webnovel

Divorce (19)

Éditeur: LiberReverieGroup

Matapos ang napaka'abalang araw, sa wakas nagkaroon din si Lu Jinnian ng bakenteng oras mula alas diyes ng umaga hanggang alas sinco ng hapon kaya humanap siya ng isang lugar na hindi masyadong pinupuntahan ng mga tao para magpahangin at makapagsigarilyo.

Nang nasa kalagitnaan na siya ng paninigarilyo, kinuha niya ang kanyang phone at ilang sandali rin siyang nakatingin lang dito. Binuksan niya ang WeChat nila ni Qiao Anhao at gustong gusto niya sanang imessage ito….

Pero tama si Qiao Anxia. Kapag mas madalas silang magkasama at magkausap ni Qiao Anhao, tataas lang ang tsansa na mas maging malapit sila sa isa't-isa, at dahil doon lalo niya lang itong masasaktan.

Napakadamot niya naman ata kung ipagpapatuloy niya pa ang paglapit dito, ngayong alam niya na maari itong mapahamak ng dahil sakanya.

Noong una, namatay na ito ng anak ng dahil sakanya, at ngayon naman ay masisira pa ang reputasyon nito ng dahil nanaman sakanya?

Dahil sa sobrang pagmamahal niya kay Qiao Anhao, hindi niya na kayang makita ito na masaktan ng paulit-ulit.

Kaya bandang huli, ibinaba niya nalang ang kanyang phone at humithit ng malalim sakanyang sigarilyo. Bago niya maibuga ang usok nito, biglang dumating ang kanyang assistant para paalalahanan siya. "Mr. Lu, kailangan na nating umalis. Maguumpisa na ang dinner."

Bilang lang ang mga business partners galing sa Beijing na dumalo sa dinner party at nagkataon na lahat sila ay magkakakilala kaya nagkasundo sila na magsama-sama nalang sa isang lamesa. 

Kagaya ng nakasanayan, wala masyadong naging imik si Lu Jinnian. Habang nagkakasayahan ang iba sa pagkwewkwentuhan at paginom ng alak, nanatili lang siyang tahimik at wala pa sa sampu salita ang mga nasabi niya simula noong umupo sila.

Mapababae o man lalaki, pare-pareho lang silang gustong makiusisa sa buhay ng ibang tao.

Dahil medyo marami na ring nainom ang mga kasama ni Lu Jinnian sa lamesa, nagumpisa na ang mga itong magkwento ng kung anu-anong mga bagay.

Tinitignan naman ni Lu Jinnian ang mga nagsasalita pero nanatili siyang walang imik na para bang wala siyang interes sa mga sinasabi ng mga ito.

Bandang huli, hindi niya na masundan kung sino ang nagumpisa pero biglang napunta sa usapan ang kumpanya ng mga Xu.

"Yung vice president ng Xu Enterprise na si Han Ruchu ay nagipon daw ng bilyun-bilyon. Mukhang iinvest niya yun."

"Ang lakas talaga ng loob ng babaeng yun. Siya rin daw ang dahilan kung bakit naging stable ang karamihan sa mga gastusin ng Xu Enterprise."

"Nagtrabaho ako sakanya dati ng isa o dalawang beses. Matalino talaga siya at laging handa. Di maikakailang magaling talaga siya."

Habang pinaguusapan si Han Ruchu, maraming mga nagsabing nagugustuhan siya pero may iba rin na ayaw sakanya. Hindi nagtagal, may bigla nanamang nagumpisa ng isa pang tsimis.

"Tama! Dahil napagusapan na natin si Han Ruchu, may bigla akong naalala. Narinig niyo na ba ang balita? Si Young master Xu at ang anak na babae ng mga Qiao raw ay magdidivorce na?"

Kung kanina ay mukhang walang pakielam si Lu Jinnian sa mga pinaguusapan ng mga kasama niya, pwes ngayon ay bigla siyang nabuhayan.

Bumilis ang tibok ng puso niya at hindi niya mapigilang magisip kung siya ba ang dahilan kung bakit magdidivorce sina Qiao Anhao at Xu Jiamu.

"Talaga ba? Kelan pa daw?"

"Balita ko may isang linggo na raw."

Isang linggo…Noong mga panahong iyon, wala pa yung mga litrato nila habang kumakain. Ibig sabihin, hindi siya ang dahilan?

Biglang kumalma si Lu Jinnian.

"Bakit naman sila magdidivorce? Hindi ba napakaganda ng relasyon sa negosyo ng mga Qiao at Xu…"

"Dahil sa isang babae – ang apo ni Lin Sun. Nagaaral siya ngayon sa isang university. Hindi ko lang alam paano sila nagkakilala ng young master pero silang dalawa ay mukhang…" Biglang huminto ang nagsasalita at nagkibit balikat ito na para bang may gustong iparating nap unto, "Well, alam niyo na Siguro nainlove sakanya si young master Xu at gusto siyang pakasalanan nito kaya naisip nito na makipagdivorce na sa Qiao family."

Si Lu Jinnian na kanina pa hindi nagsasalita ay hindi na napigilan ang kanyang sarili na magtanong, "Sigurado ka ba?"

"Oo naman. Sigurado ako. Kaklase ng kapatid kong babae ang apo ni Lin Sun at sabi niya ilang beses niya na raw nakita si Young master Xu na dumadalaw sa school nila."

"Apo ni Lin Sun…Ang pamilyang yun ay tatlong henerasyon na ng puro government officials kaya kumpara sa Qiao Family, mas maganda talaga silang match ng mga Xu. Hindi na ako magtataka kung bakit gusto nilang magdivorce."

Chapitre suivant