webnovel

Surprise

"Ting!" tunog ng elevator kaya agad akong tumakbo palapit dun pero laking dismaya ko kasi di si Martin ang sakay nun kundi isang lalaki na naka suot ng pang-chief.

"Lunch niyo Ma'am!" Sabay abot sakin nung tray na naglalaman ng pagkain.

"Salamat!" sabi ko bago tuluyang sumara yung pinto ng elevator. Muli akong bumalik sa gazebo at doon kumain ng lunch pero di ko yun naka lahati kasi nga di ko parin maiwasang magisip kung ano nangyari kay Martin.

mabilis lumipas ang oras, naghapon na hanggang sa abutin na ng gabi at kagaya nung nauna hinatiran uli ako ng dinner ng one of the staff ng hotel pagkatapos kung kumain ay nanatili ako sa sofa para hintayin si Martin habang nanunuod ako ng TV pero naka tulog nalang ako ay wala parin siya.

Paggising ko ng umaga nasa kwarto na ko at may naka yakap na sakin lalaki na di ako pweding magkamali si Martin iyon.

"Morning!" groggy pa niyang bati sakin.

"Morning! Anong oras ka dumating kagabi?"

"Late na, Bakit sa sofa ka natulog?" Tanong niya rin sakin habang nakayakap parin sakin.

"Hinihintay kita di ko nga namalayan nakatulog na ko sa paghihitay sayo wala ka parin. Dami bang problema sa office?" Pag-aalala ko.

"Wala naman may biglaang meeting lang! Bangon n atyo para hatid na kita."

"Okey!" pag-sang ayon ko at nauna na kong tumayo at pumunta ng banyo.

Pagpasok ko ng office ng Monday, agad akong sinalubong ni Dina at inabot yung gamit ko na agad ko namang pinasalamatan. Di kami masyadong nakapag-usap kasi nga parehas na kaming naging busy pero according sa kanya wala naman masyadong nangyari sa party pagkatapos kong umalis. Iniisip lang daw nila na nagkaroon ng emergency kaya bigla akong umalis at di ko nagpaliwanag ng totoong nangyari.

Naging normal ang lahat pagkatapos nun hanggang sa dumating yung araw ng birthday ni Martin.

Sabado iyon kaya maaga niya kong sinundo at dinala sa salon kung saan ako inayusan at binihisan. Napaka garbo ng suot ko pero di ko na nagawa pang magreklamo lalo pa nga at ipapakilala ako dun bilang fiance ni Martin. Kahit di ako kumportable wala akong choice kung sumunod sa agos.

"Okey ka lang?" Tanong ni Martin habang pababa na kami ng sasakayan.

"Okey lang!" sabay ngiti ko sa kanya. Inalalayan niya ko sa pagbaba hanggang sa pagpasok sa venue.

"Finally! Andito na yung birthday celebrant!" sabi ng Host ng event habang pinatugtig yung birthday song para kay Martin. Halos lahat ng bisitang sumasalubong samin ay binabati si Martin ng happy Birthday samantalang ako parang naging flower base na kasama niya na tanging nginingitian lamang ng mga taong iyon na di ko naman kilala pero makikita ko sa ngiti niya yung contempt nila sakin.

Wala man lang nagtanong kung sino yang kasama mo? Kaano-ano mo yang kasama mo at higit sa lahat walang nagtanong kung anong pangalan ng kasama mo? para lang akong tubo na pinupuluputan ni Martin.

"Hintayin mo ko dito!" Paalam ni Martin sakin kasi kailangan niyang pumunta sa stage para sa opening remarks. Iniwan niya ko sa lamesa namin na naka pwesto sa harapan malapit sa stage.

Sinusubukan kong hanapin si Zaida para naman sana magkaroon ako ng makakausap pero parang wala pa siya. Yung barkada naman ni Martin nasa bandang sulok at may mga kausap na ibang tao halatang tungkol sa business yung pinag-uusapn nila.

"Hi!" Napa tingin ako sa taong bumati sakin at di nga ako nagkamali si Elena yun at kahit badtrip ako sa kanya wala akong nagawa kundi batiin rin siya.

"Hello!" Walang paalam na umupo si Elena sa tabi ko na akala mo ay close kaming dalawa.

"Ang guapo ni Martin noh!" sabi niya sakin habang yung mata ay naka titig kay Martin na nasa ibabaw ng stage at nagsasalita.

"Hmmm!" pagsang ayon ko kasi di naman talaga iyon maitatangi na napaka guapo ni Martin sa suot niyang maroon na amerikana.

"Ito ba yung regalo mo kay Martin?" Tanong niya sakin habang inianggat yung maliit na paper bag na nasa lap ko. Balak ko kasing ibigay yung kay Martin pagkatapos ng speech niya matagal ko iyong itinago at sinadaya ko pang kasabwatin si Mang Kanor na iabot sakin once umakyat na si Martin sa stage at di ko akalaing mapansin iyon ni Elena.

"Wala kang paki!" sagot ko sa kanya di ko na naitago yung irita ko.

"Ito yung regalo ko sakanya!" Sabay wasiwas sa muka ko ng susi na may naka sulat na ducati, isang sikat na motorcycle brand.

"Wish ko lang tanggapin niya!" Pang-aasar ko para mawala yung smug ng muka niya.

"Wish ko lang din kaya ka pa niyang i-display pag nakita niya ito!" Maya-maya nagdilim yung buong paligid at tanging nagliwanag ay yung malaking screen na background ng stage at kung saan nag play yung video kung saan nagsasayaw ako sa stage habang kumakanta nung Tie A Yellow Ribbon Round The Ole Oak Tree.

Lahat ay nagulat pero higit sa lahat ako yung nabigla kasi di ko akalaing sa ganitong okasyon ipapalabas yung video na yun kung saan nagmumuka akong tanga para akong binuhusan ng malamig na tubig at nangingig yung buo kong katawan dahil sa nakita ko.

"Patayin niyo yan!" Sigaw ni Martin kaya inihinto ang vedio at muling nagliwanag yung paligid.

"Grabe di ko akalain ang cheap pala ng fiance ni Martin!"

"Para siyang tanga!"

"Nakakahiya!"

"Saang kabaret ba niya yan nakita?"

Narinig kong sabi ng mga ibang tao sa paligid, yung katuwaan ng mahihirap ay kahihiyan para sa mayayaman. Di ko alam kung ano ba dapat na maramdaman ko dahil sa buong buhay ko ngayon lang ako napahiya ng ganito na parang gusto kong maglaho na.

Maya-maya nakita kong bumaba si Martin sa stage at lumakad palapit sakin pero bago pa siya tuluyang makalapit ay bigla akong tumayo at tumakbo papalayo sa kanya para di na madagdagan yung kahihiyang natatangap niya dahil sakin.

"Yung regalo mong cheap na wallet, naiwan!" Sigaw ni Elena at dahil dun nagtawanan yung mga bisita.

Tumakbo ako at di na lumingon pa, dahil ayaw kong makita yung disappointment sa muka ni Martin at muka ng mga taong naka paligid sakanya.

Chapitre suivant