webnovel

You Are Safe

"Saan tayo pupunta?" Gulat na gulat kong tanong kasi nga baka kung saan niya ko dalhin.

"Kain muna tayo, May masarap na kainan diyan sa may Pasay." Paliwnag naman niya sakin nung maramdaman niyang nagpa-panic ako.

"Pero masyado na kong mapapalayo sa bahay ko. Doon nalang tayo kumain sa bandang Quezon City." Sabi ko naman habang tumingin sa relo ko kasi nga anong oras na at malamang abutin ako nito ng hating gabi bago maka uwi samin.

"Wag kang mag-alala hahatid kita!"

"Malayo bahay ko sa Bulacan pa ko!" Mariin kong tangi kasi nga mapapalayo siya ng husto.

"Okey lang hahatid kita kahit sa Aparri ka pa!"

"Bahala ka nga ikaw naman mapapagod!"

"Okey lang ako mapagod basta may reward ako mamaya!" Naka ngiti niyang sabi.

"Anong reward?" Kinakabahan ko namang tanong.

"Basta malalaman mo mamaya!" Naka ngiti parin niyang sabi.

Di ko naman na masyadong binigyang pansin yung sinasabi niyang reward. Isip ko baka simpleng halik lang yun at di naman na yun big deal kasi nga naghahalikan na naman kami. Kaya nagkibit balikat nalang ako.

Kahit papano di masyadong traffic kaya agad kaming nakarating sa pupuntahan naming pero laking gulat ko ng pumasok yung sasakyan namin sa Casa Milan de Manila, One of property din nila Martin na hotel.

"Bakit dito tayo?" Agad kong tanong nung pumasok na yung sasakyan naming sa underground parking area.

"Masarap pagkain dito! Ito yung branch ng hotel namin na may magling na chief pagdating sa pagluluto. Tiyak magugustuhan mo!" Sagot sa akin ni Martin habang nag park siya ng sasakyan malapit sa entrance ng hotel. Mukang naka laan talaga sa kanya yung space na yun. Agad kaming bumaba ng sasakyan.

"Akin na yung bag mo?" Sabay abot ng back pack ko.

"Wag na! Magaan lang naman ito!" Mabilis kong pagtangi. Paano ba naman di bagay sa porma niya yung bag ko na light blue ang kulay kaya di ko talaga binigay sa kanya. Pero naging mapilit si Martin kaya ang nangyari naghihilahan kaming dalawa.

"Akin na!"

"Okey lang kasi! Wag na!" Mariin ko paring tanggi.

"Good Evening po Sir and Ma'am!" Magalang na bati ng guard sa aming dalawa.

Na tanging tango lang ang isinagot ni Martin. Dahil sa gulat ko nabitawan ko yung bag na siyang sinamantala naman ni Martin para makuha ng tuluyan. Agad niya itong isinukbit sa balikat niya at sabay hawak sa kanang palad ko at lumakad na kami papuntang elevator kung saan binuksan na ng security guard para sa aming dalawa.

"Nakakahiya sa tao di bagay yung bag ko sa porma mo. Akin na!" Muli kong hinawakan yung bag na nasa kanang balikat niya. Dahil nga hawak niya yung kanang kamay ko para makuha ko yung bag kailangan kong humarap sa kanya.

"Wag ka ng makulit!" Saway niya sa akin sabay halik sa labi ko. Dahil dun hinayaan ko na siya kahit sa loob ko hiyang-hiya talaga ako. Pano ba naman yung ngiti ni Manong guard kanina mukang may malisya pano nalang kung makita pa ko ng iba pa niyang empleyado. Dumiretso na sa may roof deck ng hotel yung elavator na sinasakyan namin at dahil dun medyo nakahinga ako ng maayos kaya di ko napigilang mapabunting hininga.

"Hays!"

"Bakit?" Tanong sa akin Martin.

"Wala naman!" Sagot ko pero di ko parin mapigilang yumuko if ever na may biglang sumakay ng elevator.

"Baka naman mabali yung leeg mo sa sobra mong pagkaka yuko!" Pang-aasar ni Martin habang naka ngiti. Pero di ko nalang siya pinansin. Nagtaas lang ako ng paningin nung marinig ko ng bumukas yung elevator at hinila na ko ni Martin para lumabas. Agad bumungad sa akin ang isang malawak na garden na may malaking swimming pool sa may gitna ay may isang malaking salamin na dingding na sa tingin ko ay isang presidential suite.

"Ang ganda naman!" Di ko napigilang mamangha sa nakita ko lalo pa nga at tanaw na tanaw mo yung dagat ng manila bay at liwanag ng buong Metro Manila plus yung kalangitan na punong-puno ng bituin.

"Gusto mong dito kumain sa labas?" Narinig kong tanong ni Martin sa akin na agad ko naman tinugon ng tango at ng isang matamis na ngiti.

"Hintayin mo ko dun sa lamesa, tawag ko lang yung pagkain natin!" Pagkatapos kong tumango agad akong sumunod sa utos ni Martin kaya lumakad ako papunta sa sinasabi niyang lamesa na nasa bandang gilid ng swimming pool. Habang naka upo pinagmamasdan ko yung buong paligid.

Meron man made waterfalls sa may unahan ng swimming pool kung saan napapaligiran ng malalaking bato. Habang ang buong paligid merong mga ibat-ibang uri ng halamang namumulaklak. Samantalang sa kinauupuan ko ay may isang maliit na bar at grill station.

Tamang tama sa mga party and events na gaganapin kung sakali.

"Inom ka muna tubig!" Alok sa akin ni Martin ng makalapit siya sa pwesto ko.

"Salamat! Asan yung bag ko?" Tanong ko naman sa kanya nung makita kong di niya na ito bitbit.

"Iniwan ko muna dun sa loob!" Sagot niya sa akin habang umupo na rin sa tabi ko. Naka-upo kami sa isang mahabang upuang rattan habang ang lamesa ay marmol na square. Napaka kumportable ng pwesto namin lalo pa nga at malamig din ang simoy ng hangin.

"Buti di ito agad nasisira kapag nababasa?" Inosente kong tanong habang niyakap ko yung unan na nasa likod ko.

"Kapag umuulan sinasarado yung pergola!" Sagot niya sa akin sabay turo sa akala mo ordinaryng bakod lang.

"Gusto mong makita?"

"Huh… Sige!" Mabilis siyang tumayo sabay may hinilang lubid. Agad nagsarado yung bubung pati yung tatlong bahagi ng ding-ding. Ibinababa niya rin yung kurtina para dun sa nanatiling bukas dahil dun biglang dumilim yung paligid kasi nga yung ilaw na nagbibigay liwanag sa pwesto namin ay yung nang gagaling sa mga poste sa gilid ng pader.

"Martin!" Agad kong sigaw dahil nga medyo natakot ako.

"YOU ARE SAFE!" Sagot naman niya sa akin sabay yakap sa baywang ko. Di naman ako natatakot dahil sa dilim kundi sa posible niyang gawin sakin lalo pa nga at kaming dalawa lang ang naroon at kahit anong gawin niya ay di ako makakahinge ng tulong o makakatakas.

Chapitre suivant