webnovel

CHAPTER 23

AN: Salamat sa mahabang paghihintay at sana'y nariyan pa kayo upang ako'y samahan sa nalalapit na pagtatapos ng story na ito. Salamat sa mga dagdag supporters ko diyan. 😉

==========================================

JESSY

Sa buhay ko wala akong sinukuan kahit pa puro paghihirap at pagtitiis ang nakasanayan ko noon. Simula ng maulila na ako sa magulang ko napunta ako sa malupit kong tiyahin at tiyuhin, ginawa nila akong tagasunod sa lahat ng kagustuhan nila. Ako ang nagpapakain sa kanila at nagbibigay sa mga pangsugal nila.

Simula ng tangkain akong gahasain ng tiyuhin ko na kinampihan ng tiyahin kong gaga. Lumayas ako dahil kusang lumakas at tumibay ang loob ko sa panahong wala akong malapitan, nagpanggap ako bilang lalaki para na rin sa proteksyon ko sa sarili ko para sa mga taong hayok sa laman. Hanggang sa mapadpad ako sa isang lugar kung saan mamumulat ang mata mo mundo ng mga kasamaan, wala na akong pangarap noon sa buhay ko pero dumating ang isang Boss Ahraw sa buhay ko.

Dumilat ang mata ko at tiningnan ko sa labas ng ring ang nag-aalalang mukha ni Ahraw. Napangiti ako dahil sa naaalala ko ang lahat-lahat kung paano nagsimula at ngayon nandito kami upang makamit ang kalayaan at hindi ako papayag na hindi ako manalo sa laban na ito.

"Mga mahal naming manonood ito na kaya ang katapusan ni Jessy Young? Nakakalungkot naman."

Nilingon ko kung saan man nangagaling ang tinig na 'yun at muling umingay na naman ang mga taong nandito. Sinulyapan ko naman itong babae na kalaban ko at nakangisi siya sa akin ngayon.

Habang naglalaban kami simula kanina 'ay kahit paano nalaman ko ang galaw niya. Hindi niya kayang dumikit ng husto sa akin at hindi ko alam kung bakit kaya naman may naisip ako. Naalarma ako ng gumalaw na muli ang kalaban at hindi ko alam pero pakiramdam ko balewala na ang mga sugat ko dahil namanhid na ito.

"Ito na ang katapusan mo!"

Sigaw nito at sobrang bilis na kumilos habang hawak ang espada nito. Papalapit na sa akin hinanda ko naman ang sandata ko dahil sa huling pagkakataon na ito ibibigay ko na ang huling natitirang lakas ko. Konti na lang at malapit na ang dulo ng patalim sa mukha ko, mabilis na gumalaw ang paa ko at umikot ako patalikod sa kanya at winasiwas ko ang hawak ko na sandata habang nakatalikod ako.

Sunod-sunod na tinamaan ko ang likod nito at nagtatalsikan ang mga dugo halos makita na ang mga buto nito sa likod dahil sunod-sunod na atake ko. Dumikit ako sa likuran niya at sinakal ko siya ng kaliwang braso ko habang nakatutok sa dibdib niya ang talim ng espada ko.  Hindi ko alam kung bakit parang hindi siya gumagalaw at napatingin ako sa may harapan at doon nagtama ang mata namin ni Mr. Valdez na nakangisi sa akin ngayon.

Hindi ko na pinansin ang tingin na yun dahil inangat ko na ang samurai na hawak ko at itinarak ko ito sa dibdib nang kalaban ko. Bagsak ito sa sahig pero pakiramdam ko hindi ako na nasiyahan sa nagawa ko dahil titig na titig ako sa walang buhay na kalaban ko. Kasabay ng paggil ng ingay sa paligid ko.

Tatlong sunod na palakpak ang narinig ko at mula 'yun kay Mr. Blackmoon na ngayon ay ngiting aso sa akin.

"Hindi na masama Jessy dahil nanalo ako sa pustahan namin ni Mr. Valdez, tama ba?" Salita nito at nakangiting nilingon si Mr. Valdez.

Nabitawan ko na ang sandata ko at nilingon ko si Ahraw sa gilid pero nagulat ako dahil may anim na lalaki ang nakapalibot sa kanya at mga nakatutok ang baril sa kanya. Sa kabilang dulo naman kung saan nakaupo si Eveth at Garry may mga nakaharang rin sa kanila na mga nakaitim na kalalakihan.

"Anong palabas mo Mr. BlackMoon?" seryoso na tanong ni Mr. Valdez na hanggang ngayon 'ay nakaupo pa rin.

"Wala naman gusto ko lang makuha ang lahat pati rin na ang kung ano'ng mayroon ka, Mr. Valdez." ngiting demonyong sagot ni Mr. BlackMoon.

Sandali anong nangyayari? Naguguluhan na tanong ko sa sarili ko. Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Ahraw na seryosong nakatingin sa akin na wari'y mo'y may ibig ipahiwatig. Samantala si Mr. BlackMoon ay naglakad papalapit kung saan si Ahraw.

"Pa'no ba yan, Ahraw. Talo-talo na tayo ngayon at isa pa hindi na kita kailangan pa." nakangising asong ulol na sambit nito 'kay Ahraw.

Nagulat na lang kami ng biglang sumarado ang lahat ng pintuan pati na ang mga bintana. Biglang dumilim ng bahagya ang paligid dito sa loob at may kakaiba akong naramdaman ng tumayo si Mr. Valdez sa kanyang upuan.

"Sige na, tapusin niyo na si Ahraw!" Muling sigaw ni Mr. BlackMoon na balewala sa nangyayari.

