webnovel

He's Ugly

"Ladies and gentlemen on behalf of Tiger Airline, I would like to welcome you

to Manila, Philippines. Please enjoy your visit and make some memories… Thank you for choosing Tiger Airline, have a fun and safe trip!" Narinig kong sabi ng Captain ng eroplano. Inayos ko muna yung seat belt ko bago ako tumingin sa katabi ko.

"Sarap ng tulog mo ah!" Sabi ni Chritopher ng makita niya kong tumingin ako sa kanya. Di na ko sumagot kasi nga naramdaman ko na yung pagbaba ng eroplano.

Mabilis niya kong tinulungan para maibaba yung bag ko na nakapatong sa cabin nung tuluyan na kaming maka land sa airport.

"Thank you!" Mahina kong sabi bago ako sumunod sa kanya pababa.

"Ate!" Sigaw ni Mike sakin habang kumakaway nung makita niya kong palabas ng airport. Agad ko naman siyang nginitian. Ang laki ng pinagbago ni Mike, Lalaking-laki na siya. Wala na yung image niya na parang walang paki sa buhay.

"Ate!" Muli niyang tawag sabay yakap sakin ng mahigpit.

"Bitaw di ako maka hinga!" Sabi ko sabay hampas sa braso niya.

"Ayaw!" Sagot ni Mike at lalo pang hinigpitan yung pagkaka yakap sakin.

"Sasapakin kita mamay!" Angil ko sakanya kala ko pa naman nagmature na yung muka lang pala.

"Mike!" Sigaw ko na kasi nga ayaw parin niya ko bitawan.

"Di na makahinga yung ate mo!" Sabi na rin ni Christopher na naka lapit narin samin. Nung paglabas ko kasi ng airport di ko maiwasang mapatakbo ng marinig ko yung tawag ni Mike.

"Bakit kasama mo siya?" Naiinis na sagot ni Mike.

"Ewan ko ba diyan gustong sumama!" Sagot ko din sabay tingin kay Christopher na naka ngiti.

Dahil nga naka holiday vacation na yung company na pinapasukan niya sa America sumama na siya sakin pauwi at wala na siyang ginawa kundi bulabugin ako. Bigyan ko daw siya ng another chance at dalawang taon ko ng pinapaliwanag sa kanya na di na kami pwedi at much better na maging magkaibigan na lang kami pero ayaw maring tumigil. Kahit nga last year di siya umuwi sa Pinas at sasamahan daw ako. Hinayaan ko nalang siya sa gusto niyang gawin kasi nga di naman siya nakikinig sakin.

"Sasabay pa nga ako sa inyo pauwi eh!" Sagot ni Christopher na para bang bale wala yung masakit na tingin ni Mike. Mabilis niyang binuksan yung trunk ng kotse at inilagay yung maleta naming dalawa.

Samantalang ako dumiretso na sa front seat at umupo dun. Makalipas ng ilang minuto pumasok na rin si Mike at Cristopher.

"Nakipag balikan ka ba diyan?" Naiiritang tanong ni Mike sakin.

"Hindi noh!"

"Eh bakit naka buntot sayo?"

"Malay ko diyan!"

"Baka mamaya nauto ka nanaman niya!"

"Di na ko magpapauto diyan at saka di na ko nakikipagbalikan sa tinapon ko na!" Dirediretso naming pag-uusap ni Mike na para bang wala si Christopher sa sasakyan.

"Grabe kayong dalawa parang di pweding magbago at magsisi!"

"Hay naku kapag nagawa mo na ng una, magagawa mo uli yun!" Si Mike ang sumagot sa sinabi ni Christopher. Tumawa lang ako at umiling. Tumingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan.

Two years akong nawala pero halos walang pinagbago ang Pinas. Mag eight palang ng umaga pero mainit na at ang pinamasaklap ay matraffic pa.

