Na sa harapan ng pisara si Teacher Faye habang tinatalakay sakanyang mga mag-aaral ang pinagmulan ng anghel. Tahimik ang lahat at nakatuon ang kanilang atensyon sa pakikinig. May mangilan-ngilan na nagugulat, natatakot at mayroon din namang tumatawa.
" Ang angel nga ay masasabi nating nakatatak na sa isip ng sanlibutan, regardless sa paniniwala mo at paniniwala ng iba't-ibang religion. Ang kwento ng mga anghel ay naging parte na ng history ng buong mundo, tinatalakay sa eskwela tulad nitong ginagawa natin." naglakad-lakad si Teacher Faye at itinuro ang isang estudyante.
"Ikaw Dave, sa tingin mo ba gawa-gawa lang ang kwento ng mga anghel?" tanong nito sakanyang estudyante na agad namang tumayo para sagutin ang tanong ng kanyang guro.
"Opo, kung ating mapapansin, wala namang patunay na ang mga anghel ay lumabas sa ating sanlibutan. Sa tingin ko gawa-gawa lang ito ng mga tao noong unang panahon. Siguro ay guni-guni lang." sagot niya na pinalakpakan naman ng nakararami.
"Magaling Dave, kung gayon hindi ka pa nakababasa ng mga libro patungkol sa mga anghel? biblia? quran o kung ano man?" umiling ang kanyang estudyante para sagutin ang kanyang tanong.
"Ayon sa survey, 80% daw ng mundo ay naniniwala na ang mga angel ay nag-eexist. Ang mga anghel ay makapangyarihan kaysa sa mga normal na tao. Ito na nga ang tinatawag na mga archangel ayon sa mga Griyego, sila ang mga pinuno ng mga anghel na nagtataglay ng iba't ibang kapangyarihan gaya ng pagpapagaling at mga gabay sa araw-araw na buhay ng tao."
"Hindi bilang kung ilan ang mga archangel, pero isa lang ang alam ko, nakasaad sa aklat at kilala ng lahat ang pitong anghel na ito. Si Michael, Gabriel, Jophiel, Ariel, Azrael, Chamuel at si Raphael."
Nagtaas ng kamay ang isa sa mga estudyante.
"May nabasa po ako about kay Raphael, totoo po bang naparusahan siya dahil nilabag niya ang batas ng Diyos, may binuhay siya na dapat ay mamamatay na at lalong lalo sa lahat umibig siya sa mortal. Naging tao raw si Raphael at ngayon naninirahan siya sa mundo ng tao."
Nagulat si Faye sa ibinahagi ng kanyang mag-aaral.
"Magaling Jen! Napakaganda ng iyong nabasa ." nakangiti si Faye at sabay na tumingin sa labas ng bintana. Malakas ang hangin, tama lang siguro na ikwento niya ang kanyang karanasan sa mga bagay na ito.
"I'll tell you a story. Yung lalaki na ito, gustong-gusto niya yung babae, pero si babae naman batang kapatid lang ang turing sakanya. Dumating ang time na naaksidente ang lalaki at sobrang nagsisi ang babae."
"Siguro dahil na rin sa nireject niya ang lalaki kaya ayon, nagkaganoon nacomatose ang lalaki nang mabangga ito. Pero alam niyo ba na sa lakas ng bunggo ng sasakyan sakanya ay wasak-wasak na ang buto nito? Ang nakagugulat, nung na sa ospital na ay biglang nawala ang mga bale nito sa katawan. Hindi makapaniwala si babae dahil diba isa yung himala? Sa sobrang sakit na nararamdaman nitong si babae, pinuntahan niya ang lalaking na sa coma."
"At nung nakita na niya ang lalaki alam niyo kung ano ang nangyari?" sa sobrang ganda ng istorya ay humihikab na ang ilan, tutok ang kanilang tenga sa ending ng istorya.
"Namatay yung lalaki?"
"Nagpakamatay ang babae?"
