Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa CR, sa takot na baka madulas siya
sa isang maling hakbang. Pero siguro dala na rin ng malaki niyang tyan,
ramdam na ramdam niya ang pagkangalay ng kanyang balakang, kaya para
suportahan ang katawan niya, hawak-hawak niya ang kanyang tyan habang
naglalakad papalapit sa lababo.
Habang nagtutooth brush, bigla siyang natigilan dahil sinipa siya ng malakas
ng baby na nasa loob ng kanyang tyan, kaya sa sobrang sakit, napahawak
nalang siya ng mahigpit sa lababo at hinintay na humupa ang kirot.
Sa totoo lang, gusto niya talagang ipaglag ang bata noong una.
Dahil hanggat maari, ayaw niya sanang mabuhay ang bata ng walang tatay,
na bandang huli ay magiging kagaya nalang ni Lu Jinnian – na anak sa labas
at kinamumuhian ng iba.
Pero noong sandaling humiga siya sa malamig na lamesa, bigla siyang
naguluhan kaya noong oras na inihahanda na ng doktor ang anesthesia, hindi
niya na napigillang umiyak.
Anak niya pa rin ang batang nasa loob ng kanyang tyan… dalawang buwan
palang ito, at sobrang inosente… at kahit na hindi pa ito lumalabas sa mundo,
hindi niya pwedeng ikaila na buhay pa rin ito.
Alam niyang mahirap ang maging isang single mother.
Alam niya ring hindi siya ang prinsesang nababasa niya sa mga fairy tale, na
pwedeng makipagbalikan sa prinsipe sa oras na manganak siya.
Pero sa kabila ng lahat ng 'yun, kailangan niyang maging matapang.
Sa totoo lang, sobrang hirap ng dinanas niya sa kabuuhan ng pagbubuntis
niya sa ibang bansa.
Isa pa, artista siya, at alam niyang may posibilidad na kahit na nasa malayong
lugar na siya ay may makakita pa rin sakayanyang paparazzi, kaya hanggat
maari ay hindi siya gaanong lumalabas.
Araw-araw niyang sinusubukang maging matapang, pero bilang tao, may mga
gabi pa rin na umiiyak lang siya hanggang sa makatulog siya.
Ngunit bilang isang ina, nababalewala ang lahat ng hirap at bigat na
nararamdaman niya sa tuwing nakikita niya ang lumalaki niyang tyan at para
bang biglang gumagaan ang lahat.
-
Wala namang naging problema sa panganganak ni Qiao Anhao, at sa totoo
lang, pwede na sana itong lumabas pagkalipas ng apat na araw, pero hindi
pumayag si Lu Jinnian na lumabas kaagad ang magina niya para
masiguradong walang magiging kumplikasyon.
Kaya isang buwan na si Little Rice Cake noong nadischarge si Qiao Anhao ng
ospital.
Sa sobrang saya ng bagong lolo at lola, nagpahanda sina Auntie at Uncle
Qiao ng isang malakihang salu salo.
Sina Qiao Anxia at Chen Yang ang nakatoka sa listahan ng mga bisita kaya
nagimbita sila ng mga business partners na malapit sa Qiao Family at mga
artista na malapit kay Qiao Anhao. Noong hinahanda nila ang mga invitation,
hindi nila masyadong inisip ang bilang, pero noong dumating na ang aktwal na
araw, laking gulat nila na napuno ang buong Qiao Residence sa sobrang dami
ng bisita.
Kahit isang buwan palang si Little Rice Cake, kitang kita na ang kagwapuhan
nya kagaya ng daddy niya na si Lu Jinnian. Sobrang ganda ng kanyang mga
mata, na sinabayan pa ng mahahaba niyang mga pilik mata, at sa tuwing may
lumalapit sakanya, tinitigan niya talaga ang mga ito.
At bilang isang napaka gwapong bata, lahat ng bisita ay gusto siyang makita
at lapitan para yakapin at pisilin. Pero sa napaka murang edad, may isang
kapansin-pansin siyang ugali - sa tuwing babae ang lalapit sakanya, kukunot
ang kanyang noo at biglang iiyak, samantalang pag lalaki naman, tititigan
niya ito ng matagal, na para bang manghang-mangha rito.
Kahit na si Auntie Qiao ang may hawak kay Little Rice Cake, hindi pa rin
maalis ang atensyon ni Qiao Anhao sa anak niya kaya nang mapansin niya
ang kakaiba nitong kilos, bigla siyang lumapit kay Lu Jinnian at bumulong.
"Tignan mo si Little Rice Cake, sa tuwing babae ang hahawak sakanya, lagi
siyang umiiyak, pero pag lalaki, ngiting ngiti siya. Napansin mo ba?"
Talaga? Nagtatakang tumingin si Lu Jinnian kay Little Rice Cake.
Noong oras na 'yun, saktong may ilang kalalakihang lumapit para buhatin ito,
kaya muling lumapit si Qiao Anhao para bumulong, "Lu Jinnian, ah, napansin
ko rin na kapag binubuhat si Little Rice Cake ng matandang lalaki, ayaw niya
din…"