webnovel

If only you knew

Oras na rin siguro para tawagan si tito Nathan na magtake na 'ko ng exam para wala na akong iisipin pa kinaumagahan para sa pamamahala ko sa kompanya bukas.

Dalawang ring lang nasagot na agad ni tito Nathan kaya napangiti nalang ako.

"Hello tito Nath! Goooood Morning" masigla kong bati sa kaniya na ikinatawa niya dahil para akong bata

"Magandang umaga mahal na prinsesa. Anong maipaglilingkod ko sayo?" ayan na naman siya sa mga paprinsesa niya at habang buhay na ata akong kakausaping parang prinsesa; mula kasi ata nang ipanganak ako ganiyan na makipag-usap si tito Nathan sakin.

Siya ang nag-iisa kong tito na nagmamay-ari ng DMU kung saan ako nag-aaral kaya din pumayag si lola na dun na ako mag-aral kesa sa ibang bansa dahil at least dun ay nababantayan daw ako ni tito Nathan kahit na madalas naman siyang wala sa school.

"Naku naku tito... humanap ka na kasi ng asawa at magkaron ka na rin ng anak tsk tsk sayang ang genes. Wala man lang akong nakababatang kamag-anak." pangaral ko sa kaniya dahil hanggang ngayon ay wala pa siyang asawa pero wala na ata siyang balak magkaron ng asawa pa dahil nasa 40 years old na din si tito Nath.

Si tito Nathan ang kaisa-isa naming kamag-anak ni lola na anak ng kapatid niyang si lola Flory. Tag isa lang sila ng anak at yun ay si tito Nath kay lola Flory at kay lola naman ay kay Daddy.

Si lolo Cesar ang asawa ni lola Juanita na pumanaw na noong limang taong gulang pa lang ako; si lolo nalang ang nag-iisang Fetherston sa angkan nila at mukhang tuluyan ng mawawala ang angkan naming mga Fetherston dahil sa kasamaang palad ay nag-iisang anak si daddy na nawala na rin noong dalawang buwan pa lang ako sa mundo at ang mas matindi pa ay nag-iisang anak lang din ako at babae pa. Kung tutuusin parang hindi kapanipaniwala na ganito ang nangyari sa pamilya Raconia kasi sa side ni lola ay marami kaming mga kamag-anak pero malayo-layo na rin.

"Naku... tigiltigilan mo na rin ako sa asawa na 'yan iha dahil asahan mong ikaw nalang ang magiging prinsesa ko habang buhay. Bakit ka pala napatawag?" pangangatawan ni tito na iniba na ang usapan na ikinailing ko nalang dahil kahit araw-araw ko pang sabihang dapat na siyang magkaron ng asawa ay wala talagang balak magkaron.

"Kung pwede sana tito gusto ko ng magtake ng exam ngayon kasi bukas ay ako na ang mamamahala sa mga negosyo namin at siguradong hindi na ako magkakaron ng oras para mag exam pa—" agad akong pinutol ni tito dahil sa gulat.

"Magpapakita ka na bilang Mcain?" tanong nito na parang hindi makapaniwala.

"Relax tito, hindi pa 'ko magpapakita. Dito pa rin ako sa mansyon magtratrabaho tulad ng nakagawian ko na pero madadagdagan na nga lang at saka yung mga kailangan kong pirmahan ang may kahirapan pero naisip kong si ate Merly na ang bahalang magbigay sakin dito sa mansyon" paliwanag ko habang papunta sa terrace para pagmasdan ang malawak na kagubatan kung saan nakatayo ang mga naglalakihang puno at umupo sa nag-iisang upuan na kung saan pwedeng i-adjust at gawing higaan na madalas kong gawin para pagmasdan ang mga naggagandahang bituen sa langit kada gabi.

Sinang-ayonan agad ni tito ang desisyon ko kaya pagkatapos naming mag-usap ng ilang sandali ay ibinaba na niya ang tawag para ipadala daw ang sekretarya nito dito sa mansyon na siyang magpapaexam sakin dahil mahirap daw kung gagawin kong online ang exam ko at mahihirapang gawan yun ng paraan ni tito at baka makilala pa nila ako.

Mas mabuti pang hintayin ko nalang muna ang sekretarya ni tito habang nakikinig sa mga kanta ni Carter.

Nakakaapat pa lang ako ng kanta ni Carter nang hindi ko na matiis at naisipang tawagan naman si ate Merly. Hindi ko alam pero ngayong nandito si Carter sa mansyon ay parang nararamdaman kong hindi niya gustong narito siya at gusto kong bigyan siya ng pagkakaabalahan.

"Yes Miss Mcain?" bungad ni ate Merly, minsan tinatawag nila ako sa pangalan ko mismo pero mas madalas na igalang nila ako para hindi sila masanay na tawagin akong isang ordinaryo lang at ayaw yun ni lola na naiintindihan ko naman dahil dapat talaga ay igalang nila ako pero yun ang hiniling ko kay lola na kahit sana paminsan-minsan ay ituring nila akong isang karaniwang tao lamang.

"Tanongin niyo po si Carter kung gusto niyang pumunta sa music room at pwede po siyang pumasok dun ate" Ako lang kasi ang pwedeng pumasok sa music room at may mga iba't ibang guitara dun na ako mismo ang gumuhit ng mga disenyo nila para kay Carter. Hindi ako marunong tumugtog o kahit kumanta man lang pero mula nang makilala ko si Carter, naisipan kong magkaron ng music room kung saan sa paglipas ng tatlong buwan ay nagkakaroon ito ng mga bagong kagamitan hanggang sa naipon na at nakompleto ang mga ito.

Sana hindi niya mapansin ang mga nakaukit sa gilid ng mga pangalan ko na may mga initial ng pangalan niya. Linagyan ko ng mga initial niya dahil para naman talaga sa kaniya ang mga ito.

May limang klase ng guitara roon at ang limang yun ay syempre nakaukit pa rin ang mga pangalan ko pero sa bawat huling letra ng Mcain ay may nakalagay na isang maliit na letter sa tabi nito.

Yung naunang guitara na dinesenyo ko ay C ang nakalagay, sa pangalawang guitara naman ay A; pangatlong guitara ay R, pang-apat ay T, at ang huli na panglimang guitara ay E na kung babasahin mo ay CARTE.

Hindi pa 'ko gumagawa ng pang-anim para sa huling letra na R. Sadyang hindi pa 'ko gumagawa dahil gusto kong yung panghuling guitara ay ibigay ko mismo sa kaniya at gusto ko na sana sa mga oras na magawa ko na yung huling guitara ay kilala niya na rin ako.

Chapitre suivant