webnovel

CHAPTER 10

Napasiksik siya sa unan at niyakap ito. Mejo napaungol siya nang hindi ganon kalambot ang unan na niyayakap kung saan pinagsisiksikan ang sarili. Napabalikwas siya bigla nang marealized na nakatulog pala siya sa sofa bed. Nakarinig siya ng mahinang tawa at agad na napatingin sa inaakala niyang unan. Si Saga pala iyon at nakatopless pa habang nakangisi sa kanya.

"What are you doing hear," nag-iinit ang mukhang asik niya dito. Umiwas siya nang tingin at akmang aalis ngunit hinila siya nito dahilan para mapasubsob siya sa dibdib nito. "Let me go," galit na utos niya dito.

" It's still early, you should rest a bit more," malambing na sabi nito na ikinanuot ng noo niya. Kanina lang ay sobrang lamig ng pakikitungo nito sa kanya pero ngayon bumalik ulit ito sa dati.

Inayos nito ang pagkakahiga niya kaya ngayon ay nakaunan na siya sa kaliwang braso nito. Umayos ito ng pagkakahiga para humarap sa kanya at iniyakap pa ang kanang kamay sa tiyan niya. Hindi niya alam kung pano magrereact sa paglalambing nito kaya nakahiga lang siya na parang tuod at di tumitingin. Napansin niyang wala na pala siya sa cinema room kung saan siya nakatulog at ngayon ay nasa kwarto na ng lalaki. "Sleep," utos nito nang mapansing nakadilat pa din siya.

"I can't," namamaos na sagot niya dahil ito naman ang totoo. Sino ba naman kase ang makakatulog pang muli kapag ganitong may nakayakap at nakatitig sa tabi niya? Bukod pa don ay hindi niya inexpect na malambing na ito sa kanya dahil kani-kanina lang ay sinusungitan siya.

"You just slept for 2 hours," sabi nito na ikinanoot ng noo niya.

"Don't tell me you're here the whole time," pabirong sabi niya dito para ibsan ang awkwardness na nararamdaman niya sa posisyon nila pero lalo siyang naawkwardan nang tumango ito. Bigla din siyang naconscious dahil kung tumabi ito sa kanya sa buong pagtulog niya, baka may kakaiba na pala siyang amoy dahil hindi pa siya naliligo at nakakapagpalit man lang dahil nakatulog siya bago pa makaligo at makapagbihis. "I'll take a bath now," mabilis na sabi niya at pilit kinakalas ang pagkakayakap nito sa kanya kaso imbes na pakawalan siya ay pinulupot pa nito ang kanang paa dahilan para mas lalo siyang ma-trap. "What are you doing?" gulat na tanong niya.

"Let's just stay here for a while," sagot nito at nanlaki ang mga mata niya nang isiksik pa nito ang mukha sa leeg niya. Sobrang conscious siya ngayon sa amoy niya kaya pilit siyang lumalayo.

"H-hey, I might stink," nahihiya at nauutal niyang turan dahilan upang mapatawa ito ng mahina pero mas lalo pang isiniksik ang mukha.

"Don't worry, you smell nice," bulong nito at suminghap pa ito sa leeg niya para amuyin siya. Nakiliti siya sa ginawa nito kaya di niya maiwasang mapatawa. Kung may kiliti siya ay iyon ang bandang leeg niya. Napatigil ito at inilayo ang mukha sa leeg niya para tignan siya. Nakangisi ito at nangingislap ang mga mata at tila may masamang binabalak.

"Oh no, don't you dare!" banta niya nang mabasa ang iniisip nito. Nginisian lang siya nito at napasigaw siya nang isiksik nitong muli ang mukha sa leeg niya. Halos hindi na siya makahinga sa kakatawa nang sa wakas ay huminto ito. Hinabol niya ang paghinga at pilit nilalayo ang leeg sa lalaki. "S-stop," nauutal at natatawa niyang tutol dito. Mas humigpit ang yakap nito sa kanya at napadilat siya nang nagbago ang ginagawa nito sa leeg niya. Hindi na nito kinikiskiss ang stubbles sa mukha na siyang dahilan ng pagkakiliti niya kundi hinahalikan na siya nito. Ang kaninang magaan na sitwasyon nila ay biglang uminit. "W-what are you doing," tanong ko.

"I missed you," anas nito at inamoy siya. Nilayo nito sa wakas ang mukha sa leeg niya upang titigan siya. Di naman niya magawang tumingin dito kaya nagfocus siya sa pagtitig sa kisame. Tinaas nito ang kanang kamay na nakayakap sa kanya para hawiin ang mga hibla ng buhok na napunta sa mukha niya. Nang maalis nito ang mga hibla ay bumaba naman ang daliri nito sa labi niya. Doon naman ang pinagtuunan ng daliri nitong haplusin at hindi niya maiwasang mapapikit sa sensyasyon na naidudulot ng paghaplos nito sa kanya. "Who is that Marcus guy?" biglang tanong nito pagkatapos ang mahabang katahimikan. Napamulat siya ng mga mata at biglang napabaling dito.

