webnovel

Forget me

WALANG pakundangang hiniwa ni Jyra ang lalamunan ng isdang nadampot para tanggalin ang bituka. Nanggigigil siya. Lalo dahil naaalala na naman niya ang sinabi ni Winona. They slept in one bed. Kumatas ang dugo ng isda sa kamay niya, pero wala siyang pake. Binulatlat niya pa ang tiyan ng isda para makuha ang natitirang hasang.

"Kawawang isda."

Tinaasan niya ng kilay ang nagsalitang si Colin. Nakangisi ito sa kanya habang umiiling. Saglit lang itong nanatili roon para uminom at muling umalis.

She bit her lower lip thinking if she's doing it right or not. Kumpara kasi sa pagtanggal ni Winona noon sa bituka ay kaparehas naman ng ginagawa niya ngayon. Pero bakit ang gawa niya ay parang balahura at madumi tingnan. Halos mawasak na rin ang ulo ng isda sa paghila niya.

Habang hinihugasan ang mga isda ay sumulyap siya kay Malik. Nakatalikod ito sa kanya habang kausap 'yung lalaking nakaharap naman sa gawi niya.

They looked serious. She's wondering why he's keeping here instead of staying with Winona. She bitterly put some salt and pepper on the fish; rubbing it harshly. Bahagya siyang natigilan noong lumapit sa kanya si Malik, pinanood ang ginagawa niya.

Goodness, gracious. Nagpatuloy siya sa ginagawa pero marahan at buong pag-ingat. Taliwas sa totoong nararamdan, her heart was beating erratically as if it will break her ribcage.

Sinulyapan niya ang kaninang kausap nito. Nakatingin din ang lalaki sa kanya pero ilang saglit pa'y umalis na rin.

"They look delicious."

Malik's deep and matured voice filled her system. It makes her almost jump. "Tingin mo? Mukha ngang nilapastangan." She chuckled with her choice of words trying to ease her nervousness.

Tumawa rin si Malik at lumapit para tulungan siya sa uling.

"Used this-" Knife. Hindi niya tinapos ang sasabihin nang walang kahirap-hirap si Malik sa pagpunit ng plastic ng uling gamit ng malalaking daliri nito.

She can't help but watched his firm moves. He's back was facing her now. Too busy to notice what she's doing. She explored his body; from butt to thigh going down to his toe. They were in the right places screaming its hardness and sturdy.

Gumalaw ito patagilid kaya't mas nagkaroon siya ng view sa harapang bahagi. She fixed her eyes on his angry veins on his hand. It's very tempting from their small distance. She wanted to trace them using her finger.

Lumingon sa kanya si Malik.

Nahuli nitong nakatingin siya kaya binalingan niya ang suot na gloves. Tinanggal niya iyon upang ipatong sa gilid. Goodness gracious! Ang bilis ng tibok ng puso niya.

Umihip ang panghapong hangin. Naamoy niya tuloy ang langsa ng isda na kumapit sa braso niya. She felt stinky all of a sudden. Pakiwari niya ay ang baho niya na at amo'y malangsa. Tumingin siya sa inihandang isda. Gusto niyang kunin iyon, ang kaso'y nasa tabi ito ni Malik.

Pumikit siya ng mariin. Nasaan na ba kasi si Shawn? Bahala na nga. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita, "I realized you don't have to do that. Mangangamoy usok at isda ka. Tsaka, baka hanapin ka ni Vika. Ako na."

Umakma siyang kukunin ang isda nang biglang damputin iyon ni Malik. Muli itong umuklo para kuhanin ang pamaypay. Walang kahirap-hirap na napabaga ang mga uling. "It doesn't matter. Kung hahayaan kita... baka abutin ka ng siyam-siyam sa pagpapabaga palang."

Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Is he insulting me or what? Hilaw siyang humalakhak. "And you think I can't do that?"

Aamba siyang kuhanin ang isda ang kaso'y nailagay na ni Malik sa grill. Ang tunog ng uling na nahulugan ng katas ng isda ang nagsilbing ingay sa pagitan nila. Patay malisya itong nagpatuloy sa pagpaypay bago tumingin sa kanya.

His sexy hawk eyes boring at her sends a shiver down her spine.

"Bahala ka. Mangangamoy isda ka," aniya, mahihimigan ng pait ang boses. Before tearing off her eyes with him she saw a ghost of smile on his lips.

How could he look hot in her eyes even if she's mad at him? And where did he have his guts to smirk at her?

Umupo siya sa isa sa mga sun lounger habang nakahalukipkip. Napansin niya ang nagkakasayahang sila Pao at Fred. They were trying the surf board, but they seem new to it. Nalalaglag sila at parehas nababatukan kapag hindi magawang makatayo ng matagal doon.

Umilag siya sa humarang na baso sa harapan niya para panoorin si Colin na nagawang makasampa.

"Akala ko ba gusto mo ng Pena colada?"

Nagtataka niyang nilingon si Shawn. Nakataas ang kaliwang kilay nito sa kanya. Napansin niya ang hawak nitong isang case ng corona at sa kabila naman ay ang kanya juice.

Kinuha niya iyon. "Thank you!"

Sinundan niya ng tingin ang kapatid na hinihila ang isang monoblack palapit sa puwesto ni Malik. Nagbukas ito ng dalawang bote. Ang isa'y tinutungga na habang ang isa'y inaabot kay Malik.

They seem brother by blood. She did recall how Shawn was so excited for him to meet her. He even tags Malik as the favorite friend.

Sumali sa grupo nila Shawn si Carl na may bitbit na surf board. "Hindi pa ba tapos 'yan? Tara na."

