"Hon, tapos na kayo?" text sakin ni Martin sakto namang tapos na kami ni Zaida at kasalukuyan na kaming papuntang parking area.
"Tapos na, pero paalis pa lang kami sa mall," reply ko.
"Sabihin mo kay Zaida ihatid ka sa Pabs, dun kita hintayin," Text niya uli.
"Okey!" reply ko.
"Si Martin yun?" tanong ni Zaida habang nagmamaneho ng sasakyan palabas ng parking area.
"Oo, hatid mo daw ako sa Pabs at dun nalang daw kami magkita," paliwanag ko.
"Okey!" Sagot naman niya at nagpatuloy na sa pagmamaneho. Halos isang oras din ang biyahe namin bago kami makarating sa Pabs kung saan kami magkikita ni Martin.
"Kanina ka pa?" Tanong ko kagad nung salubungin ako ni Martin sa pagbaba sa sasakyan.
"Di naman masyado at saka kasama ko si Bert!" sabay turo niya sakin kung saan sila naka pwestong dalawa.
"Sumama ka na magdinner samin Zaida!" sabi niya dito ng hindi bumaba sa kotse.
"Dahil niyaya mo ko eh di okey!" Sagot naman ni Zaida at tuluyan ng lumabas ng sasakyan. Kaya sabay-sabay kaming tatlo na pumasok sa loob ng restaurant. Chinese cuisine yung sineserve pero mas famous sila sa mga dumplings.
Magkatabi kami ni Martin sa upuan at opposite namin si Bert at Zaida.
"Anong gusto mo?" Tanong niya sakin nung maka upo na ko.
"Ikaw na bahala, alam mo namang wala akog pili pagdating sa pagkain," sabi ko habang ibinalik ko kay Martin yung menu. Dali-dali naman siyang omorder at pagkatapos ayy sinalinan niya ako ng tea sa tasa.
"Pinag-uusapan pala namin ni Bert yung tungkol sa kaso na isasampa ko kay Elena," paliwanag ni Martin sakin.
"Naka kuha na ba kayo ebidensiya?" si Zaida na yung nagtanong sa bagay na gusto ko sanang tanungin.
"Actually, wala pa! Medyo mahirap nga yung kaso ang masaklap pa hinaharang pa ng Lola ni Martin kasi nga si Elena yung involve,"paliwanag ni Bert.
"Baka magsasayang ka lang ng oras Hon!" Sabi ko naman para kasi sakin kung wala naman kaming sapat na ebedensiya wala rin mangyayari sa kaso masasayang lang yung oras at effort.
"Di ko alam kung sino yung kasabwat niya sa barkada para di natin siya ma-aktuhan!" Nagpupuyos sa galit na sabi ni Martin.
"Ano bang sabi ni Jerold?" Tanong ni Zaida na sinagot naman ni Bert.
"Try niyang reviewhin yung CCTV pero walang makitang kahina-hinalang inilagay sa baso ni Martin. Pati nga mga empleyado niya pinaamin na niya pero wala daw talaga makuha kaya It's either sa loob ng barkada ang kasabwat niya."
"Ang masaklap pa dun sa VIP room natin walang CCTV kasi nga personal space yun ni Jerold kaya di siya naglagay at alam yun ng naglagay," sabi ni Martin habang napasandal sa upuan.
Nasa dead end na kami ng imbestigasyon at wala kaming magawa at nakikita kong na-fustrated si Martin dahil dun.
"Yaan mo na Hon!" pag-aalo ko sabay hawak sa kamay niya kaya agad niya kong nilingon. Nginitian ko siya para pakalmahin dahil nga nagdidilim na yung muka niya at alam kong may iniisip siyang di maganda at ayaw ko naman na dumating siya sa point na iyon.
"Order po nila," sabi ng waiter na may dala ng order namin kaya medyo nabawasan yung tensiyon sa lamesa namin.
"Kain na tayo!" Pagyaya ko kasi parang walang gustong dumampot ng chopstick nila.
"Pa-request ng fork and spoon, dalawa!" sabi ni martin sa waiter kasi nga alam niyang di ako marunong gumamit nun at dahil nga ayaw niyang ako lang ang naiiba parehas kaming gumamit ng tinidor at kutsara.
Pagkatapo ng dinner namin, magkasabay ng umalis si Bert at Zaida samantalang kami naiwan pa ni Martin kasi nga siya yung nag settle ng bill.
"Kamusta shopping niyo?"
"Okey naman!"
"Okey, eh bakit ang kunti ng pinamili mo?" Tanong niya sa akin kasi nga dalawang paper bag lang yung dala ko, samatalang yung kay Zaida halos napuno yung likod ng sasakyan niya.
"Actually isa nga lang sakin diyan, regao ni Zaida yung isa." Masaya kong sabi at dahil dun di napigilan ni Martin na mapataas ng kilay.
"Ginawa kang chaperon ni Zaida?"
"Hindi, sadyang isa lang talaga yung pakay kong bilhin dun." Paliwanag ko kasi parang nag-iba yung itsura ni Martin nung sabihin niyang ginawa akong chaperon ni Zaida.
"Eh, bakit isa lang?"
"Basta isa lang binili ko."
"Maaga kang lumabas bukas mag-shopping tayo!" sabi niya sa akin sabay tayo kasi nga ibinalik na nung waiter yung card niya kaya umalis na kami.
"Wala naman akong bibilhin kaya di natin kailangan mag-shopping bukas, isa pa madami ka pang gagawin kasi nga malapit na yung birthday mo dun ka muna magfocus at hayaan mo na yang shopping na yan." sabi ko kay Martin habang nasa kotse na kami papunta sa Pad niya.
Gusto niya kasi dun muna kao matulog kasi nga medyo busy kami nitong nagdaang mga araw at bihira na kaming magkasama kaya pinakiusap niya ko sa mga magulang ko na dun muna ako matulog.
"Nabilhan ka ba ni Zaida ng damit para susuutin mo sa Christmas party niyo?"
"Oo binili niya ko, yun na nga daw regalo niya sakin pero sa na Hon di mo na yun inutos kay Zaida at saka di ba nag-usap n atayo na susuutin ko yung isang gown na binili mo sakin." nagtatampo kong sabi, akala ko kasi naka-intindihan na kami pero di pala.
"Paano ko naman hahayaang suutin mo uli yun?" Naiirita niyang sabi, marahil nga sa kinahinatnan nung kaso kay Elena kaya medro eretable siya kaya di ko na pinatulan kasi ano pa nga ba magagawa ko nabili narin naman na yung damit alangan namang di ko pa suutin ng di ako sumagot ay muli siyang nagsalita.
"Shopping tayo bukas, wala pang pares na sapatos yang susuutin mo saka mga accesories mo pa," seryoso niyang sabi na para bang di na ko pweding tumangi pero pinili ko paring mag-reason out.
"Di ko pa nga nasusuot yung sampung sapatos na nabili mo last time, pipili na lang ako dun na pweding ipares."
"Eh yung accessories mo?"
"Pili nalang ako sa mga dati kong accessories."
"Hon, may problema ba tayo?" biglang tanong niya sakin kaya napatingin ako sa kanya at talagang ipinarada pa niya yung saksayan niya sa tabing kalsada para maka harap siya sakin ng maayos
"Anong problema?" takang tanong ko.
"Bakit parang ayaw mo ng tanggapin yung mga binibigay ko sayo?"
"Di naman sa ganun Hon, kaya lang meron pa naman kasi ako kaya no need na bumili!" Paliwanag ko. Naka tingin lang siya sakin na parang tinitimbang niya yung paliwanag ko.