"Michelle di ba sabi ko naman sayo di ko na uulitin yun at pinatunayan ko naman sayo na ikaw lang talaga!" Sabi ni Christopher uli na para bang nagmamaka-awa na pagbigyan ko siya.

"Ang pangit mo!" Sagot ni Mike.

"Yah, He's Ugly!" Pag-sang ayon ko. Sabay kaming tumawa ni Mike ng makita namin yung muka ni Christoper na kumiwe yung bibig dahil sinabihan namin siyang pangit.

Base sa standard ng itsura sympre guapo si Christopher. Sa height niyang 5'9 at sa rexona boy na katawan di mo maiiwasang mapatingin sa kanya. Samahan pa ng singit na mata, matangos na ilong at maninipis na labi, walang babaeng magdadalawang isip na mapasagot niya. Ganun din ang pagtingin sa kanya dati pero sympre di na ngayon dahil nga sa nangyari samin from the past.

"Kamusta nga pala si Papa at Mama?" Tanong ko makalipas ng ilang minuto na katahimikan.

"Okay naman, di na nga naka-tulog yung mga yun at na exite ng makita ka. Nagluto si Mama ng kare-kare at sinigang."

"Wow, sarap naman baka pwedi maki-kain sainyo!"

"Di ka pwedi!" Angil ni Mike.

Napailing na lang ako sa reaction ng kapatid ko na para bang di makamove-on sa ginawa ni Christopher sakin. Sabagay di ko rin siya masisi kasi nga close din sila dati at nakita rin ni Mike kung gaano ko iniyakan si Christopher noon.

"Ganun di kaya magiging pakikitungo niya kay Martin if ever magkita sila uli kasi mas grabe yun sakit na naramdaman ko nun." Bigla kong naisip pero bigla din akong natigilan.

Napa tingin ako sa ring finger ko wala na dun yung mga sing-sing na binigay niya sakin noon, na nagpapatunay na matagal na kaming wala. Di ko maiwasang lalong malungkot ng mapadaan kami sa Casa Milan Manila kung saan nakatira dati si Martin at kung saan kami lagi magkasama.

Napatingin ako sa pinaka mataas na floor nito, "andun kaya siya?" sabi ko sa isip ko na para bang makikita ko siya if ever andun nga siya.

"Okay ka lang?" Tanong ni Christopher sakin.

"Hmmm, medyo nahilo lang!"

"Jet lag yan!" Sabi niya sakin sabay tapik sa balikat ko.

Ngiti lang ang sinagot ko sa kanya. Marahil nakita ni Christopher yung lungkot sa mata ko.

Makalipas ng halos tatlong oras na biyahe ay nakarating din kami sa bahay.

"Anak!" Sigaw ni Mama ng makita niya yung sasakyan namin. Mabilis kong binuksan ang pinto at sinalubong siya ng mahigpit na yakap.

"Kamusta ka? Bakit parang pumayat ka?" Sabi ni Mama habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa.

"Di kasi masarap yung pagkain dun!" Madrama kong sagot para maglabing sa Mama ko.

"Yaan mo pagluluto na kita lagi kaya tataba ka na!" Maluha-luhang sabi ni Mama sakin.

"Tama yun Ma, gawin mo kong baboy para lubayan na ko niyan!" Sabay turo ko kay Christopher na bumababa sa kotse.

"Hoy lubayan mo na yung anak ko ha!" Bulyaw ni Mama dito.

"Makikikain lang ako Tita!" Sagot naman ni Christopher habang nagkakamot ng ulo.

"Kung makikikain ka lang walang problema pero kung liligawan mo yung anak ko di pwedi at meron na kong ipapakilala sa kanya."

"Sino naman yun Ma?" Nagtataka kong tanong habang pumapasok na kami sa bahay.

"Basta!" Sagot ni Mama, di ko na din masyadong binigyang pansin kasi nga nakita ko na si Papa kaya mabilis akong tumakbo sa direksiyon nito.

Chapitre suivant