webnovel

Until When

"Hindi ko napansin. Tignan mo sa inuupuan mo at baka nariyan lang yun." pagsagot naman ng kaniyang ate Merly.

"Wala talaga ate" sagot ni Mcain habang maigi pa rin nitong hinahanap at saka kinakalkal ang bag niya.

"Naku, baka nahulog mo na yun iha." biglang suhestyon ni mang Roman

"Pangalan mo pa naman ang nakatatak dun." ani naman ng kaniyang ate Merly

"Hayaan mo na ate, baka sa opisina ni lola nalaglag yun." paniniguro ni Mcain

"Pero paano kung sa labas ng opisina?" pag-aalala ng kaniyang ate Merly at saka sila sabay na nagkatinginan.

Walang pag-aalinlangang tinawagan ulit ni Mcain ang kaniyang lola para ipacheck sa CCTV nila dahil hindi pwedeng may makaalam na pumupunta ito sa kanilang kompanya.

Hindi alam ng kahit sino sa mga empleyado nila na pumupunta ito dito kaya kailangan nilang manigurong wala pang nakakakita.

"Lola, can you ask kuya Danny to send me the cctv footage in your office when I got there?" Bungad agad ni Mcain sa kaniyang lola ng sagotin nito ang tawag.

Si Danny ang namamahala sa secret room kaya siya ang may access sa lahat.

"Why iha?" nagtatakang tanong ng kaniyang lola

"Hindi ko po kasi alam kung nahulog ko po yung wireless headphone ko sa labas ng office niyo lola." sagot nito na naintindihan agad ng Doña kaya tumingin agad ito sa katabi ng driver kung nasaan si Danny.

Malayo ang Doña sa kinaroroonan nito kaya kailangan niyang lakasan ang boses para marinig siya nito.

"Danny, can you check the cctv footage where Mcain left her wireless headphones awhile ago. You need to check it, now." utos ng Doña habang nasa kabilang linya pa rin si Mcain kaya narinig niya ang utos ng kaniyang lola.

Tumingin ang Doña kay Carter na hindi masyadong kalayuan ang layo nito sa kaniya.

Isang itim na Limousine ang sasakyan nila - driver at dalawang bodyguard lang ang kasama nila sa loob at pasadyang si Carter ang isa sa mga bodyguard nito sa loob.

Naalala ng Doña na hindi pala dapat malaman ng kahit sino kaya kakausapin na sana niya si Carter para makiusapan ng unahan siya nito.

"I'm sorry, pero ito po ata ang hinahanap niyo señora." pagpapakita nito sa wireless headset na pagmamay-ari nga ng kaniyang apo at saka tuluyang lumapit si Carter sa Doña para i-abot ito.

"Salamat iho, paano ito napunta sayo?" Tanong nito

"Nasa labas na po ako ng secret room nang tanggalin ko ang kwintas ko kanina at hindi  sinasadyang mahulog ang pendant nitong sing-sing at naisakto pong tumigil ito dahil diyan." pagpapaliwanag ni Carter

"Ganun ba, kung ganun umaasa akong hindi na ito makakalabas pa sa iba." paniniguro ng Doña na naintindihan agad ni Carter.

"Yes po" magalang namang sagot ni Carter

Napansin ng Doña na nakahawak pa rin ito sa kaniyang cellphone kung nasaan nasa kabilang linya si Mcain kaya agad itong nagpaalam sa apo dahil alam niyang narinig naman na niya ang lahat.

"Mabuti nalamang at ikaw ang nakakita dito iho" at saka ngumiti ang Doña kay Carter na manghang tinitingnan ang bawat sulok ng sasakyan.

"Agaw pansin po kasi, kumikinang ang gintong nakasulat dito." nakangiti nitong sagot sa señora.

"Um kung ganun po ay pumupunta po ang apo niyo sa kompanya ninyo?" dagdag nitong tanong sa señora.

"Oo iho, pumupunta siya roon kung tatawagin ko siya." maikling sagot ng Doña na hindi na rin sinundan pa ng tanong ni Carter at kinuha nalang ang cellphone nito at naisipang doon magpalipas ng oras.

Chapitre suivant