Forty Three
Billy Christia Corpuz POV
Hindi ko pinauwi si Lovely ng araw na iyon, kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano ang susuotin at nagagalak ang puso ko.
"Billy…" tawag niya saakin habang pareho na kaming nakahiga sa kama.
"Uhm." Mahinahong tugon ko.
"P-Paano kapag nalaman ni Mom iyang tungkol sainyo, kilala mo naman iyon. Ayaw na ayaw niyang binabanggit mo ang pangalan ni Liam…" nagpakawala ako ng malalim na paghinga.
"I don't know, sa susunod ko nalang po-problemahin iyan. Sa susunod nalang." Kinumutan niya ako na kinadahilan ng aking pagngiti.
"Basta ako, kung saan ka masaya naruon ako. Ayokong pigilan ka dahil alam na alam ko kung gaano mo siya kagustong hanapin noon, alam na alam ko na kaya ka tumakbo sa araw ng kasal mo ay dahil sakanya. You've been hurt enough at ayoko ng dumagdag pa sa sakit na pinapasan mo." Naramdaman ko ang mahigpit na pagyakap niya saakin.
"Thank you…" bulong ko.
Ngumiti siya. "No, Thank you for being my sister and bestfriend. Matulog kana at kailangan mo pang mag-beauty rest because you will be dating you're man in dream tomorrow" Hindi ko maiwasang hindi matawa sa sinabi niya.
"Man in dreams talaga?"
"Bakit, totoo naman ah. When you're in coma, hindi ba siya itong nasa panaginip mo…" Tumango.
"See so Liam is your man in dream." Napaismid na lamang ako sa sinabi niya at natahimik na. Natulog nalang din ako ng matiwasay.
~*~
Kinakabahan akong lumabas ng kwarto habang nakasuot na ng black pants and simple citro long sleeves, meron akong tube sa loob kaya masasabi kong maayos na ang porma ko. Kumuha din ako ng plain white shoes sa aking shoe cabinet at tuluyan ng nagpakita kay Lovely. Kinindatan niya pa ako bago tuluyang paupuin sa sofa. Ang tuwid na tuwid kong buhok ay medyo nagwavy dahil sa pagkakalikot niya rito. I smile at her ng biglang tumunog ang doorbell, kinakabahan pa akong pagbuksan iyon ngunit halos patayin ko si Bryle ng siya ang makita ko.
Pareho sila nagtawanan sa naging reakyosn ko. Binato ko ng unan si Lovely na hindi matigil sa pagtawa.
"Sorry na, halata lang kasing sabik na sabik kang makita siya…" Natawa tawa pa si Bryle ng maupo sa Sofa. Napasimangot na lamang ako sa ginawa nila at kinuha ng maiinom. Pakiramdam ko kasi sasabog ang dibdib ko dahil sa kaba.
Hindi nagtagal ay tuluyan na ngang tumunog ang doorbell, si Lovely na ang hinayaan kong magbukas noon dahil baka isa na naman ito sa mga kalokohan nila. Pinagmasdan ko kung sino ito at isang nakangiting si Liam kaagad ang bumungad saakin. Nagpigil ako ng aking ngiti at napatingin sa orasan na naka-kabit, exactly 12:00 noon. He really keeps what he said.
"Billy, narito na si man-" pinandilatan ko siya ng tingin at narinig ko na lamang ang mga pagsipol-sipol niya.
Awkward akong ngumiti ng magtapo ang tingin naming dalawa ni Liam.
"Hi!" bati niya. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sa sinabi niya.
Its feels like first time naming magkita. "Hello." Ganti ko.
Nagkakahiyaan pa kaming dalawa habang nasa loob ng Elevator at habang nasa kalagitnaan kami ng katahimikan ay biglang lumukso ang puso ko ng hawakan niya ang kamay ko at inilock ito.
Madiin akong napapikit sa ginawa niya at namula. Omygod, hindi ba masyado kaming mabilis? I mean he's just dating me diba? Why did he hold my hand? Is he really going to a relationship na wala ng ligawan? Pero paano naman ako? Paano ang mga boquet of roses na pangarap kong makatanggap? How about chocolate?
Ang daming tanong sa isip ko pero hindi naman ako naglakas loob na sabihin ito sakanya dahil sa loob loob ko, panay lukso ang puso ko at natutunaw ako habang nararamdaman ko ang balat niyang nakadampi saakin.
Pinagbuksan niya ako nang pintuan ng sasakyan ng tuluyan na kaming makalabas ng Condominium, natatandaan kong ito ang sasakyang ginamit niya nung mga panahong nasa bahay nila ako at pinipilit ko siya sa magazine na iyon, ito rin yung sasakyan na nagiwan saakin sa kahabaan ng daan.
"Where did you want to go?" unang tanong niya saakin habang nasa tabi ko na ito. Nagulat din ako ng bigla siyang lumapit saakin at pilyong ngumiti. Ikinabit niya ang seatbelt ko at dahil doon pakiramdam ko nasasapian na ang puso ko.
