webnovel

ANG PAGDUDUDA

Madilim ang pagilid. Nakapatay ang lahat ng ilaw sa may bahay ng mag-ama. Ang tanging ilaw lang na nakaandar ay ang sa kwarto kung saan ginaganap ang operasyon.

Mag-aalas-singko na ng umaga. Nakaidlip lang ng ilang oras si Faye samantalang ang kanyang estudyante ay nakadantay sakanya sa may sofa at mahimbing na natutulog. Siguro'y bunga na rin ng takot at pagod na hindi na niya makikita pang muli ang kanyang ama.

Matagal din ang operasyon at hindi rin makampante si Teacher Faye. Hindi niya alam kung ano nang nangyayari. Kung tagumpay ba ang sinasabing operasyon o isa lang malaking kalokohan ang lalaking naka-itim na iyon. Pero hindi niya maitatanggi na ito na lang ang pag-asa dahil kung hinintay pa nila ang emergency ay malaki ang chance na mamatay na ito.

Sa kanyang pagdududa ay naglakad siya papuntang kwarto para silipin kung ano ba talagang nagaganap sa loob. Bahagyang nakabukas ang pinto at nakita niya ang pasyente na nasa maayos na kalagayan.

Tok! Tok! Tok! Naririnig ang bawat yabag niya. Laking gulat niya ng makita niyang nakasilip sa pinto ang lalaking naka-itim.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ng lalaki.

"Ahmm K-kasi gus-" nangangatal na sagot ni teacher pero pinutol siya nito.

"Nagdududa ka no?" sambit ng lalaki habang binubuksan ang pinto para ipakita ang pasyente. "Wag kang mag-alala mabubuhay na ng normal ang mag-ama." habang inaayos ang kanyang mga gamit para umalis.

"H-hindi naman sa ganon." hindi alam ni Faye kung ano ang tamang sasabihin nang hindi na-ooffend ang kausap dahil totoo naman talaga na wala siyang tiwala rito noong una. Mahirap nga naman kasi magtiwala.

"Sanay na ko diyan dahil yan ang tingin ng karamihan." sabay labas ng kwarto at balik ng perang bayad sa batang mahimbing na natutulog. Sinalat niya ang ulo nito at hinimas-himas na parang asong may ginawang tama.

Yumuko ang dalaga bilang paghingi ng tawad. "Patawarin mo sana ko kung nahusgahan agad kita. Nagpapasalamat ako dahil niligtas mo di lang ang buhay ng kanyang ama, pati ang estudyante ko niligtas mo na rin dahil binigyan mo siya ng bagong pag-asa."

"Hooh. Maliit na bagay binibini." ani ng doctor na ngayon ay palabas na ng pintuan dala-dala ang kanyang bag.

"Teka, pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" pigil nito sa lalaki habang hawak-hawak niya ang balikat nito.

"Ako?" nanlaki ang mata ng lalaki sa tanong ni Faye.

"Oo ikaw. Kung pwede sana gusto sana kitang pasalamatan sa maayos na paraan--" nahihiya nitong sabi.

"M---, Raphael" sambit nito.

Hinawakan ni Faye ang mask na suot nito dahil gustong-gusto niyang makita ang hitsura ng doctor. Muntikan na niya itong matanggal buti na lang ay bumalik siya sa ulirat at agaran din namang tinanggal ng doctor ang kamay ng dalaga. "Kung wala ka ng kailangan mauuna na ko." at sa isang iglap lang ay naglaho na ang doctor.

Si Faye naman ay binabagabag ng maraming tanong sakanyang isip. Magaan ang loob niya sa lalaki kahit na suplado ito sakanya. "Raphael?" sa isip-isip niya. Narinig na ba niya ang pangalan na yon?

Sa kanyang pag-iisip ay bigla siyang tinapik sa balikat ng kanyang estudyante. "Maam anong oras na po?" tanong nito." Sandali! Si Papa?" dito nagsimulang umiyak ang kanyang estudyante at matakot pero nawala ito ng makita niyang nakadilat sa kanilang kwarto ang kanyang ama.

Hindi niya alam ang gagawin sa sobrang galak. Magaling na ba talaga ang itay? Totoo ba to o panaginip lang kaya naman sinalat niya ang pisngi nito.

