webnovel

Loving Me Back

"We're very sorry, Bianca for deceiving you." Cyrus shortly said saka nahiyang ibinow ang ulo.

"Oo... sorry ha." Roschelle also nodded.

"Mm." Ikling agree ni Arvin.

"Ahaha. Pasensya na iha. Pero karamay mo rin kami ni Arvin. Kumaripas din kami ng takbo rito ng malamang naconfine itong si Cody. Ahaha." Then a hoarse laugh came kay Sir David as though tuwang tuwa pa itong nasweruhan ang kanyang anak.

"😒 Hah. Ang OA niyo naman po kasi dad eh. Sabi nang okay lang ako. Yan tuloy... kala ni Bea, funeral na ang mangyayari. Imbis na kami lang sana ang nandito eh. Humph. 😣" Cody started to nagged saka biglang lumubo ang mukha.

"B-bakit? Ano po bang nangyari kay Cody?" Sabi ni Bea habang nakatingin kay Sir David.

"Actually... because of exhaustion..."

Si Cyrus ang sumagot.

"...he collapsed kaninang umaga dahil sa sobrang pagod at kulang ng tulog. Baka dahil sa sobrang pag-aalala sa kapatid niya, hindi na siya natulog ng ilang gabi. Tapos nagpumilit pa kanina na pumunta ng shop niyo... nalaman ko nalang he already fainted sa labas ng ospital. But don't worry. He's almost fine now. Kailangan niya nalang ubusin yang dextrose and magpahinga pa ng isang gabi rito."

Napabuntong hininga nalang si Cyrus dahil sa kanyang ikinweto. He became a story teller of the sudden. He didn't expect that.

"...well, about this prank... actually small scale lang sana, kasong itong sina dad, bigla nalang sumulpot. Hindi ko akalaing pupunta rito... kaya parang mas lumala ata ang pagkaintindi mo." Cyrus continued. Hindi na nito napigilang mapangiti dahil sa kanyang ikinukwento habang nakatingin kay Bea.

Biglang tumaas ang isang kilay ni Cody.

"Humph! 😣 It doesn't concern you. Bakit parang gustung gusto mo pang idetalye ang pagkukwento."

Lumubo ulit ang mukha ng binata.

'Is he jealous?' Napangiti bigla si Roschelle sa sinabi ng binata.

'Nagseselos ang bugwit.' Sabi ni Arvin sa kanyang isipan.

"Ho-oh... 😮... Sino kaya yung hindi kayang makatayo kanina na nagmamakaawa sa akin na sunduin si Bianca? Ah. 😕. Tyaka yung nagrequest na gawing restaurant ang ospital ko." Wika ni Cyrus na tumbok na tumbok na tumama kay Cody.

"Hugh! Sino kaya yun?" Agad na napatanong si Cody as though oblivious sa nangyari.

"Ahaha. Oh siya siya. Now everything was settle. I hope, you're now okay Bianca." A coarse voice of Sir David flapped the young girl's ears.

"A-ah... m-medyo po... hehe." Dagling yuko ni Bea.

"Talaga ba? Oh siya siya... lalamig na ang pagkain niya. Enjoy your meal." Sir David said.

Isang saglit lang ang lumipas at naiwan nalang ang dalawa sa loob. Biglang tumahimik. Nakabibingi.

Buti nalang at may pagaspas pa ng mga dila ng aircon kung hindi, malulunod na silang dalawa sa nakapananamlay na katahimikan.

Napatingin si Bea sa mukha ni Cody. Laking gulat niya na lang nang binato rin siya nito ng tingin at ngumiti. Hindi niya na rin napigilan ang sarili na mapangiti sa mga tinging ibinigay sa kanya, lalo na nang mapansin niya na hindi pa natatanggal ng binata ang bandages nito sa kanyang ulo.

"Haha. Para san ba 'to?" Madaling lumapit ang dalaga sa tabi ni Cody at inilapat ang kamay sa noo nito.

"Ah. Pampaawa sana sayo. Hehe." Hindi nag-atubiling sabi ni Cody. Kanyang itinaas agad ang kamay at marahang inilapat ang palad sa malambot na kamay ng dalaga na nakalapag sa kanyang noo.

Ibinaba ito ni Cody at hinila ang dalaga upang maupo sa kama katabi niya. Their eyes met. Ilang segundo silang nagkatingin na wala man lamang imikan. Tila ba nagstaring challenge sila. Ngunit hindi nila ba alam... kung bakit bigla na lamang silang napangiti nang sabay. Para bang parehas sila nang naisip.

"Haha."

"Haha."

Malamlam nilang pagtawa habang hindi pa binibitawan ni Cody ang kamay ni Bea.

"Halika nga. Haha. Ako na niyan ang magtatanggal. Para kang may injury sa ulo eh. Pumapangit ka lalo." Sabi ni Bea sa malambing niyang boses.

Hindi naman tumutol ang binata. Agad nitong iniyuko ang ulo upang maabot ni Bea.

"Sus. Nag... 'I love you' ka nga sakin kanina, tapos sasabihin mo pangit ako?"

Napatigil bigla ang kamay ni Bea sa pagtanggal ng bandage. Umakyat agad ang dugo niya sa mukha hanggang sa mamula ang kanyang pisngi.

Oo nga pala. Nag confess pala siya kanina. Bugso ba ng damdamin. Sino ba naman ang hindi. Eh hindi niya naman akalain na prank iyon. Well, nasabi na ang nasabi... buti nga ganun ang nangyari eh.

"Ehhh. 😣 Bala ka nga jan." Sinapok agad ni Bea ang binata sabay bitaw ng mga tela sa kanyang kamay.

"Ahaha. Sorry. Hindi na kita itetease."

Papaalis nalang sana si Bea nang mabilis na hinawakan ni Cody ang kamay nito at hinila papalapit sa kanya.

Bumilis agad ang kabog ng puso niya nang hindi niya mapigilang inikot ang mga braso sa baywang ni Bea hanggang mayakap ito. Marahang bumagsak nalang ang mukha ni Cody sa baba ng dibdib ng dalaga.

"I'm...just so glad..." He paused. He suddenly felt really happy... at a point na parang maiiyak na siya. He never felt such extreme happiness before. Sobrang nakakataba ng damdamin.

"...that you are here with me. Napakasaya ko lang... at kaya na kitang yakapin. Yung babaeng lagi kong iniisip... yung babaeng hinangaan ko simula nung high school... and that girl that drives me crazy... that was you."

Medyo humigpit ang pagkayakap ni Cosy sa dalaga.

Napatingin nalang si Bea sa ulo ng binata ngunit hindi niya ito pinigilan sa pagyakap. Ewan niya ba kung bakit. Basta ang alam niya, this time... she wanted to show her love for the young man. Ayaw niyang ganun ulit ang mafeel niya sa huli. Regrets.

With those inside her head, marahan niyang niyapos ang ulo ng binata at hinaplos ang tainga nito.

"Thank you... for loving me." She whispered as she dug her face on his hair.

Napasmile nalang si Cody.

"And thank you... for loving me back."

MUMMY

Bea: *tinatanggal ang bandage sa ulo ni Cody*

Cody: *hugs Bea* I Love You.

Bea: *sumabog sa pagblush*

Cody: Just kidding. Hahaha.

Bea: (-.-) *gets more bandages at sinupot si Cody*

- - - - - - - - - - - -

Author's question

"Paano ba mainlove?"

(>...<")

Xapkielcreators' thoughts
Chapitre suivant