"What?" nagtatakang tanong niya.

"Who is that Marcus guy?" ulit nito habang nakakunot na ang noo. Tila may kung anong inis sa ekspresyon nito sa pagbigkas ng pangalan ni Marcus.

"He's one of my groupmates in the hospital," nagtatakang sagot niya.

"He likes you," hindi pagtatanong kundi statement ang pagkakasabi nito. Napakunot-noo siya dahil tila bata ito ngayon sa itsura nitong nakasimangot at tila nagtatampo.

"He's just a friend," natatawang sabi niya pero hindi pa din nagbabago ang ekspresyon nito. Tila nagseselos ito sa inaakto at parang hindi ito ang tipong seloso.

"He doesn't look at you as a friend," hindi pa ito din kumbinsido.

"You don't know that," mejo naaliw na tanong niya dito. Totoong tila may gusto ito sa kanya dahilan kung bakit sila tinutukso ng mga kagrupo nila pero para sa kanya ay kaibigan lang ito.

"I know because I'm a guy," pamimilit nito.

"Maybe you're right but I don't see him like that," paliwanag niya pero mas lalong napakunot-noo ito.

"You should stay away from him," utos nito na ikinataas ng kilay niya.

"That won't happen," mariin namang sabi niya. Lumuwang ang pagkakayakap nito sa kanya hanggang sa tuluyang kumalas ito at humiga paharap na din sa ceiling, katulad ng pwesto niya.

Kitang-kita niya kung pano gumalaw ang mga panga nito at pumikit. Mukha itong galit muli sa kanya at saka niya napagtantong kaya pala ito masungit simula kaninang sinundo siya ay dahil kay Marcus. Narinig nito kung paano sila tuksuhin kaya nag-iba ang timpla. Napabuntong-hininga siya at bumangon para umupo paharap dito. Hindi pa din ito nagmumulat ng mga mata kaya sigurado siyang galit ito.

"Look," panimula niya. "There is nothing going on between Marcus and I. It's true that he might like me but I don't like him like that," paliwanag niya. Hindi niya akalaing nagpapaliwanag siya dito na paang totoo silang magkasintahan. "He's just a friend to me and I know he knew that that's why he's not making a move. And if in case he'll make a move, I'll tell him straight that I'm not interested because I'm already engaged," pagtatapos niya. Napahinga siya ng maluwag nang sa wakas ay magmulat na din ito ng mga mata.

"Why can't you just not talk to him?" may inis pa din sa boses nito.

"I can't do that," mejo natatawang sabi niya. "I told you he's my friend and beside, we're groupmates so that's impossible," paliwanag niya ulit.

"Fine," napipilitang sabi nito sa wakas.

"Is that why you're so cold to me this morning?" tanong niya. Alam na niya ang sagot pero di niya alam kung bakit gusto pa ding marinig galing dito ang sagot.

"I was mad hearing your friends teasing the both of you. I thought you like him too," pag-amin nito na ikinataas ng kilay niya.

"What made you think that?" nagtatakang tanong niya.

"You're letting them tease you and you're not wearing your ring," inis na sagot nito na nakapagpatawa sa kanya.

"I'm wearing it alright," natatawang sagot niya at nilabas ang kwintas na nakasuot sa kanya. Ginawa niya kase itong pendant. Hindi kase advisable na magsingsing siya sa nature ng ginagawa nila.

"That's not the proper way to wear it," pamumuna nito.

"I know but I can't wear it while on duty," paliwanag niya. "I might lose it."

"Fine," sa wakas ay pagsang-ayon nito. "But make sure to wear it after duty so that that Marcus guy will see it," utos nito na ikinailing-iling niya. Hindi niya inakalang may pagka-possessive ito pero nagtataka siya dahil okay lang sa kanya at ang totoo ay naaaliw pa siya.

"Opowz," pabiro at pairap na pagsang-ayon nito. Sinimangutan siya nito at tinawanan lang niya.

"Where are you going?" tanong nito nang umalis siya sa kama.

"I'm going to take a bath," sagot niya pero napatigil din dahil hindi naman niya alam kung nasaan ang banyo.

"Where's your bathroom?" tanong niya dito dahilan para ngumiti ito ng pilyo. Tumayo na din ito mula sa pagkakahiga at lumapit sa kanya.

"I'll take you," mapang-akit na bulong nito nang makalapit sa kanya at yumuko para bumulong sa tenga niya. Tila nagtayuan naman ang mga balahibo niya at alam niyang may binabalak itong iba. Napalunok siya at bahagyang napahiyaw nang bigla siya nitong buhatin.

Chapitre suivant