webnovel

Chapter 263

"Hi Ma!" Bati ko kay Mama ng madatnan ko sa sala habang nagtatahi ng punda ng unan namin.

"Bakit ganyan suot mo?" Tanong din ni Mama sakin ng makita niya ko. Parehas sila ng reaction ni Mike. Siguro di lang talaga sanay yug pamilya ko sa ganung pananamit ko. Sabagay dati kasi more on t-shirt ako and jeans lalo pa nga nung naging kami ni Martin kahit sleeveless di niya ko pinayagan kaya siguro nagugulat sila sa bagong style ko.

"Minadali kasi ako ni Mike kanina kaya di na ko nagpalit." Paliwanag ko habang naghuhubad ako ng rubber shoes ko.

"Tinatawagan ka ni Mike bago siya umalis kanina di ka daw sumasagot, Anong oras ka ba natulog at mukang puyat na puyat ka pa?"

"Di ko na maalala Ma, hehe!" Sagot ko dito habang umakyat ako sa taas.

Kumuha lang ako ng tuwalya at damit bago muling bumaba para maligo.

"Oh saan ka nanaman pupunta?" Tanong ni Mama nung makita niyang naka-pantalon ako at naka pang-alis na damit.

"Meet kami ni Zaida!" Sagot ko kay Mama habang kumuha ako ng tasa, balak ko kasing magkape at kumain muna. Di pa kasi ako nag-aalmusal.

"Michelle ha, alis ka ng alis!"

"Si Mama naman syempre matagal akong nawala kaya ganun talaga!"

"Ganun talaga? Normal pa ba yan sa isang babae?" Galit ng sermon ni Mama.

"Ma naman, kaya ko po yung sarili ko. Isa pa di naman na ko menor de edad alam ko na po yung limitasyon kaya wag ka ng mag-alala ha!"

"Siguraduhin mo lang Michelle wag mong kalimutan babae ka baka mamaya mapahamak ka!"

"Wag kang mag-isip ng ganyan Ma, Isa pa kaya ko sarili ko! Wag ka ng mag-alala ha!"

"Anong oras ka nanaman uuwi?" Taas kilay na sagot nito sakin.

"Sabay kami ni Mike, sunduin ko siya sa office niya kaya wag ka ng mag-alala at di ako iinom ngayon!' Paninigurado ko kay Mama.

"Mabuti naman kung ganun! Expect ko na sabay tayong maghahapunan mamaya!"

"Opo kaya pagluto mo ko ng adobo please!" Lambing ko kay Mama.

"Sige basta yung sinasabi ko sayo itanim mo diyan sa utak mo!" Sabi ni Mama sabay pisil sa ilong ko.

"Opo!" Magalang kong sagot habang inumpisahan ko ng kumain kasi nga habang sinesermunan ako ni Mama ay pinaghahanda na niya ko ng pagkain.

Ito yung bagay na na-mimiss ko sa America yung may nag-aasikaso sayo. SA America kasi kanya-kanya kami bihira lang kasi kami magkasama nila Anna at Annalyn sa lamesa kasi nga puro kami field. Kapag Lingo naman minsan may side line ako at si Annalyn ay ganun din. Si Anna naman busy sa date kapag wala kaming pasok kaya bihira din kaming magkasama maliban nalang kung may okasyun syempre.

"Pa, alis na po ako!" Paalam ko kay Papa bago ako umalis. Pinasok ko pa siya sa kwarto nila ni Mama kung saan siya nagtatrabaho.

"Ingat ka ha! Yung sinasabi ni Mama mo wag mong kalimutan!" Paalala nito sakin.

"Opo at ikaw naman wag kang masyadong magtrabaho at wala ka naman ng pinag-aaral!" Panenermon ko rin kay Papa.

"Yan nga din sabi ko diyan pero ayaw makinig at wala naman daw siyang gagawin." sagot ni Mama na pumasok na rin, daladala yung mga damit na tinupi niya.

"Okay lang naman yan Pa, basta wag lang sobra!" Sagot ko sabay hawak sa balikat niya.

