webnovel

Twenty Eight

Twenty Eight

Billy Christia Corpuz POV

Masakit ang aking ulo pagising ko, sobrang sakit. Unti-unti kong dinilat ang aking mga mata at nasa hindi pamilyar na bahay ako. Napalunok ako at kaagad napatingin sa suot kong damit. Thank God ito pa naman ang damit ko kahapon.

Tumayo na ako at kinakabahang pinihit ang pintuan ng kwartong iyon. Napagala ako ng tingin sa kabuuan ng kwarto, maganda ang pagkakadisenyo nito, anak mayaman siguro. Pero sino ang magdadala saakin sa ganitong klaseng lugar? Si John? Si Liyan?

Mayayaman ba yung mga iyon? Kung Ou, bakit naman sila magtatiyaga sa kompanyang iyon?

Tuluyan na akong iniluwa ng kwarto at dahan-dahang naglakad. May kumalampag pa sa kusina kaya agaran akong nagtago, hawak ko na lahat ng gamit ko at nagpaplano na akong tumakbo at tumakas ngunit namumula ang mukha ko ng makita ko si Liam na nakatingin sa awkward kong posisyon.

Narinig ko ang paghalakhak niya kaya mas lalong naging kulay pula ang pisngi ko.

"I-Ikaw nagdala saakin dito?" Putol ko ng ngiti niya. Gusto ko pa sana siyang panuorin pero mas lalong nagiinit ang mukha ko dahil doon.

Hindi nagsalita si Liam at nakapamulsa ng nilayasan ako.

"Bahay mo to?" Tanong ko ulit sakanya ngunit wala na naman akong nakuhang sagot.

Sinuri ko ang kabuuan ng bahay niya at may nakita akong malaking family picture sa Sala consist of three person, including him.

So this is him after that incident. May umampon pala sakanya.

Walang sali-salitang naupo ako sa harap niya, sa hapagkainan. At simpleng napangiti ng makita ko ang hinanda niyang pagkain, napakarami.

Filipino food lahat.

"W-Wala akong matandaan kagabi, pero salamat." Nakayuko kong sambit sakanya, hindi ko siya kayang tingnan dahil nilalamon na naman ako ng puso ko.

Nahihiya akong sumubo ng pagkaing luto niya at itinatago ang sarap sa bawat pag-nguya. Aakalain kong chef siya sa sarap niyang magluto.

"Are you really that desperate?" Napatigil ako sa pag-nguya dahil sa sinabi niya. Seryosong seryoso ang kanyang mukhang nakatingin saakin.

"You are throwing yourself in front of the Police Officer and even offer a drink for them. Alm mo ba ginagawa mo?" Napangisi ako ng mapakla at sinamaan siya ng tingin.

"Yes, alam na alam ko. In order for you to get you, gagawin ko lahat." B-Bigla siyang natigilan sa sinabi ko samantalang nawalan na ako ng ganang kumain.

"Excuse me..." padabog akong tumayo at kinuha ang mga gamit ko. Iritable akong tumingin sakanya at umalis sa bahay na iyon.

Masama ang loob ko, sobrang sama. Nang-gigil ako. Desperate? Ou I'm really desperate.

Sa huling pagkakataon ay sinulyapan ko ang bahay niya na iyon at masamang tinitigan.

I thought and hoping that you, in my dream are same as today but youre not.

Kahit na alam kong late ay hinayaan kong tumakbo ang oras, umuwi ako sa Unit para magpalit at maligo, papagalitan na rin naman ako ni Sir, lulubus-lubusin ko nalang.

Nakarating ako ng office ng nagmamadali at mabuti na lamang at wala pa ang Boss ko. Dire-diretso ako sa aking upuan. Kaagad na lumapit saakin si Liyan at pinaningkitan ako ng tingin.

"Blooming ka ngayon Ma'am." Pangaasar ko saknya.

"Blooming? Badtrip kamo." Inis na sagot ko sakanya.

"Why? Diba napa-ou mo na siya." Lumapit din sa amin si John at naki-usisa.

"Ha? Hindi, hindi ko nga alam ang sasabihin ko kay Sir."

"P-Pero Ma'am akala namin, pumayag na yun sa way palang ng tingin niya sayo kagabi."

Mas lalong naguluhan ang utak ko dahil sa sinabi niya. "Anong way ng tingin? Anong mga pinagsasabi niyo?"

"Kagabi diba po, nag-pass out na kayo?" Tumango ako. "Tapos, binuhat ka po ni John para sabay kana saamin umuwi pero nakasalubong namin siya at nagsasalita ka pa nga po. Tapos after nun, kinuha ka niya bigla saamin. Magkaibigan daw po kayo." Naiwan akong nakanganga sa sinabi nila. May kakaibang pinapakita si John saakin na animoy kinikilig where in fact wala namang kakilig-kilig doon, maliban lang doon sa sapilitan niya akong kinuha.

Bumalik na ulit ako sa pagtatrabaho at gayundin sila, medyo naging maayos ang buong araw namin dahil tuluyan ng hindi pumasok si Big Boss. Tinapos ko ang mga naiwan kong paper works sa Office dahil paniguradong, maguumpisa na naman akong magtrabaho sa labas dahil kay Liam.

Hinilot-hilot ko ang aking batok habang madilim na ang paligid, ako nalang pala ang natitira rito.

Past 11 na rin ng gabi ng tuluyan na akong lumabas ng Building, nginitian ko pa si Manong Guard na binate ako.

Naglakad ako ng konti sa may highway at nag-abang ng taxi ng mapakunot noo ako ng may biglang Police Car na huminto sa harap ko.

"Ms. Magazine." Kaagad akong napangiti ng makita ko si Sir Delos Reyes.

"Ay, hello po." Bati ko sa kanya.

"Pauwi ka palang? Gabi na ah. Delikado na sa daan." Aniya.

"Opo, madami po kasing naiwan na trabaho." Tugon ko sakanya. Hindi kalaunan ay biglang bumaba ang window ng sa passenger seat at iniluwa nito ang walang emosyong si Liam.

"G-Gusto mo sabay kana saamin?" Kaagad nabaling ang tingin ko sa wala paring emosyong si Liam.

"H-Hindi na po. Magta-taxi nalang ako"

"Hay naku, sumakay kana magpa-patrol din kami sa daan. Dont worry." Tuluyan na siyang pumasok sa loob ng sasakyan at naiwan akong clueless.

"H-Hindi na po talaga." Masama akong tiningnan ni Liam.

"Sumakay kana." Mala-awtoridad na sambit niya kaya wala na akong nagawa. Sa likod ako pumwesto at tahimik lang na itinuturo sakanila ang daan patungong Unit ko. Buong minuto ring hindi nagsasalita si Liam kaya gayun nadin ang ginawa ko. Umaalingaw-ngaw na naman ang sinabi niya saakin kanina.

"Dito ka talaga nakatira?" Nagtataka akong tumango dahil sa tanong ni Sir Delos Reyes.

Napatingin siya kay Liam at pasimpleng ngumi-ngiti ngiti.

Tuluyan na ako nagpaalam sakanilang dalawa. Ngunit hindi pa nga ako nakakalayo ay naririnig ko ang pangaasar sakanya ni Sir Delos Reyes.

"Kaya ba for 3 years laging itong area na ito ang pinpili mo ay dahil kay Ms. Magazine?" Napalingon ulit ako sa kanila at nahuli ko si Liam na titig na titig saakin.

Huminga ako ng malalim at simpleng ngumiti sakanya, tuluyan na ring umandar ang sinasakyan niya.

Kailan kaya kita mapapa-payag, Liam.

Chapitre suivant