"Huwag! Nanalo ka na, ano pa ba ang gusto mo? Palayain mo na kami!" naiiyak na sambit ko dahil hindi ko kayang mawala si Ahraw.

Gusto kong tumakbo palapit kay Ahraw dahil lahat ng nakapalibot sa kanya ay nakahanda ng barilin siya. Pero ang mga paa ko hindi ko na maihakbang parang may pumipigil.

"Hayaan mo na sila manood ka na lang sa gagawin ni, Ahraw."

Kinilabutan ako ng marinig at maramdaman ko ang malamig at paos na boses sa likuran ko at walang iba kundi si Mr. Valdez.

"Ano pa ang hinihintay niyo? Patayin niyo na ang kinikilala niyo na boss! Dahil ako lang panginoon niyo." nagsisigaw na utos ni Mr. BlackMoon sa tauhan nila.

Nakita ko na lang na kusang umikot ang mga baril ng mga tauhan ni Mr. BlackMoon paharap sa kanya. Gulat na gulat at namimilog ang mata niya dahil sa kanya na ngayon nakatutok ang mga baril ng sinasabi na tauhan niya.

"Mga mangmang! Tarantado! Bakit sa akin niyo tinututok? Hangal! Yan ang patayin niyo dahil ako ang boss niyo!"

Nangagalaiti na sigaw ni Mr. BlackMoon ngunit hindi siya pinansin ng mga tauhan nito.

"Hindi ikaw ang boss namin dahil si boss Ahraw lang ang panginoon namin." seryoso na may halong galit na sagot ng isang tauhan na katabi ni Ahraw.

Nawala naman ang pangamba ko ngunit ang daming tanong sa isip ko pero saka na lang ako magtatanong.

"Simula ng ako ang pahawakin mo sa lahat, wala ka ng karapatan at tinanggalan na kita. Naawa lang ako sa'yo kaya hinayaan kitang gawin ang gusto mo, pero hindi ikaw ang boss dito. Ako ang nag-iisang Mafia Lord." kalmadong paliwanag ni Ahraw dito habang inaayos ang kurbata nito.

"Hindi ito yan mangyayari!" Sigaw ni Mr. BlackMoon at bumunot ng baril sa likuran nito.

Pero nakaramdam ako ng hangin na mabilis na dumaan sa gilid ko at sa isang iglap nandun na si Mr. Valdez sa likod ni Mr. BlackMoon at hawka nito ang leeg na nakabaluktot.

"Sige na, umalis na kayo dito. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at pati kayo 'ay idamay ko dito." seryosong salita ni Mr. Valdez.

Pero pakiramdam ko para akong tinuklaw ng ahas dahil sa nakita ko na biglang pagkagat ni Mr. Valdez sa leeg ni Mr. BlackMoon, halos saidin nito ang dugo dahil sa malakas na pagsip-sip nito sa leeg.

Paglingon ko sa paligid ko na ngayon ko lang napansin pinagpepyestahan na pala ang mga taong nandito. Nagkakagulo at nagtatakbuhan na, pero ako ito hindi makagalaw ng maayos dahil sa hindi makapaniwala sa mga nakikita ko na mga bampira ang nandito lalo na si Mr. Valdez.

"Jessy!"

Napalingon ako sa tumawag si Eveth kasama si Garry pero hinanap ng mata ko si Ahraw. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang pag-angat ng katawan ko at napatingin ako dahil binuhat pala ako ni Ahraw, hinalikan ako agad nito sa labi na bagay na nagustuhan ko at biglang nangilid ang luha ko.

"PALABASIN NIYO SILA! WALANG GAGALAW SA KANILA KUNG HINDI MAMATAY!"

Napahinto sa paglakad si Ahraw dahil sa malakas na sigaw ni Mr. Valdez, dahil maraming mga bampira ang nakaharang sa may pintuan. Na sa likuran naman namin sila Eveth at Garry na hindi maiwasan na hindi matakot sa nakikita nila.

"Humawak kang mabuti sa akin." mahinang salita ni Ahraw.

Tumango lang ako at kasabay ng pagbukas ng malaking pintuan sabay-sabay na lumabas kami ng pinto.

"Ahraw at Jessy! Binabati ko kayo dahil nakalabas kayo, hanggang sa susunod na pagkikita natin."

Napaharap bigla si Ahraw dahil sa sinabi ni Mr. Valdez na nagpapahid pa ng dugo sa labi nito, makahulugan na ngumiti si Mr. Valdez nang tumango si Ahraw.

Paglabas namin nagsisigaw si Eveth at Garry sa saya dahil nga sa malaya na kami. Sinakay na ako ni Ahraw sa kotse sa isang sasakyan naman si Eveth at Garry. Inayos ni Ahraw ang pwesto ko at kinabitan ako ng seatbelt, pero habang kinakabit niya ito langhap ko ang mabangong amoy niy.

"Masaya ako at magkasama na tayo," seryoso na sambit nito.

Tumitig lang ako sa mata niya hanggang sa bumaba muli ang labi nito sa nakaawang na labi ko, akala ko tapos na pero muli niya ulit akong hinagkan ng ilang beses. Napangiti na lang tuloy at ganun rin siya sa akin.

"I miss you." mahinang bigkas nito.

"Mas miss na miss kita," nahihiyang sagot ko naman.

"Pahinga ka muna gisingin kita kapag na sa hospital na tayo." nakangiti salita pa nito.

Tumango ako at pinikit ko ang mga mata ko dahil kailangan ko magpagaling dahil sa mga natamo ko na sugat. Pero kahit ganun pa man napakasaya ko sobra dahil ok na ang lahat kahit maraming malungkot na pangyayari.

BM_BLACK301🔫

Chapitre suivant