Nakatitig ako sa notebook ko.
friday ngayon at super haggard na ng mga kaklase ko, patapos na kasi ang school year.
nilingon ko si Jethro na nag peace sign sa akin.
hilig nyang humiram ng notes tapos susulatan ng riddles.
"What is the Difference Between a school boy studying and a farmer watching his cattle?"
napa nguso nalang ako. Kundi ko lang sya crush binato ko na sya ng notebook ko, pero aaminin ko—lahat ng riddles nya naka save sa phone ko.
manhid lang naman si jethro e.
nakakinis.
-----
natapos ang buong maghapon iniisip ko ang sagot sa riddles nya.
sabihin na nating wala akong kaibigan.
ayaw nila sa akin e. well the feeling is mutual. sumakay na ako ng jeep at deretso sa bahay.
---
nasa pinto na ako ng gulat na tumingin sa akin si Kuya Marco .
"bakit kuya?"
" wala , susunduin sana kita e. " at kinuha ni kuya ang bag ko.
aww sweet ng kuya ko noh? naupo ako sa upuan at nanuod agad ng tv, sakto namang balita.
"Ercyl magbihis ka na muna!" sigaw ni mama sa kusina .
"mamaya po!" sigaw ko pabalik.
"ayan ercyl wag kana gumala baka kunin kadin nyang mga van at gawin kang isaw" at humalakhak si kuya.
"kadiri ka kuya! like duh mga bata lang sinasakay sa van saka magpapahuli ba ako?magaling kaga ako tumaka-----aray aray!"
napangiwi ako ng pingutin ni kuya marco ang tenga ko.
"warning yang nasa tv. walang masama kung susunod ka kaya babantayan kita, bawal ka lumabas baby ka namin e. " at niyakap nya ako.
"kuyaaaa kadiri ka! ewww ha !mama o si kuya!" sigaw ko.
" marco pagbihisin mo muna yang si ercyl at mamalengke kayo at may pupuntahan pa ako bilis!" sigaw ni mama.
nag blee lang ako kay kuya at nag madaling magbihis sa kwarto ko at bumaba na.
hue hue tatakasan ko si kuya!
---
"kung inaakala mong matatakasan moko as you wish brat"
P-nat ni kuya ang ulo ko,napa nguso nalang ako.
nakakainissss Im not a baby!-----well baby face naman hue hue.
hinawakan ni kuya ang balikat ko habang tinutulak ko ang cart.
yung totoo naka dalawang ikot na kami pero wala pa si kuyang dinadampot na pagkain.
"kuya?"
"hmmm?"
"gago kaba?---aray! pumili kana kasi di naman kita tatakasan e!" inis kong sabi ng batukan nya ako.
huminga sya ng malalim
"siguraduhin mo lang"
pagbabanta nito, I make my huge smile ng maging busy sya sa pag pili ng mga gulay.
asus. palibhasa expert sya sa pagluluto samantala ako buhay prinsesa.
naka headset lang akong naglilibot sa mga prutas..
kung prutas lang ang isaw tumaba na ako hahaha.
napatingin ako sa labas, may humintong van na kulay itim at may lalaking highschool na cool bumaba sa van at nagtingin tingin sa paligid.
napakunot noo ako ng may babaeng teen ager na lumapit sa gawi nya at nanlaki ang mga mata ko at nabitawan ang apple na hawak ko ng takpan nya ang bibig ng babae at kita ko sa mata ko ang gulat ng babae at nawalan ito ng malay bago nya ipasok sa loob.
may Lalakeng naka mask din ang tumulong sa pagbuhat sa babae at pinasok sa van.
sobrang bilis ng takbo ng puso ko.
feeling ko nangangatog na ang tuhod ko at tagaktak ang pawis ko kahit aircon naman dito.
ewan ko ba kung nakahinga pa ako nung tumingin sa gawi ko yung lalakeng misteryoso na walang maskara at ngumisi at nag sign na 'shhh' gamit yung hintuturo nya sa bibig nya bago pumasok na loob ng van at umalis na ito. .
kita nya ako..... kita ko din sya...
Kita namin ang isat-isa. Napailing ako dahil nagawa ko pang mag biro sa isip ko.
Pero sino ba sila?..
"hoy ercyl yung apple nalag-lag mo ikaw mag bayad nyan bahala ka" diko namalayang nasa tapat ko na pala si kuya.
napakurap ako at pasimpleng pinahid ang pawis ko.
" tara na kuya" medyo may takot sa boses ko hindi ko pinansin ang sinabi nya.
"oh?akala ko tatakas ka pa?"
"h-hindi ano inaantok na ako"
"himala naman ercyl hahaha ikaw matutulog? puyaters kadiba?"
hindi ko sya sinagot dahil hindi maalis sa isip ko kung nakita ko kanina.
Natatakot pa din ako, what if totoo yung nasa balita?
---
nang makauwi kami sa bahay si mama na umiiyak ang nakita namin kaya napatakbo kami sa kanya.
"ma bakit po?"sabi ni kuya.
kilala namin si mama.
hindi sya iiyak basta basta.
sya na ata ang single mom na matapang na nakilala ko.
"Yung tito nyo.. tuluyan na atang nasiraan ng bait" si mamang pinipilit umalma.
"ercyl umakyat ka na muna sa kwarto mo "
aangal pa sana ako pero siguro iniiwas nila ako sa usapang yun.
ang alam ko kasi si tito ay matalino sa Harvard Univerdity sya nagtapos at cumlaude pa.
ang diko alam ay buong pagkatao nya.
pinilit kong pakalmahin ang sarili ko at kinuha ang tablet ko at nag facebook.
3message??
binuksan ko yun.
2hours ago..
Alexa ...
Insan kelan tayo gagala?
1hour ago..
Nikka ..
Hi po pasabi po kay marco crush ko sya.
just now..
Jethro pogi.
alam mona ba ang sagot?
nag reply ako na nakangiti.
hindi e, sorry bobo ako
just now...
jethro pogi
answer : one is stocking His mind while the other is minding his stock
waw naman , talino talaga e.
just now
jethro pogi
alam mo ba na parang si crush ko si riddles?
huh? paano?
just now..
jethto pogi
kasi mahirap maunawaan,ayaw sya ng iba pero ako ?
—gustong gusto ko sya.
just now..
HASHTAG SAKLAP BES MAY GUSTO SYANG IBA!
ahm sige tulog nako
justnow..
jethro pogi
goodnight Riddles
just now...
napabuntong hininga ako...
bakit ang hirap unawain ng isang Jethro Alvin Devastre?..
pero never ko pa syang nakitang may babaeng pinakitaan na gusto nya ito.
o com' on ercyl huwag kana umasa may misis riddles na yun.
-----------------