Tapos na ang klase ni Faye. Binabagabag pa rin siya sa nangyari kanina. Nakakahiya sa isip-isip niya. Napansin ng dalawa ang pagiging tahimik niya kaya naman kinausap nila ang kaibigan.
"Faye kanina ka pa hindi kumikibo." ani ni Sophia
"Oo nga bakla anong problema? " sunod naman ni Andrei.
"Wala to! Anuba kayo! " sagot ng kaibigan habang nakatawa ng pilit.
"Ang oa ng tawa mo bakla ah." banat naman ni Andrei.
"K-Kasi naman iniisip ko yung kanina! Hindi ko dapat iniisip yun eh!" paliwanag niya habang sumisigaw.
"Wag kang sumigaw Faye malapit lang kausap mo ok?" sabi ni Sophia para kumalma siya.
"Anong iniisip mo bakla? Omeyged is dis lovelife?" tanong ni Andrei habang nakanga-nga.
"Si ano kasi-- si Miguel."
"Ayyyyyy!" di naiwasang matili ni Andrei sa narinig, crush niya kasi si Miguel simula noong nakita nila.
"Pinopormahan ka ba ng batang yon?" tanong ni Sophia sa kaibigan.
"Hindi noh! sa itsura kong to tsaka imposible nga diba wala akong balak maattach sa kahit na sinong lalaki."
"Weh? Kahit na may dumating ngayon? Oh edi ano na?" ani ni Andrei.
"Wala lang. Kulang lang siguro ko sa tulog nung nakita ko siya kanina sa may locker room. Wala basta kalimutan niyo na." sambit ni Faye.
"Sigurado ka bes ah?" tanong ulit ni Andrei nang biglang nakita nila si Miguel sa labas ng gate ng eskwelan.
"Andito pala yung bebe mo." bulong ni Andrei sa kaibigan.
"Lubayan mo ko Andrei sasampalin kita tingnan mo lang." banta ni Faye habang sinusuntok-suntok sa tiyan ang kaibigan.
"Osige na mga bakla babush!" paalam ni Sophia na sinundan naman ni Andrei.
"Magtira ka para sakin bakla ha! Getching?"
"Layas!" pagtataboy ni Faye.
"Nga naman oh, sa luwang ng campus makikita na naman kita." sambit ni Miguel habang patungo sa direksyon ni Faye.
"Tinanong mo ba kung gusto rin kitang makita?" sagot naman ni Faye.
"Ha ha ang suplada mo talaga." ani ni Miguel na tumatawa pa.
"Tawa ka diyan, tara?"
"Saan naman tayo pupunta?" tanong ng binata.
"Diyan lang sa kanto kaunting lakad may ihawan." banggit nito habang nakangiting itinuro ang daan papunta.
"Madadaanan naman pala natin tara na!"
"Woahhh. Excited lang? Hindi ka nga yata kumakain ng mga ganon." pang-aasar ni Faye.
"Anong akala mo sakin?!" tumakbo lang si Faye papalayo at inasar si Miguel. " Kapag nahabol kita makikita mo!"
"Ops ops wait time out! Sige na panalo ka na." pagsuko ni Faye dahil naabutan siya ni Miguel. "Oh andito na pala tayo, hello kuya!" bati nito sa nagtitinda ng ihaw.
"Pili lang po Maam!"
"Kuya di pako teacher mas excited ka pa sakin char lang!" biro ng dalaga.
"Nakakatampo ka kuya hindi mo na naman yata ako pinagtira ng isaw."
"Maam kayo pa ba?" pagmamayabang ni Manong habang nagpapaypay ng baga.
"Ayun! kaya sayo ko eh." nakangiting sabi ng dalaga sabay kindat. Medyo tumigil ang mundo ni Miguel sa kindat na iyon kaya naman kinamusta siya ni Faye.
"Huy! Huy! Ok ka lang? Baka napipilitan ka lang kumain dito pwede kang magsabi?" paninigurado ng dalaga dahil ilang segundo rin natulala itong kasama niya.
"Wala ok lang ako pramis." sabay ngiti para hindi na mag-alala ang kasama.
"Pumili ka lang diyan, tapos bayaran mo!" ani ni Faye dahilan para mapatawa si Miguel sa kakulitan nito. "Joke lang ito naman! ako ng bahala sayo ok."
"Ano bang masarap dito?"
"Hmmm. Ako paborito ko kila kuya yung isaw nila!" masayang rekomenda nito.
"Talaga? Kuya bigyan mo ko ng... apat." Matagal na ang huling pagkakataon na kumain si Miguel nito. Kasama ang kanyang pamilya noong sampung taong gulang pa lang siya.
"Ang dami kaya mo yon?" gulat na tanong ni Faye.
"Ah oo tama na sakin yan."