Kumuha ng isang bote si Shawn at inabot dito.

Umiling si Carl. "Mamaya na 'yan. Tara na sa dagat."

Tumango ang dalawa sabay na sumulyap sa kanyang bigla nalang hinawakan ang surf board. "Marunong ka nito Shawn?" Sinubukan niyang hawakan iyon ang kaso'y nabigatan siya.

"Ano ka ba, Winona. Itong si Malik at Shawn ang isa sa mga magagaling sa sports. They know how to swim, surfing, horseback riding... kahit ano 'wag lang basketball," mahabang paliwanag ni Carl.

"Anong hindi sanay? Kaya pala muntik ng makabuntis si Shawn," si Colin, ngumingisi sa kasamang hindi kilalang babae.

Hinagisan ito ni Shawn ng isang boteng nasalo naman.

"Don't mind him, Winona. Sanay akong mag-surfing" - Tinuro nito si Malik - "pero mas magaling si Malik sa akin. May award siya sa Hawaii last-last year yata?"

Hindi niya na napigilang tingnan si Malik na busy sa pagbaliktad ng mga isda.

Anong talent ang hindi niya kaya? Basketball din kaya? Tumingin siya sa karagatan. "Gusto ko rin matutunan ang surfing kaso... kailangan ko munang matutong sumisid."

"Gusto mong turuan kitang sumisid?" Si Colin.

"Hindi ikaw Colin." Binalya ni Shawn ang bote sa dibdib ni Colin bago humarap sa kanya. "I will ask my lady friend to teach you. She's a good swimmer, though."

Tumango siya. Napatingin kay Malik na ngayon ay tinutusok ang isda. She's disappointed that Malik don't care. His opinion was kind of important for her. Tumagos ang tingin niya sa grupo ng kababaihang nakatingin kay Malik. Nagbubulungan ang mga ito matapos ay kikiligin.

Namilog ang mata niya noong lumapit ang isa roon kay Malik. Noong una ay hindi yata narinig ni Malik kaya noong umikot ang babae sa harapan ay napahinto na ito sa kanyang ginagawa.

Nagtangis ang bagang niya dahil talagang ini-entertain ni Malik ito.

"Really? Oh my, kailan?" rinig niyang wika noong babae.

Umalis siya doon para kuhanan ng picture si Fred na nagagawa nang sumampa sa board niya. She even waved to them when they called her name. Her happiness suddenly fades when she realized she's nobody for him. She's not his Hermosa anymore.

"Nariyan na sila!"

Nilingon niya ang tinuturo ni Fred. Malik and Shawn were pulling their own surfboards on the shore. They're both talking about something while floating on the water. For a couple of minutes, they stayed like that until they notice a big wave.

Napako ang paningin niya kay Malik. He's sharp and iron clad arms stroking the water was very sexy. Magkasabay silang tumayo ni Shawn, at kapwa handa para salubungin ang alon. Nahigit niya ang hininga nang tumaob si Shawn at naiwan si Malik.

Malik perfectly glided on the waves as if they were his friends to trust his life. His body was shining because of the heat of the sun that enhances his stance to become hotter while gliding the next waves.

He's sexy in everything he does. Why, Malik? Why?

Tumalikod siya roon para bumalik sa unit niya. She's not feeling well, that is her alibi but the truth she's afraid to face Malik. She doesn't want to see him anymore. Winona and Malik have mutual understanding; if she intrudes their friendship will be ruin. At para mapigilan iyon, kailangan niya ng kalimutan si Malik. Dalawang araw nalang makakaya niya iyon para kay Winona at para sa ikatatahimik ng mundo niya.

Buong gabing hinarap niya ang email para sumagot sa ilang emails ng secretary niyang si Roena. She hired her when she's on Dubai. Kasama niya itong bumalik sa Pinas, pero nanatili ito sa office niya sa Manila para i-send lahat ng importanteng kakailanganin ng pirma niya.

Kinabukasan ay masakit ang ulo niya. She even noticed the grilled fish on the fridge. Maybe Shawn put it there for her to eat. Hindi siya kumain kagabi, wala siyang gana kaya ngayon ay parang may gera sa tiyan niya. Hindi niya iyon pinansin, may bahid kasi ni Malik iyon.

Tumawag siya sa restaurant para magpa-deliver. In fewer fifteen minutes the food arrived. Habang hinihimay ang ilang emails ay kumakain siya. She even sends a message to Shawn.

Shawn: Are you really alright? You don't seem sick last night.

Namilog ang mata niya sa mensahe ni Shawn. Nanginginig siyang nagtipa sa cellphone.

Winona: Where are you?

Tumayo siya para sumilip sa bintana. Luckily from afar, she saw Malik and Winona walking on the shore, hands were intertwined and seem happy.

Just, wow! Hindi siya umalis sa puwesto bagkus ay pinanood niya ang marahang paglalakad ng mga ito. Napansin niya ang umaalon dress na suot ni Winona. Is she showing her ass in that dress and Malik let her wear it? She mockingly laughed and immediately hides when she felt Malik caught her peeping.

Ang lakas ng kalabog ng dibdib. That's impossible. He doesn't know my room. He has never been here.

Naagaw ng atensyon niya ang mensahe ni Shawn.

Shawn: Pumunta kami ni Malik sa kuwarto mo para ibigay 'yung isda, kaso tulog ka na.

Agad siyang lumingon sa bintana dahil sa nabasa. So, he knew? Tuluyan siyang nanghina at napaupo sa sofa habang tulala. Great! You're so great, Shawn.

Chapitre suivant