Natapos kaming kumain na di na pinag-usapan yung nangyari sa party.
"Bihis ka na!" Utos sakin ni Martin sabay abot ng isang paper bag na kinuha niya kanina sa sasakyan niya. Pagbukas ko may laman iyong pantalon, t-shirt at rubber shoes ko, sinamahan niya rin ng underwear.
"Dinalhan mo ko ng damit pero ikaw di ka nagbihis." sabi ko sabay tingin sa kanya kasi nga umuwi pala siya sa Pad niya di man lang siya nagbihis at ako yung inisip niya.
"Yaan mo na ko, sige na palit ka na at ng maka alis na tayo!" Pagmamadali niya sakin.
"Okey!" Sagot ko naman sabay akyat sa taas kung saan ako natulog kagabi.
Binilisan ko lang yung paliligo kasi nga ayaw ko rin maghintay si Martin ng matagal. Pagbaba ko inabutan ko sila ni Zaida na nag-uusap pero di ko marinig yung sinasabi niya at ng marinig nila yung yabag ko bigla silang tumahimik pero di ko na yun masyadong binigyan ng pansin kasi alam ko naman na tungkol yun sa nangyari sa event.
"Okey ka na?" Tanong ni Martin ng tuluyan akong maka lapit sa kanya.
"Oo!" Sagot ko sa kanya bago ako bumaling kay Zaida.
"Zai, dinala ko yung damit na pinahiram mo sakin kagabi ha, labhan ko muna bago ko ibalik sayo!"
"Jusko naman Michelle para kang others! Sayo na lang yan, wag mo ng balik! Basta lagi mong suot ha para maalala mo ko lagi!" Sabay kindat sakin.
"Sana tinapon mo na lang!" Sagot naman ni Martin sabay abot sakin nung paper bag.
"Grabe ka! Bago yun noh, iisang beses ko palang yun nasuot!" Sigaw ni Zaida.
"Wag kang mag-aalala Zai lagi ko itong susuot!" Sagot ko sabay kapit sa braso niya bilang paglalambing.
"Dapat lang!" Sabay pitik sa noo ko. "Isa pa, dapat libre mo ko ng inom kasi di ako naka inom kagabi at sinayang mo yung gown at make-up ko!"
"Zaida!" Muling saway ni Martin sabay hila sakin papalapit sa kanya.
"Walang problema text kita!" Sabay kindat ko.
"That's my girl!" Masaya naman nitong sagot sakin sabay flying kiss sa akin kasi nga hinila na ko ni Martin palabas.
Nung maka sakay na kami ng kotse niya agad akong nagsalita.
"Hatid mo ko sa bahay."
"Galit ka ba sakin?" Agad niyang tanong sabay hawak sa palad ko.
"Hon, di ako galit kailangan ko lang magpahinga muna."
"Dun ka na sa Pad ko magpahinga!"
"Hon, please!" Paki-usap ko, Di naman ako galit kay Martin kasi wala naman siyang kasalanan. Ang akin lang is kahit papano is makapag-isip muna ako sa sitwasyon at maayos ko yung sarili ko.
"Wag mo ng isipin yung nangyari sa party ako na bahala!" Sabi niya sakin sabay halik sa likod ng kamay ko.
"Di ko na yun iniisip, gusto ko lang muna sana ayusin yung sarili ko." Paliwanag ko.
"Hon, perfect ka kaya wala ka dapat ayusin. Just listen to me, okey? Don't worry na!"
"Pero Hon!" Sagot ko.
"Okey sige, hatid na muna kita sa bahay niyo para makapag-pahinga ka muna at ng mawala yung stress mo! Basta wag ka ng mag-isip ng kung ano-ano ha!"
"Okey!" Naka ngiti kong sagot sa kanya habang sumandal ako sa balikat niya.
"Alam mo naman na mahal na mahal kita Michelle di ba?"
"Opo, alam ko!" Malambing kong sabi.
"Kaya wag mo na yung isipin, okey?"
"Opo di ko na po yun iisipin!" Parang bata kong sagot.
Pagdating sa bahay di na pumasok si Martin kasi nga nahiya rin siguro sa magulang ko kaya hinayaan ko lang siya.
"Kala ko di ka na uuwi ah!" Pagbibiro sakin ni Mama na nagluluto sa kusina.
"Bakit ayaw mo na ba sakin Ma?" Sagot ko naman sa kanya sabay hawak sa kamay niya at nag bless ako.
"Baka ikaw na ang ayaw samin parang ngayong buwan halos di na kita nakikita dito?"
"Sows, nagdrama nanaman yung Mama ko!" Sabay yakap sa baywang niya na naka talikod kasi nga naghahalo siya ng niluluto niya.
"May problema?"
"Wala po Ma!" Sagot ko habang nanatiling naka yakap sa kanya.
"Eh bakit namamaga yung mata mo? Inaway ka ni Martin, kaya di pumasok?"
"Di po Ma, may mga bagay lang talaga na minsan kailangan mong iiyak!"
"Wag mo saking sabihin na binigay mo na yung virginity mo kaya iniiyakan mo?" Sabay kurot sa tagiliran ko, dahilan para bumitaw ako sa kanya.
"Ganun ba talaga yun kasakit para maiyak ako?" Curious kong tanong.
"Wag mo kong tanungin ng walang kwentang bagay!" Sabay umang sakin nung sandok.
"Sino tatanungin ko?" Pang-aasar ko.
"Tanungin mo yung lela mong panot! Wag mo kong ginugulo at mamaya masunog yung niluluto ko!"
"Asan nga pala si Mike?" Tanong ko ng di ko mapansin yung magaling kong kapatid.
"Naglaro ng basketball!"
"Sarap buhay!" Sagot ko habang umiiling.
"Wala ka naman ng magagawa sa kapatid mo, mamaya na daw siya maglilinis kaya ikaw maglaba na at tapos ka ng magparty kagabi."
"Pwedi bang di maglaba?"
"Pwedi naman tapos magsuot na lang tayo ng dahon! Oh, kaya bilhan mo na lang kami ng mga damit para may suutin pa kami kasi sa pagkaka-alala ko di ka din naglaba last week kaya wala na tayo susuuton!" Panenermon ni Mama. Mukang yun pala talaga yung dahilan ko kaya ako nagpahatid kay Martin sa bahay namin kasi yung labahan ko kumakaway na.
Di ko na sinagot si Mama at pailing-iling na lang akong umakyat sa kwarto ko, upang makapagpalit ng damit. Pagkatapos ay umakyat na rin ako sa rooftop para umisahan na yung pakikipagbuno ko sa mga maruruming damit namin.
Habang naglalaba di ko parin mapigil yung pag-iisp tungkol sa nangyari sakin kagabi at di ko mapigilang mapa buntong hininga para kasing may batong naka dagan sa dibdib ko na kagabi ko pa iniinda kaya din gusto kong magpahatid kay Martin gusto kong mag-sort of things regarding sa relationship namin. Kung ano bang dapat gawin? Dapat sundin, dapat i-adjust at higit sa lahat dapat baguhin.
"Hays!" Muli kong buntong hininga paano parang madami akong kailangang baguhin at di ko alam kung ito ba yung dapat o dapat makinig na lang ako lagi kay Martin.