"Kuya sakin alam mo na ha!"
"Opo Maam sampung isaw at isang paa!" sabay na banggit ni manong at ni Faye na ikinagulat ni Miguel. Grabe naman yung babae na ito sa isip-isip niya.
Habang nagpapaypay si kuya ay lumiyad itong bahagya para abutin si Faye at sabayan ng bulong.
"Hindi mo ko sinasabihan. Boyfriend mo?"
"Ha? Hindi kuya kaibigan ko lang yan!" bulong ng dalaga na hindi na nga masasabing bulong dahil medyo naririnig na ito.
"Totoo ba yan? Sus eh ang pogi niyan."
"Wala ba kayong tiwala sakin kuya? Wow porket pogi? Judgemental ka kuya!" bulong ni Faye na ikinatawa nilang dalawa.
"Dahil tapos ka ng tsumismis wala bakong discount?"
"Meron ikaw pa ba!"
"Ano naman libre ko kuya?" maganang tanong ng dalaga.
"Libre na ang suka!" ani ni kuya na napatawa naman si Miguel sa isang tabi.
"Miguel tara na lilipat tayo ng ibang ihawan." utos ni Faye.
"Tong si Maam! Luto na oh."
"Yehey!"
Lumagi rin ng kalahating oras ang dalawa sa pagkain sa ihawan. Si Faye tapos ng ubusin ang sampung isaw at isang paa. Samantalng si Miguel, may natira pang isang stick na kinain naman ni Faye.
"Feeling ko may hepa ka na." sambit ni Miguel.
"Bente nga normal ko ano ka ba." sagot naman ni Faye.
"Let's go?" yaya ng binata.
"Uuwi na tayo kaagad?" tanong ng dalaga na lumukot ang mukha sa narinig.
"Hmm gabi na rin kasi baka pagalitan ka ng magulang mo." paliwanag ni Miguel.
"Sabagay... Oh! 9pm na pala eh 10 pm ang curfew ko!" sigaw ng dalaga na agad namang pagsabay ng malakas na buhos ng ulan."Patay naiwan ko payong ko."
"Sandali bibili lang ako sa convenience store." agad na tumakbo si Miguel sa malapit na tindahan para bumili ng payong. Maya-maya pa ay bumalik na si Miguel pero wala itong dalang payong.
"OMG basang-basa ka Miguel dito ka muna sandali!" sigaw ni Faye sa papalapit na si Miguel.
"Wala ng payong sa tindahan. Manghiram na lang tayo kay Kuya?"
"Kuya, pahiram naman kami ng payong oh? Naiwan kasi namin yung payong. Mukhang hindi rin naman kasi uulan."
"First rain." ani ni Miguel na sinang-ayunan naman ni Faye.
"Maam, isa na lang ang payong dito at medyo maliit lang ito pang isang tao lang." paliwanag ni kuya.
"Okay na po yan, thank you po!" pasasalamat ng dalawa.
Binuksan ni Miguel ang payong at pumasok na rin si Faye. Magkalayo ang pagitan nila at kalahati sa katawan ni Miguel ay nababasa.
"Lumapit ka kaya ng bahagya Miguel nababasa ka na oh." sambit ng dalaga. Medyo matagal din bago lumapit ang binata dahil nahihiya ito.
"Dali na mababasa ka." tinulak niya ito papaloob dahilan para magbanggaan ang kanilang mga pisngi. Naisip na rin ni Faye kung bakit di makalapit si Miguel. Nakakahiya nga! bakit ngayon lang niya narealize na para silang magjowa!
Sa wakas ay tumila na ang ulan at sa crossing ay maghihiwalay na sila.
"Salamat sa pagsama at paghatid!" ani ni Faye na mamula-mula pa ang pisngi sa hiya.
"Sandali-"
"Ano yon?"
"Dalhin mo na tong payong baka tumuloy ang ulan." iniabot ni Miguel ang payong pero tinanggihan ito ng dalaga.
"Ikaw nga tong nabasa na dahil sakin, sayo na yan." nakangiting sabi nito habang nagpipilitan sila kung sino ang kukuha ng payong. Bandang huli ay kinuha na rin ito ni Faye kahit na nakakahiya
"Wag ka nang mahiya, kakanood mo yan ng kdrama eh." nakangising banat ni Miguel at humarurot na ito sa paglalakad papalayo.
Si Faye naman, natulala sandali sa isang tabi habang iniisip ang sinabi ng binata. Masyado na nga ba siyang nasobrahan sa kdrama at pati payong eh naisipan niya ng bagay na iyon na nangyayari lang sa mga drama?
Kasi naman, sa drama lang naman talaga nangyayari yung mga ganong senaryo. Kaya basta kapag isa lang payong , iwasan na yan hanggat maaari sa isip-isip ni Faye.