webnovel

Pagbalik tanaw sa ating masasayang kahapon (3)

Éditeur: LiberReverieGroup

Dahan-dahang tinignan ni Xu Jiamu si Lu Jinnian at nang sandaling makita niya

ang mukha nito, biglang nanginig ang kanyang kamay na may hawak na beer,

pero bilang lalaki na hindi naman kasing galing ng mga babae pagdating sa

komprontasyon, pinilit niyang maging kalmado at tumungo nalang sa may ari.

Kinuha ng may ari ang menu at masayang nagtanong, "Mr. Lu, Mr. Xu, ganun

pa rin ba ang order natin?"

"En." Mahinanong sagot ni Xu Jiamu at itinuro niya ang beer na nakapatong sa

lamesa. "Tsaka pakidalhan nalang din kami ng ilan pang beer."

-

Bukod sa maya't-maya nilang paghawak ng kanya-kanya nilang mga baso para

uminom ng beer, hindi na nagusap o kahit nagtinginan manlang ang

magkapatid.

Medyo dayuhin ang restaurant kaya hanggang sa matapos silang kumain,

bukod sakanila ay dalawang lamesa lang ang may laman.

Pero kagaya ng inaasahan, may isang babae na nakaupo sa hindi naman

kalayuan sa lamesa nila ang nakakilala sakanilang magkapatid kaya maya't-

maya itong palihim na kumukuha ng picture habang nakikipagkwentuhan sa

kasama nito. Mukhang isa ito sa mga milyun-milyong fans ni Lu Jinnian dahil

noong sandaling tumayo siya, hindi na nakapagtimpi ang babae at humabol na

ito sakanya para magpa autograph.

-

Sa labas ng restaurant ay may isang makitid na eskinita.

Habang naglalakad silang dalawa, wala ni isa sakanila ang naglalabas ng susi

hanggang sa hindi na natiis ni Lu Jinnian ang ilangan sa pagitan nila ng

nakababata niyang kapatid kaya dali-dali niyang sinuot ang kanyang shades,

"Basketball?"

"Sige." Walang pagtutol na sagot ni Xu Jiamu

Mula sa labas ng restaurant, kailangan pa nilang maglakad ng kulang kulang

dalawang daan metro bago sila makarating sa gate ng stadium. Siguro dahil

pagabi na, nagsiuwian na ang mga batang madalas na naglalaro dito kaya

literal na silang dalawa nalang ang naiwan sa kahabaan ng makitid na eskinita.

Halos sampung minuto silang naglakad ng magkatabi pero kahit isang beses ay

hindi sila nagusap at nang sa wakas makarating na sila sa gate, naglabas si Xu

Jiamu ng ilang barya para bumili ng ilang bote ng tubig sa vendo machine.

Bukod sakanilang dalawa, wala ng ibang tao sa stadium.

Hinubad ni Xu Jiamu ang kanyang coat at gamit ang isa niyang kamay, kinuha

niya ang bola para nagdribble at practicee shooting. Pagkabalik nito sakanya,

muli niya itong drinibble at tinignan si Lu Jinnian. "Laro na tayo?"

Hindi sumagot si Lu Jinnian at tinanggal lang ang kanyang coat bago siya

lumapit.

Sa gitna ng napaka laking stadium, walang referee o kahit isang nanunuod at

tanging silang dalawang magkapatid lang na nagpapawis at sinusulit ang oras

na kasama ang isa't-isa...Bukod sa tunog ng mga sapatos nilang kumikiskis sa

sahig at ang tunog sa bawat pagdribble nila ng bola, wala ng ibang maririnig na

kahit anong ingay.

Hindi na nila namalayan kung gaano na sila katagal na naglalaro basta laro

lang sila ng laro na parang mga binatang sabik na sabik magbasketball

hanggang sa mapagod nalang sila at mapaupo sa sahig.

Kumuha si Xu Jiamu ng isang bote ng tubig at inihagis kay Lu Jinnian bago siya

kumuha ng sarili niya na walang pagdadalawang isip niyang tinungga. Gamit

ang isa niyang kamay, pinunasan niya ang mga natirang bakas ng tubig sa gilid

ng kanyang mga labi at sinabi, "Mula noong umalis ka, hindi na ako

nakapaglaro ng basketball ng ganito kasaya."

Dahil dito, biglang napahinto si Lu Jinnian sa paginom at hindi nagtagal, muli

siyang tumungga ng konti pang tubig bago niya ibaba ang hawak niyang bote

para sumagot, "Ang tagal ko na ring hindi nakapaglaro ng basketball."

Tumingin lang si Xu Jiamu kay Lu Jinnian at wala pang tatlong segundo ay

bigla siyang humiga sa sahig at tumingala sa kisame ng stadium.

Tinakpan lang sandali ni Lu Jinnian ang boteng hawak niya, at kagaya ng

ginawa ng kanyang kapatid, humiga rin siya sa sahig.

Dahil medyo matagal din silang naglaro, pareho silang hinihingal sa sobrang

pagod.

At mula noong bitawan nila ang bola, muling nabalot ang buong stadium ng

katahimikan.

Hindi na namalayan ni Xu Jiamu kung gaano na siya katagal na nakatitig sa

kisame bago siya kumurap at walang tingin-tingin na nagsalita, "Bro, sorry ha."

Chapitre suivant