webnovel

Ang Love Letter mula sa Nakaraan (8)

Éditeur: LiberReverieGroup

Kinabukasan ay ang annual general meeting ng Huan Ying Entertainment...

Alas diyes pa ng umaga ang call time pero alas siyete palang ay nagising

na si Lu Jinnian para magluto ng lugaw.

Samantalang ang assistant naman ay dumating ng alas otso imedya para

hindi sila mahuli sa meeting kahit pa maipit sila sa traffic.

Pagkarating niya sa Mian Xiu Garden, hindi pa bumababa si Lu Jinnian

kaya ang buong akala niya ay hindi pa ito tapos magayos, pero laking gulat

niya dahil pagkalipas ng halos labing limang minuto ay nakita niya itong

dahan-dahang bumababa ng hagdanan habang inaalalayan si Qiao Anhao

na parang isang prinsesa at wala pang kaayos-ayos.

Hindi siya makapaniwala dahil bilang si 'Lu Jinnian' ang susunduin niya ay

inaasahan niyang nakabihis na ito kagaya ng palaging nangyayari sa tuwing

may importanteng meeting silang pupuntahan, pero imbes na magmadali ay

hinintay pa nitong maubos ni Qiao Anhao ang lugaw na may itlog at isang

basong gatas bago ito maghanda.

Habang nagpapantalon si Lu Jinnian, nagrepresinta si Qiao Anhao na

plantsahin ng mabilisan sa sala ang suit na gagamitin nito para magkaroon

ng pagkakataon na isiksik sa bulsa nito ang wallet at love letter, na

pinakatago-tago niya sa ilalim ng kama, bago siya umakyat pabalik sa

changing room.

Walang pagmamadaling sinuot ni Lu Jinnian ang kanyang suit at habang

binubutones niya ito ay hindi niya nakalimutang magiwan ng paalala, "May

lunch gathering kami ng mga board members kaya magpapadeliver nalang

ako ng tanghalian mo."

Nakangiting tumungo si Qiao Anhao habang tinutulungan niya itong

magkabit ng necktie. Pagkatapos niyang siguraduhing maayos na ang lahat,

tinapik niya ang bandang dibdib nito at malambing na sinabi, "Nilagay ko

na yung wallet mo dito."

"Mmh." Yumuko si Lu Jinnian para halikan ang pisngi ni Qiao Anhao at

habang naglalakad palabas, muli siyang nagiwan ng paalala, "Mas mabuti

kung dito ka nalang muna sa bahay lalo na ngayong buntis ka, pero kung

may gusto kang puntahan, sasamahan nalang kita paguwi ko."

"Okay," walang pagtutol na sagot ni Qiao Anhao habang hinahatid ito

palabas.

Pero noong nasa may bandang pintuan na sila, biglang pinutol ng assistant

ang momentum at hindi mapakaling sinabi, "Mr. Lu, forty minutes nalang

bago magumpisa ang meeting!"

Tumungo lang si Lu Jinnian at habang nagsasapatos ay walang awat pa rin

siya sa pagiiwan ng mga paalala. "Oh, may mga prutas sa ref ah.

Hinugasan ko na yung mga yon kaya pag nagutom ka, kainin mo yun."

"Mmh." Hindi kagaya ng reaksyon niya kagabi, ngumiti lang si Qiao Anhao

at hinayaan si Lu Jinnian na sabihin ang mga gusto nitong sabihin.

Nang makumpirma ni Lu Jinnian na wala na siyang nakalimutan, muli siyang

yumuko para halikan si Qiao Anhao sa pangalawang pagkakataon bago siya

pumasok ng sasakyan.

Samantalang si Qiao Anhao naman ay naiwan sa may pintuan habang

naghihintay na makaalis sila.

Pero sa kabila ng pagmamadali, biglang ibinaba ni Lu Jinnian ang bintana

ng back seat para magpahabol ng isa pang paalala, "Tawagan mo ako

kaagad kapag sumama ang pakiramdam mo, okay?"

-

Saktong alas dose ng tanghali natapos ang unang parte ng meeting.

Kaya dumiretso sila sa Beijing Hotel ng assistant kasama ang mga board

members para sa lunch gathering at habang nasa kalagitnaan ng

kasiyahan, nagpaalam muna si Lu Jinnian para tawagan at kamustahin si

Qiao Anhao.

Dahil may pangalawang parte pa ang meeting, kailan nila kaagad makabalik

sa office kaya pagkatapos nilang kumain, sinenyasan niya kaagad ang

waiter para sa bill.

Pagkarating nito sa lamesa nila, kinuha niya ang kanyang wallet para kunin

ang kanyang card at iabot dito.

Pero nang sandaling ibalik niya ito sakanyang bulsa, may maramdaman

siyang matigas.

Kaya biglang kumunot ang kanyang noo at muling inilabas ang kanyang

wallet para kapain ang bulsa niya at doon niya nakita ang isang kulay asul

na envelope.

Chapitre suivant