Noong humiwalay si Qiao Anhao sakanyang uncle at auntie Qiao, dumiretso
siya sakanyang sasakyan at nagmaneho palabas ng Beijing Club. Hindi pa siya
tapos kay Han Ruchu kaya imbes na umuwi, ay dumaan muna sya sa New
Heaven shopping mall para maigamit ng public phone.
Medyo matagal na nagring ang phone bago ito sagutin ng kabilang linya.
Bumungad sakanya ang boses ni Han Ruchu na halatang malungkot at hinang
hina, "Hello, sino 'to?"
Sampung segundo pa ang lumipas bago magsalita si Qiao Anhao, "Ako to."
Sa isang salita palang ni Qiao Anhao, alam na kaagad ni Han Ruchu na siya
ito. "Bakit mo ako tinatawagan? Wala akong sasabihin sayo!"
Galit na galit na si Han Ruchu na para bang desidido talaga itong ibaba nag
phone.
Pero sigurado si Qiao Anhao na mas pipiliin ni Han Ruchu na makinig sakanya
kaysa putulin ang linya, kaya kalmado siyang nagpatuloy, "Ako ang nagpadala
kay Brother Jiamu ng mga kopya ng text messages, kaya kung sakaling
baliktarin mo man ako sa gala, hindi siya maniniwala sayo dahil tumatak na sa
puso niya na gusto akong saktan ng sarili niyang nanay."
Kagaya ng inaasahan ni Qiao Anhao, hindi nga binaba ni Han Ruchu ang
tawag, bagkus, sinabihan pa siya nito ng mga masasakit na salita. "Bwisit ka!"
Hindi pinansin ni Qiao Anhao ang mga sinabi ni Han Ruchu at nagpatuloy lang
siya sa pagsasalita, "Of course, ako rin yung may kagagawan ng recording sa
charity gala. Sa totoo lang, wala naman akong intensyon na ipahiya ka. Dahil
ang gusto kong mangyari ay marinig yun ni Brother Jiamu…Aunt Xu, siguro
sobrang galit na ni Brother Jiamu ngayon no?"
"Bwisit ka!" Base sa tensyon ng pananalita ni Han Ruchu, ramdam na ramdam
ni Qiao Anhao na galit na galit na ito.
"Bwisit? Wag kang magalala. Kahit na bwisit ako, hinding hindi ko papatayin
ang anak mo!" Nangaasar na tumawa si Qiao Anhao. Hindi nagtagal, muli
siyang nagsalita na para bang nagtataka, "Gusto ko talagang itanong to sayo,
kung bwisit ako dahil sa mga nagawa ko, ano palang itatawag mo sa sarili
mo?"
Kahit na nasa kabilang linya si Han Ruchu, kitang kita pa rin sa mukha ni Qiao
Anhao ang matinding galit. Muli siyang nagsalita ng may matinding diin, "Wag
mong iisipin na tanga ang ibang tao at ikaw ang pinaka matalino. Alam mong
gusto naming ni Lu Jinnian ang isa't-isa, at ginamit mo 'yun para guluhin kami.
Tinawagan kita ngayon para sabihin sayo na naguumpisa ka palang magbayad
sa mga utang mo. Noong huli mong birthday…sinabi ko sayo na kamumuhian
ka ng lahat at iiwanan ka ng pamilya mo! Hindi kita hahayaang mamatay ng
ganun kadali! Yun ang pangako ko sayo!"
"Kakamuhian ako ng lahat at iiwanan ako ng pamilya ko? Anak ko si Xu Jiamu.
Bilang mag-ina, laging magkadugtong ang mga puso naming. Kahit nag alit
siya sa akin sa akin ngayon. Hinding hindi niya ako matitiis!" Nanggigil na
sagot ni Han Ruchu.
Ibang iba na ang lahat ngayon, dahil kung dati hindi pa sigurado si Qiao Anhao
sa mga bagay-bagay, pwes ngayon mas sigurado pa siya sa sigurado. May
kopya si Xu Jiamu ng will and testament ni Lu Jinnian….
Mula pagkabata, magkaibigan na sila ni Xu Jiamu kaya kabisado niya ang
pagkatao nito. Kahit na nanay nito si Han Ruchu, magkaibang-magkaiba ang
mga ugali nila. Sobrang sentimental na tao ni Xu Jiamu… Isa pa, ang kopya ng
mga text messages, ang recording pen, at ang will, sapat na ang tatlong
pasabog na ito para magbago ang tingin nito kay Han Ruchu.
At kung sakali mang may mangyari sakanila ni Lu Jinnian… Ang unang sisihin
ni Xu Jaiamu ay walang iba kundi ang sarili niyang ina!