya ay nawala nadin, pinatay ng aking inbensiyon, pinatay ko siya.

At ngayon? Walang wala na talaga ako. Si Walts nalang ang meron ako at hindi ko na alam kong anong gagawin ko kong pate siya ay nawala nadin.

Dahil sa isang pagkakamali nagbago na ang tingin nila sa akin, kung tingnan nila ako ngayon parang wala akong na eh ambag sa mundong ito. Dahil lang sa nalaman nilang nagkamali ako, ang tingin na nila sa akin ay mamamatay tao at sakim.

***Flashback

Tulala lang akong nakatingin sa kawalan. Iniisip kong saan ako nagkamali para maging ganoon si R- man. Sa naaalala ko ay sinunod ko naman ang lahat ng formula pero bakit nagkagaoon siya?

Dahil ba iyon sa 'VBLOOD' bottom kaya siya nagkaganoon? Pero imposible naman yata iyon, oo alam kong wala iyon sa plano pero dahil lang doon ay nagbago na ang lahat? Dahil sa isang virus na iyon nagulo ang lahat?

O baka naman may isang tao talaga ang gustong sumira sa akin at nagsabotahe sa proyekto ko?

Napapailing nalang ako sa aking mga naiisip, sa sobrang depress ko ay kung ano ano nalang ang pumapasok sa aking isipan.

Nasa ganoon akong kalagayan ng mapukaw ng isang balita ang aking kamalayan.

"Isang balita ang nagpagulat sa mundo ng teknolohiya dito sa ating bansa.

Natagpuan na lamang sa laboratoryo ng isa sa pinaka magaling na inbentor sa aking bansa na si Simmer Summer Go ang kapwa niya mga inbentor kasama nadin si Lucas Brunt na wala ng buhay at lahat sila ay nawalan ng dugo na parang kinain ng isang halimaw.

Pero ang mas nakapag tatak ngayon sa nakararami ay wala ang may ari ng laboratoryo na si Summer Go, kaya marami ang nag sasabi na baka nag tatago daw ito dahil siya ang may gawa ng lahat.

Totoo kaya ang mga haka hakang ito? Ano naman ang kanyang motibo para gawin ang ganitong ka brutal na pangyayari sa mga kapwa niya inbentor? Dahil ba sa kapangyarihan? Ganoon na ba kasaming si miss Summer at kaya na niyang pumatay para maging mas magalin? Pwes kayo na ang bahalang manghusga at panuorin ang mga pangyayari na kuha sa CCTV ng nasabing lugar" pagkatapos sabihin ni Angeline Margoxx, (isa sa pinaka tanyag na newscaster sa aming bansa) ang balita tungkol sa akin ay sunod na pinakita ang lahat lahat na nagyari sa laboratoryo. Kung paano ko ginawa si R- man, kung paano siya nagkabuhay, kung paano panandaliang nawala ang paningin ko, sa pagdating ng kapwa ko inbentor, sa biglang pagkawala ng ilaw, sa kung paano namatay ang lahat, sa lahat lahat ng nangyari.

Pinalabas iyon at sunod noon ay ang mga reaksiyon ng mga tao sa nangyari, lahat sila ay may kanya kanyang opinion, mga paniniwala pero ang pagkakaparehas nila ay ako ang sinisisi nila.

'Ngayon nakita niyo ang nangyari sa lugar na iyon. Malinaw na malinaw na si SIMMER SUMMER GO ang may kasalanan sa lahat ng nangyari, siya ang gumawa ng halimaw na pumatay sa kapwa niya inbentor, mamamatay tao siya isa siyang sakim sa kapangya--" hindi ko na pinatapos ang balita at mabilis ko na itong pinatay.

***End of flashback

Hindi ko na alam kong ano ang dapat kong maging reaksiyon sa aking nga nakita. Oo ako ang may gawa noon kay R- man pero hindi ko ginusto ang nga nangyari, hindi ako sakim sa kapangyarihan, ang gusto ko lang naman ang maramdaman na may halaga ako pero hindi pumasok sa aking isipan na pumatay para lang makilala.

"Whaaaa!" Hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman ko kaya kailangan ko na iyong isigaw.

Tinabig ko ang lahat ng bagay na nasa ibabaw ng lamisa sa subrang sakit.

Wala na. Wala na ang lahat sa akin. Wala na ang buhay ko.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa aking silid pero hindi ko ito pinansin, para na akong isang baliw na umiiyak habang nakatulala.

Hindi ko na alam kong ano ang dapat kong gawin. Ang alam ko lang ay subrang sakit na.

"Summer? Babe? Sorry. I don't know kung saan nila nakuha ang CCTV. Sinabihan ko na si Dad na dapat wala ng makaalam sa nangyari pero hindi ko alam kong sino ang kumuha ng CCTV. Pero wag kang mag alala babe. Inutusan na ni Dad na ipatanggal ang balita, makakalimutan din iyo ng lahat. Mahahanap din natin si R- man, natatapos nadin ang paghihirap mo!" Niyakap ako ni Walts ng mahigpit habang hinihimas himas niya ang aking ulo, paulit ulit na sinasabi niya na maayos din ang lahat.

Gusto kong pasalamatan si Walts dahil kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam, kahit papaano ay nawala ang kaunting sakit sa aking puso.

"Walts! Salamat, hindi ko alam kong paano ko ibabalik ang pagmamahal na binibigay mo sa akin. Ang alam ko lang, hindi ko na kayang mabuhay pa kapag nawala ka. Kaya Walts, wag mo akong iiwan ah? Hindi ko na makakaya pa!" Hindi siya sumagot pero mas lalo niya lang hinigpitan ang kanyang yakap.

Malalagpasan din namin ito, alam ko. Dahil kasama ko ang taong mahal na mahal ko at mahal na mahal din ako.

Itutuloy.....

Chapitre suivant