"Pa! gising ka na nga pa!" habang niyayakap ng pagka-higpit ang kanyang ama na unti-unti nang bumabagsak ang luha.

"Salamat anak! Maraming salamat hindi mo iniwan ang Papa.." malungkot nitong sabi.

"Pa! Alam mo ba niligtas ka ng lalaki. Yung naka-itim Pa! Sobrang cool niya po at kung hindi ako nagkakamali isa siyang napakagaling na doctor dahil sabi ng mga doctor niyo po hindi na raw kayo gagaling!" patuloy na kwento ng bata habang nakangiti naman sa likod ang kanyang Teacher na naiyak na rin para sa sinapit ng mag-ama.

"Maam, humihingi po ako ng pasensya sa abala na nadulot namin ho sainyo." paumanhin ng magulang.

"Ahmm. Nako! Nako! hala wala po yon tay magpasalamat po kayo sa doctor na nagligtas sa inyo." nakangiting sabi ni Teacher Faye. "Malapit na rin po pala mag-umaga mauuna na po ako. Miguel lumiban ka muna sa klase at alagaan mo muna ang Papa mo okay?"

"Okay po Maam!" magiliw na sagot ng kanyang mag-aaral.

Tuluyan na ngang nilisan ni Faye ang bahay ng mag-ama at kasalukuyan na siya ngayong pabalik sa school dahil wala ng time para umuwi pa siya. May extra na uniform naman siya sa school at doon na rin siya maliligo.

Pagdating sa paaralan ay binati agad siya ng kanyang mga estudyante na papasok.

"Good Morning Maam!"

"Maam anong nangyari sa inyo?"

"Huh? Ms. Beautiful ngayon lang yata kayo naging haggard sa tanang buhay niyo dito?"

"Magandang umaga rin. Sasagutin ko na ba ang tanong niyo ?" biro ni Faye na agad namang sinundan ang kanyang sagot. " Wala lang, nakakapagod lang kasi maging maganda araw-araw alam niyo yon nakakasawa? I need rest mga anak." pabiro nitong sabi habang naghahagalpakan ng tawa ang mga mag-aaral.

Inamoy niya ang kanyang kili-kili. Ah, mabango pa rin naman kahit medyo humahalo ang amoy ng isaw na kinain niya kagabi. Sa kanyang paglalakad ay nakasalubong niya si Matthew, ang co-teacher niya na sa murang edad ay marami ng nakamit sa buhay nang dahil sa angkin niyang talino. Matagal ng may pagtingin kay Faye at kaunti na lang ay malapit na niyang sagutin kung hindi lang dahil sa sinet niyang standard na sa age of 30 pa siya papasok ng relationship.

"You look pretty as always." bungad nito habang may abot-abot na chocolate.

"Ke-aga-aga wag mo akong asarin diyan!" habang hinahampas ang braso ni Matthew. "Chocolate? Hala naman. Paano pag hindi nako sexy edi lulubayan mo na ko?" pang-aasar ni Faye. Ayaw kasi ni Matthew sa matataba, hindi niya alam kung bakit.

"Ouch! hindi naman mangyayari yon dahil si Teacher Ji ang kumakain niyan." sagot nito na parang dissappointed.

"Oh edi wag ka na lang kaya magbigay kung ayaw mo. Madali naman akong kausap." pagtataray nito habang papasok sa kanilang faculty.

"Hay nako! Ang aga-aga naglalandian na naman kayo!" sigaw ni Teacher Ji na sa sobrang taba ay sobra ang katawan sa kanilang upuan.

"Hoy hindi ah!"

"Bakit kasi di mo pa sagutin yan, ang tagal ng nanliligaw niyan ni Matt" pilit ni teacher Ji

"Wala pa nga sa priorities ko yan Teacher Ji." paliwanag ni Faye. "Sayo na lang kaya tong puso ko?"

"Hoy! katawan at fes mo na lng kaya. Di ko need yang puso mo na ayaw magmahal." pabirong sabi ni Teacher Ji.

"Tama na yan. Willing naman ako maghintay kahit pumuti na buhok namin dalawa." ani ni Matt na sinundan naman ng kilig sa buong faculty room.

"Ah basta maliligo nako." at agad ngang dumiretso si Faye sa CR para maligo.

Chapitre suivant