webnovel

Past

"Yan ang pambato ko kapag sumasali ako sa mga singing contest sa amin noon." Pagbibida nito

Na-imagine nya ang ang batang version nito na nakatayo sa gitna ng stage at todo ang emote sa pagkanta. Naka-long sleeve polo na parang nasobrahan sa almirol. Ang buhok nito ay parang dinilaan ng baka. May nakasabit pang makapal na garland ng sampaguita sa leeg nito. Natawa sya sa naisip.

"Hoy, miss! 'Wag na 'wag mong masabi-sabi yan sa kahit kanino. Kung hindi, lagot ka sa'kin. Ikaw lang ang sinabihan ko."

Ngumiti sya ng pilya.

"I won't promise, magandang leverage kaya yon. Pwede kung gawing pang-blackmail sa'yo kung sakali."

"Why you!"

Bumungisngis sya.

"Sige na nga, hindi ko ipagsasabi, in one condition."

"And what, pray tell, is your condition?"

"Kailangan mong mag-elaborate. Ilang singing contest ang sinalihan mo noon?"

"Sa sobrang dami, 'di ko na mabilang." agad na sagot nito.

"Exaggerated ka naman."

"Believe it or not, i'm telling the truth. Paano, si mama kasi. Ang lakas ng radar kung saan may singing contest sa may amin. Hindi na ako tatanungin kung gusto kong sumali o hindi. Malalaman ko na lang na registered na pala ako." He didn't sound pissed off at all. Mukhang amused pa nga at indulgent ang tono at anyo nito. It was obvious he adored his mother.

"Tipong stage mother ba?"

"To the nth degree. Pa'no kasi, gusto nyang ako ang mag-continue ng naudlot nyang pangarap na maging singer."

"Nasaan na sya ngayon? Ang mama mo, i mean."

"Sa Laguna. Tagaroon talaga kami."

"Kumusta naman sya ngayong instead na singing idol ay naging basketball star ang pambato nya?"

"Ayun, 'yong pamangkin ko naman 'yong pinuntirya. Ang kaibahan lang namin ng pamangkin ko ay 'yong bata, gusto talagang maging singer, samantalang ako napipilitan lang."

"So that means may kapaatid ka pala?"

"Yep, dalawa. Parehong babae."

Hiniling nya na magkwento pa ito at ganon nga ang ginawa nito.

Basta pala about sa family nito ang topic ay wala itong kasawa-sawang magkwento. it only showed how fond he was of his family. Nasiyahan sya sa kaalamang 'yon, dahil para sa kanya ay dapat talagang pahalagahan ang pamilya.

"How about your father?" Napansin nya kasi na ni minsan ay 'di nito nabanggit ang ama nito, kaya na curious sya.

"I don't know. Buhay pa siguro." Kaswal na sagot nito.

Nabigla sya sa sagot nito. Nagtatanong ang mga mata na tiningnan nya ito.

"Koreano ang father ko, but the merriage didn't work out. Siguro dahil na rin sa cultural differences. Limang taon ako nang bumalik sa Seoul ang tatay. Mula noon ay hindi ko na sya nakita. No'ng umpisa, may communication pa kami pero dumalang ng dumalang ang pagtawag at pagsulat until nawala na."

"And you're okay with that?" May sympathy sa mga mata nya.

He shrugged. "Nasanay na ako."