Nanonood kami ngayon nila lola at lola Flory ng TV sa most watched channel, kung saan LIVE ngayon si ate Merly para sa isang interview patungkol sa kumalat na balitang patay raw ako, at sinang ayunan pa ni Carter.
"Ang totoo nyan si Miss Mcain ang may ayaw sa lahat ng mga interview na inaalok niyo. She always keep on saying... *Bakit kailangang malaman ng iba kung ano ang buhay ng ibang tao? Bakit kailangan nilang malaman kung ano ang nangyayari sa kanila? Bakit kailangan nilang maging interesado sa buhay ng iba kung sa mismong sarili nila at kapamilya nila hindi nila magawang magkaron ng interes? Minding other people's business won't do you any benefits, you may be amaze for what they have, then what next? Your life won't change just because you care what others business. But, there's one thing that I really am sure would change their lives... and that is when they would stop minding them. Why? Because you will only focus to yourself... you will notice every single things you should do and you should not. How? In the way that you are now living in your own world and claiming that you are the protagonist on it.*"
Hindi ko alam kung matutuwa ako sa pagmimic ni ate Merly sakin habang sinasabi yun o yung kadahilanang ibinahagi niya ito sa iba dahil wala talaga akong ibang hangad sa sinabi kong yun kundi ang itigil nila ang pagbibigay oras sa mga bagay na walang kabuluhan sa kanila at ituon nalamang ang oras sa kung saan nararapat at magbibigay ng magandang kinabukasan para sa sarili nila.
"Ikaw talagang bata ka." proud na sabi sakin ni lola Flory habang hawak-hawak niya ang kanang kamay ko at si lola naman ay sa kaliwa.
***
"I think, Miss Mcain can't say that when she is in our situations." sabi ng isang reporter na mukhang may galit sa mundo sa pamamaraan ng pagsasalita niya. Open kasi ang interview na 'to sa kahit anong media kaya napakarami nila.
Sa sinabing yun ng reporter ay mahinang napatawa si ate Merly na ikinatinginan nila at habang may nakakatuwa pa ring mukha si ate Merly ay sinabi nitong "Not because Miss Zyna was born as a crazy rich that all of us would wish to have doesn't mean she can't also experience the life of an ordinary people or should I say being POOR? Hindi niyo alam baka yang nakakasalamuha niyo, si Miss Mcain na pala. Tumutulong at nagvovolunteer si Miss Mcain sa mga palengke, sa factory nila at sa ilang mga pananiman sa mga probinsya at madalas ding... ops. hindi ko napapansin napaparami na akong nasasabi patungkol sa kaniya at baka mapahamak pa siya dahil dito." pagsasabi niya na ikinatawa nilang lahat dahil talagang tutok na tutok sila at ng sabihin niya ang mga pinupuntahan ko tulad ng palengke ay dun na din ako nabahala.
"Paano nagkakilala si Miss Mcain at Carter?" tanong ng isa na namang reporter na babae at pansin kong puro mga nasa 20s ang karamihan na mga nandito at nagtatanong.
"To be honest, matagal ng kilala ni Miss Mcain si Carter sa pangalan at siya ang paborito nitong singer. Alam niyo yung kanta nitong 'A little Too Much'? Yun ang paborito nitong kanta pero hindi ko alam kung paano sila nagkakilala." pagsagot ni ate Merly habang tinignan ang cellphone nitong umilaw na nakalagay lamang sa table nito.
"Kung ganun mapunta po tayo sa nangyaring kumalat na patay po siya na kinumpirma pa ni Carter." pagtatanong ulit ng isang lalaki.
"Hindi ko masasagot ang mga nangyari patungkol dyan kaya tinawagan ko ang namamahala sa Secret Room na si Danny kanina dahil ito naman talaga ang dahilan kaya nangyari ang interview na 'to para sagotin ang tungkol dyan at katatanggap ko lang ng kaniyang txt at nasa labas na raw siya. Hintayin nalang po natin ng ilang minuto." paliwanag ni ate Merly at pagkasabi niya pa lang ng Danny ay bigla silang napasinghap at mukhang tuwang-tuwa dahil makikita nila ito. Ano bang nakakatuwa sa Danny na 'yan.
Yeaa I can't call him kuya dahil sa nangyari kahapon na hanggang ngayon hindi ako makapaniwalang akala mo kung sinong mabait at sunod sunuran kung meron si lola pero kung wala pala akala mo kung sino na. Tsk napakayabang.
"Worth it naman ba ang paghihintay niyo?" biglaang tanong nito nang makarating siya sa tabi ni ate Merly at saka tinanggal ang shades na feeling gwapo. Tsk yabang.
Hindi naman halatang kinikilig sila at may gusto sila sa reaksyon nila. Yeaa I'm being sarcastic right now. Halatang halata naman na tuwang tuwa sila dahil naron siya.
Ano bang nakita nila sa lalaking yan. Tsk
"Higit pa ata sa worth it." Pagkomento naman ni ate Merly na ikinatuwa ulit nila.
"Okay then ano ba dapat kong sagotin?" Diretso na nitong tanong nang humupa ang kasiyahan nila.
"May girlfriend ka na ba?" tanong ng isang bakla atang reporter na ikinatawa nilang lahat.
"Ako na sasagot, wala pang gf. Pero may matagal ng gusto." Walang pigil na sagot ni ate Merly na ikinatingin sa kaniya ng lahat at sabay-sabay na nag 'Awwww' na pa sad effect nila at kita ko sa mata ni Danny na nagulat sa sinabi ni ate Merly at tinignan niya pa ito na *bakit mo sinabi look* pero nawala din at sinakyan agad niya ang sinabi ni ate Merly.
"Shhh Ate, siguradong nanonood sila Doña Raconia ngayon. Kung nanonood man po kayo señora, pasensiya na po." sincere nitong paumanhin na ikinairap ko. Hindi ko alam pero umpisa kanina ay naiinis na talaga ako sa kaniya, lahat ng gawin niya ay nakakairita sa paningin ko.