Ngingiti palang sana si Qiao Anhao nang biglang ibaling ni Lu Jinnian ang
tinigin niya sa iba. Masyadong makapal ang salamin na nakapagitan sakanila
kaya hindi marinig ni Qiao Anhao kung anong sinabi ni Lu Jinnian. Nakita niya
lang na nagsalita ito at tumayo. Hindi nagtagal, bigla binuksan nito ang
pintuan at naglakad papalapit sakanya habang nakatingin sakanilang dalawa
ang lahat ng taong naiwan sa meeting room.
Hindi inaasahan ni Qiao Anhao na lalabas si Lu Jinnian sa kalagitnaan ng
meeting nito dahil lang sa sinend niyang picture. Bigla siyang nahimasmasan
noong nasa harap niya na ito kaya dali-dali siyang napatayo mula sa sofa
para tignan ang mga board of directors na nasa loob ng meeting room. Bigla
siyang namula sa sobrang hiya at naiinis na sinabi, "Bakit ka lumabas?"
Kulay puting shirt ang suot ni Lu Jinnian kaya para siyang nagniningnig
habang nasisinagan ng ilaw na nasa kisame. Yumuko siya para tignan si Qiao
Anhao at imbes na sagutin ang tanong nito, nagtanong din siya ng parang
walang emosyon para hindi mahalata ang kilig na nararamdaman niya,
"Kamusta na ang pakiramdam mo? Bakit ka nagpunta dito sa office?"
"Dumaan lang ako para sumilip." Yumuko si Qiao Anhao habang nagsasalita
dahil baka mahalata ni Lu Jinnian ang tunay niyang intensyon. Matagal na
noong huli silang magkita, kaya siya pumunta…
"Oh," Sagot ni Lu Jinnian habang nakatitig kay Qiao Anhao.
Medyo naiilang si Qiao Anhao at lalo pa siyang namula sa sobrang kahihiyan
dahil alam niyang nakatingin sakanilang dalawa ang mga tao sa loob ng
meeting room, kaya mahinahon niyang sinabi, "Diba may meeting ka?
Bumalik ka na."
"Sige," sagot ni Lu Jinnian pero hindi pa rin siya gumagalaw sa kinatatayuan
niya.
"Bakit hindi ka pa bumabalik? Muling tanong ni Qiao Anhao.
"Ngayon na," sagot ni Lu Jinnian pero hindi pa rin siya kumikilos.
Hindi na maintindihan ni Qiao Anhao kung ano bang gagawin niya kaya
napapadyak nalang siya ng paa niya. Sobrang pula na ng mukha niya at may
sasabihin sana siya ulit pero biglang nagsalita si Lu Jinnian bago ito tuluyang
bumalik sa meeting room. "Hintayin mo ako."
Muling nagpatuloy ang meeting pero halatang wala na sa sarili si Lu Jinnian
at maya't-maya niyang sinisilip si Qiao Anhao sa labas kaya pati mga board
members ay napapagaya ng ring tumingin sa labas.
-
Alas sais imedya na ng gabi noong natapos ang meeting kaya nagmamadali
si Lu Jinnian na lumabas ng meeting room. Noong mga oras na iyon, nakauwi
na ang mga secretary at at ang tanging si Qiao Anhao nalang ang naiwan sa
malaking sala ng Huan Ying Entertainment. Nakatulog na ito ng nakaupo sa
sofa habang hawak ang pinaka bagong edition ng entertainment magazine.
Biglang bumagal ang lakad ni Lu Jinnian. Tumingin siya sa meeting room
para sensyasan ang lahat ng board members na hinaan ang mga boses nito.
Noong sandali ring iyon, biglang tumahimik ang lahat pero hindi pa siya
nakuntento at muli siyang kumaway bilang sensyas naman na umalis na ang
mga ito.
Silang dalawa nalang ni Qiao Anhao ang naiwan sa buong palapag. Dahan-
dahan siyang naglakad papalapit dito para buhatin sana ito pababa pero bigla
rin naman itong nagising. Habang bumababa mula sa pagkakabuhat ni Lu
Jinnian,tumingin si Qiao Anhao sa paligid nila at nagtanong, "Among oras
na?"
"6:30," Sagot ni Lu Jinnian. Muli siyang nagpatuloy, "Kukunin ko lang jacket
ko, magdinner tayo."