"Opo Nay!" Pang-asar ni Papa sakin. Nagtawanan na lang kaming tatlo. Ngayon alam ko na kung saan ako nagmana.

"Hoy Michelle, asan ka na?" Sabi ni Zaida sakin nung sagutin ko yung tawag niya.

"Malapit na!" Sagot ko naman, nakikita ko na yung shop niya.

"Sigurado ka?" Tanong ni Zaida na mukang duda pa.

"Oo, natatanaw ko na yung shop mo! U-turn na ko."

"Okay, hintayin kita sa pintuan!"

"Sige, basta wag mo kong ipaglatag ng red carpet ha!"

"Oo di kita lalatagan ng red carpet pero hahagisan kita ng confetti!"

"Sige na! Kita na kita!" Sabi ko kay Zaida na kinawayan ko at gumanti din siya ng kaway sakin.

"Michelle!" Sigaw ni Zaida at mabilis akong niyakap.

"Musta?" Tanong ko habang gumanti din ako ng yakap.

"Ito maganda parin!" Confident na sagot ni Zaida sakin. Halos walang nagbago sakanya pero iba yug ningning ng mga mata niya halatang in-love.

"Sabi ko nga at mukang in-love din!" Pang-aasar ko.

"Napansin mo yun?" Kinikilig na sabi ni Zaida.

"Obvious naman! So sino yung maswerteng lalaki?" Curious kong tanong.

"Malalaman mo rin mamaya, papakilala kita!" Suspense pang sabi ni Zaida. Ngumiti lang ako at di na nagpumilit na alamin kung sino yung tinatangi niya.

"Ay wait lang may nakalimutan ako!" Sabi ko kay Zaida bago ako bumitaw sa pagkakapit niya. Muli akong bumalik sa kotse ko at kinuha ko yung isang katamtamang laking box mula doon.

"Ano yan? Pasalubong mo sakin?" Gulat na tanong ni Zaida.

"Mamaya paliwanag ko sayo!" Sagot ko sa kanya at muli kaming lumakad papasok sa shop niya.

Dinala ako ni Zaida sa office niya at pinaghanada ako ng meryenda.

"Ito yung pasalubong ko sayo!" Sabi ko sa kanya nung maupo na siya sa tapat ko.

"Salamat!" Tuwang-tuwang sabi ni Zaida sakin.

"Welcome!" Sabi ko habang hinihintay kong makita niya yung laman nun.

"Wow naman!" Sabi nito sakin nung mabuksan niya. Damit yun na binili ko sa Paris nung magclient call kami dun.

"Suot ko ito mamaya! May date ako eh, sama kita!"

"May date ka tapos sasama ako ano ako chaperon?"

"Oo, para makilala mo!"

"Hay naku ayaw kong maging third wheel." Irap ko kay Zaida.

"Eh paano mo siya makilala?"

"Next time na lang!"

"Bahala ka! By the way ano ba yang dala mo?" Sabi ni Zaida sakin sabay turo sa box na nasa tabi ko.

"Ipapakisuyo ko sana sayo, baka pwedi paki balik kay Martin." Nahihiya kong sabi.

"Pababalik mo kay Martin? Anong laman?" Tanong ni Zaida sabay lapit sa box at sinilip yung laman. Nung makita nita ang laman nito agad niya kong tiningnan na parang nagsasabi na ipaliwanag ko.

"Yan yung mga bigay sakin ni Martin, ipapabalik ko na sana kasi nga diba alam mo na!" Di ko mapaliwag ng maayos.

Usually kasi di ba kapag naghihiwalay yung dalawang tao dapat kung ano yung mga bigay niya sayo at bigay mo sa kanya dapat ibalik. Dahil nga wala naman akong nabigay na mamahalin kay Martin expect ko wala siyang sasauli sakin pero iba sakin halos lahat ng binigay niya sakin may value at di biro ang halaga ng mga iyon kaya naisip kong isauli para walang masabi.

Chapitre suivant