webnovel

Chapter 368

"Hon, pauwi ka na?" Text ko kay Martin nung makita ko yung relo na nasa five na ng hapon. Maya-maya tumutunog na yung phone ko timatawag na si Martin.

"Miss mo na ko?" exited na sabi ni martin nung sagutin ko yung tawag niya.

"Syempre hindi!" pambasag ko sa kanya.

"Grabe ka naman sakin, Hon!" malungkot na sabi ni Martin na para bang iiyak kaya di ko mapigilang matawa dahil dun.

"Haha...haha... ang OA mo, alam mo ba yun?"

"Paanong naging OA? EH gusto ko lang naman malaman kung namimiss mo ko."

"Sa dalawang taong nga nating paghihiwalay di nga kita na miss!" pang-aasar ko kay Martin pero matapos ko yung sabihin di na siya kumibo kaya inalis ko muna yung phone sa tenga ko para tingnan kung konektado pa ba yung tawag baka kasi naputol na kaya di siya sumasagot pero pagtingin ko konektado parin.

"Hon, galit ka?" sabi ko pero wala parin akong nakuhang response sa kabilang linya. Nagyon ko lang nasigurado na nagalit na talaga siya kaya iniignore niya ko kaya di ko nanaman mapigilang matawa.

"Joke lang yun, ikaw naman!" pag-aalo ko sa batang nagtatampurorot.

"Joke eh mukang totoo naman yun kasi nga di mo man lang ako minassage nung simula ng umalis ka." Bigla tuloy akong natigilan at napa-isip.

"Oo nga pala di ko nga pala siya minassgae simula ng umalis ako, pero wait siya din naman ah." sabi ko sa isip ko kaya di ko mapigilang gantihan din siya ng tanong, "Bakit kaw din naman di mo ko minassage ah?"

"Eh hinihintay ko message mo eh!" sagot niya sakin.

"Eh di hinihintay ko rin message mo!" ganting sabi ko sa kanya, maya-maya naririnig ko na lang yung buntonghininga ni Martin sa kabilang linya kaya muli nalang ako nagsalita.

"Mabalik tayo sa topic, pauwi ka na?" muli kong tanong sa kanya para change topic na kaming dalawa.

"Di pa, may tinatapos pa ko!" malungkot na sabi ni Martin.

"Over time ka?"

"Baka mga six, uwi na ko. Di mo ba talaga ako na-miss?" lambing ni Martin sakin.

"Syempre na miss," sagot ko nalang kasi alam ko kapag di ko pa yun sinabi magtatampo na talaga yun ng sobra.

"Miss na din kita!" masaya na niyang sagot sakin kasi napagbigyan ko na yung gusto niya.

"Oh siya, tapusin mo na yang ginagawa mo at sabay na tayo maghapunan."

"Mauna ka na Hon, baka kasi gabihin ako!"

"Sabay na tayo, hintayin kita!" pagpupumilit ko, paano di na nga kami nagsabay magbreakfast, di rin kami sabay magtanghalian pati ba naman hapunan di parin. Buti pa nga nung mag-jowa palang kami nagsasabay pa kami mag-dinner ngayong mag-asawa na kami dapat nga mas sabay kami kumain.

"Oh sige bilisan ko ito para bago mag eight diyan na ko."

"Sige, ingay ka!"

"Sige, love you Hon!"

"Love you too," sagot ko bago ko binaba yung tawag. Pagkatapos nun ay saka ako nagbilin kay Manang Susan na mamaya na siya magluto mga six thirty para pagdating ni Martin maiinit pa yung pagkain.

Habang hinihintay si Martin ay nagpunta muna ako sa entertaiment room para magpalipas oras. Pinili kong manuod ng TV kahit yung totoo wala dun yung focus ko. Naka usap ko na kasi kanina yung HR sa previous company ko sa America at pinagbabayad nila ako ng one hundred thousand para sa expense at pagbali ko ng contract kasi nga di ako tumuloy. Sakin okey lang naman kaya ko pa naman yung bayaran based sa savings ko kaya lang syempre malaking amount din yun at di ako comfortable na maliit nalang yung balance ng account ko kaya iniisip ko sanang magtrabaho nalang uli kaya lang iniisip ko kung paano ko sasabihin kay Martin.

Nasa ganun akong isipin hanggang sa di ko namalayang nakatulog na pala ako sa sofa. Nagising nalang ako ng may maramdaman akong humahalik sa labi ko.

"Hmmm," ungol ko habang dahan-dahan akong nagmulat ng mata.

Bumungad sakin yung guapong mukha ni Martin na napakalapit sa muka ko. Hawak-hawak niya yung dalawang pisngi ko habang patuloy niya kong dinadampian ng halik sa labi.

"Kanina ka pa?" medyo garalgal pa yung boses ko kasi nga kagigising ko lang

"Kanina pa, namamaga na nga labi mo sa kahahalik ko tulog ka parin," sagot ni Martin bago niya kinagat yung lower lip ko at dahil nakaramdam ako ng sakit, hinampas ko siya.

"Aray!" reklamo ko.

"Hon, di pa natin nagagawang mag love making dito sa entertaiment room." mahinang sabi ni Martin bago niya ko muling hinalikan sa labi pero di gaya kanina na peck lang yung ginagawa niya ngayon ay naging mainit yun at punong puno ng pagnanasa kaya bago pa yun lumalim at kinagat ko yung labi niya.

"Aray!" sabi ni Martin sabay bitaw sa labi ko.

"Kumain kaya muna tayo bago natin gawin yang gusto mo!" sabay irap ko sa kanya. Bahagya ko pa siyang tinulak para kahit papano ay makatayo ako. Naka dagan kasi yung halos kalahati ng katawan niya sakin.

Di naman na nagpumulit si Martin at inalalayan na kong maka-upo ng maayos. Naka suot pa si Martin ng Americana, halatang kararating lang niya kasi nga naka sapatos pa, pati yung bag niya ay dala rin niya. Malamang pagdating niya ng bahay ako kagad yung hinanap.

"Magbihis ka muna sa kwarto natin at ipapahanda ko kay Manang Susan yung pagkain para makakain na tayo." utos ko kay Martin habang hinahanap ko yung tsinelas ko sa sahig na agad naman niyang dinampot at inilagay sa paa ko.

"Nasabihan ko na si Manang kaya samahan mo na ko sa kwarto," bulong ni Martin sakin na alam mo ng kung ano nanaman ang gustong gawin.

"Tumigil ka nga, pwedi ba mamaya na yan pagtapos kumain." reklamo ko.

Bahagya pa kong lumayo sa kanya kasi parang gusto na niya kong ambahan para maisakatuparan yung gusto niya.

"Sige na nga, pagtapos na nating kumain!" sabi niya habang naka ngiti.

Di ko tuloy alam kung matatawa ba ako o maiiyak sa sinabi niya. Napa iling na lang ako bago ako tuluyang tumayo at lumabas, samantalang si Martin ay naka sunod sakin.

Dumiretso muna kami sa kwarto namin para makapagpalit siya ng mas comfortable na damit.

Chapitre suivant