"K-Kahit saan." Nauutal na bigkas ko.
Habang nagmamaneho ay tahimik siya, tahimik siyang nakahawak sa kamay ko na animoy pinapakiramdaman ito. There is something about him at hindi ko malaman kung ano.
We travelled more than 3 hours para sa lugar na gusto niyang ipakita saakin. And for the first time walang mapaglagyan ang mga ngiti ko ng may makita akong karagatan sa harap ko. Maiyak iyak akong napatingin at ngumiti sakanya.
"Omygod, it's my dream, thank you for bringing me here…" Mas lalong nagliwanag ang mga ngiti niya dahil sa naging reaksyon ko.
Simula't mga bata pa kami ay pangarap na naming makapunta rito at sabay na titigan ang papalubog na araw, we promise to do that kaya hanggang noon hindi ko pa hinahangad ang pumunta rito dahil alam kong tutuparin niya ang pangako niya at ito na nga iyon.
Hinayaan ko siyang ayusin ang aming uupuan at pagkain, inilabas niya ang mga lunch box na dala niya at pinagmamalaking siya pa daw ang nagluto nito. Naupo ako sa tabi niya habang binubuksan ang pagkaing hinanda niya.
Nagkatinginan kaming dalawa at pinagmamasdan niya akong isusubo na ang pagkaing hinanda niya. Bigla akong namula dahil sa mga titig niya. Biglang kumabog ang dibdib ko habang pinapanuod niya akong ngumunguya and I wish hindi na matapos ito.
"Ang sarap, papasa ka ng chef…" hindi ko maipinta ang sayang ipinapakita ng mga mata niya habang sabay kaming kumakain na dalawa.
"K-Kailan ka pa natutong magluto?" wala sa loob kong tanong sakanya.
"Since you left…" natigilan ako at tinitigan siya. "Ako nalang kasi mag-isa, alam mo naman ang nangyare kay Tatay, nagpakamatay." Tipid siyang ngumiti saakin at sinubuan ulit ako ng pagkain.
Tinitigan ko lamang siya at binabasa ko ang nilalabas niyang ekspresyon.
"May naging girlfriend ka na?" basag ko ng titigan naming dalawa ngunit seryoso padin siya habang umiling-iling.
"Wala pa…" simpleng sagot niya.
"Why?"
"Because I am waiting for you…" nabilaukan ako sa sinabi niya at agaran niya ring inabot saakin ang isang baso ng tubig.
"O-Okay na ako…" Sinimulan ko ng iligpit ang mga pinagkainan naming dalawa habang nagpapasalamat sakanya. Matapos nun ay nagakad lakad kaming dalawa sa dalampasigan habang hinahawakan na ulit niya ang aking kamay.
Kakaiba ko siyang tiningnan. "Did you know that holding the girls hand should have an assurance na kayo na?" Hindi siya nagsalita.
"You are not even courting me…"
"Hindi pa ba panliligaw itong tawag mo dito? Wala kasi akong idea of how to court a girl or date a girl kaya umaasa ako na tuturuan mo since you were the one who keep teaching me in everything…" Napahalakhak ako sa sinabi niya.
So he's really didn't have any girlfriend in the past.
"Sige pagbibigyan kita dito, since hindi ko naman ito tinuro sayo like what you've said. Ang gwapo-gwapo hindi marunong manligaw in a proper way…" daldal ko. Hinayaan ko siyang hawakan ang aking kamay habang sabay na dumadampi sa aming mga paa sa daloy ng karagatan.
"Billy…"
"Uhm." Pareho na kaming nakatayo at magkahawak ng kamay habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw.
"Can I ask you a question?" Naramdaman kong nakatingin na siya saakin.
"Ano yun?"
"Am I still hurting you? If you see me did you remember what happen? Did I give you pain?" Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Biglang nagunahan ang pangungusap ng mga mata niya, ang lungkot ng mga ito.
"Yes, part of me but when I see you doing fine, I felt happy too, Liam. At kung nasasaktan mo ko hindi na sana ako nagpapakita sayo. We both are victim Liam, kaya huwag mong iniisip na nasasaktan mo ako because we are the survivor at lahat ng nangyare noon ay nagpatatag satin to grow and live like nothing happen. I am live because of you and you will never be my pain, remember that" Nakita ko ang biglang pagtulo ng luha niya habang papalapit ng papalapit saakin. I smile gently habang pinupunasan ko ang kanyang luha.
At hindi ko maiwasang hindi mapa-atras ng unti-unting lumapit ang kanyang mukha saakin, nakatitig ang mga mata niya saaking labi and from that onward we didn't see a beauty of a sunset but I see a guy who are desperate for wanting me and loving me. His soft lips touches mine and he whisper to my ear.
"Thank you for giving me the signal that I want from you." Huli niyang bigkas at mahigpit na akong niyakap.