"Pero di pa nga natin alam kung mahal din ba siya talaga ng babae?"
"Oo nga tama!"
"Ito lang yan. An angel did something like miracle!"
"Syempre yan ang topic natin eh."
"Pero Maam, totoo po ba yung story o gawa-gawa lang?"
"Hahaha. Magaling! Magaling yang mga hula niyo. So paano? Dito ko na muna iiwan ang story na ito, kayo na bahalang mag-isip." nakangiting sabi ni Teacher Faye habang nilalasap ang hangin na humahampas sa labas. Sigurado siya na may nagbabantay sakanyang anghel dahil naramdaman niya ito noong magkasama sila ni Miguel.
Perhaps the angel did something kay Miguel? Pinagaling ba niya ito? Nasaan na kaya ito noong huling gabi na tinutugis sila? Ang balita ay patay na raw, pero bakit umaasa pa rin siya na buhay ito dahil naniniwala siya na tinulungan sila ng isang anghel. Magulo ang utak ni Teacher Faye ngayon gaya ng ingay at bulungan ng mga mag-aaral na pilit hinuhulaan ang ending ng istorya.
Natapos ang klase ni Faye at sa labas ng eskwelahan ay may naghihintay sakanya, si Matt. Dala ang kanyang BMW ay pinagbuksan niya ng pinto ito.
"Thanks. Sobrang aga mo naman saan ba tayo kakain?" tanong ni Faye na nakahawak na sakanyang tiyan sa sobrang gutom.
"Know what, hindi naman tayo pupunta sa basta-bastang kainan lang, it's a resto Faye and I invited my mom and dad." ani ni Matt habang nakatulala lang ng tingin sakanya si Faye na gulat na gulat. Mag-jowa na ba sila para makilala niya ang parents ni Matt?
"Is there a problem?"
"W-wala Matt, sabi ko nga tara na! I would like to meet them."
Habang na sa biyahe ay nakatahimik lang si Faye. Si Matt naman ay nagtatanong ng kung ano-anong bagay kay Faye.
"Faye, you need to pursue your masteral for you to step-up sa may school. Good earnings at magandang credentials." saad nito habang binubuksan ang pinto ng resto para kay Faye.
"Matt, I told you dati pa na nag-teacher ako to teach and not to become rich. I hope you understand me darating din ako sa bagay na yan ,okay?" hinawakan niya ang pisngi ni Matt para hingin ang approval nito pero tumango lang ito na parang walang nangyari. He's acting like a boyfriend kahit nanliligaw pa lang naman siya.
On their way sa table ay nakaupo na ang parents ni Matt. Binati ni Faye ang mga ito. "Good evening po Tita and Tito!"
"Oh my God hija! how are you? Palagi kang kinekwento sa amin nitong si Matt." ani ng Mommy ni Matt.
"Talaga po?"
"Yes! You're kind and conservative. By the way we are so happy for you and Matt." sunod naman ng Dad ni Matt.
"We will ask you lang kung kelan niyo balak magpakasal?"
"Tita, Tito, hindi pa ba nasasabi sa inyo ni Matt?" paliwanag ni Faye.
"Ahmmmm. Ganito kasi Mom, Dad nililigawan ko pa lang kasi si F-Faye." nanginginig na sagot ni Matt samantalang si Faye naman ay ineempake na ang kanyang gamit dahil uuwi na siya. There's no point na mag-stay pa siya. Isa pa, hindi siya sigurado kay Matt dahil sa ugali nito.
"What the f*ck Matt, you told us na bibigyan mo na kami ng apo! You lied! Nililigawan mo pa lang pala si Faye." sigaw ng Mom ni Matt sakanya.
"Tita, Tito, Matt, mauuna na po ako." yumuko siya at agad na umalis na hindi manlang kumakain. Sa naiwang table ay sinesermonan nila si Matt.
"I thought she will accept my love today, but then again,----" sinampal siya ng kanyang tatay.
"Kahit na Matt, hindi ka sana nagsinungaling."