webnovel

Mapayapa at masasayang mga araw (1)

Éditeur: LiberReverieGroup

Wala na si Qiao Anhao pagkagising ni Lu Jinnian kinabukasan.

Biglang nabago ang kanyang itsura at dali-daling bumangon. Habang

hinahanap niya si Qiao Anhao, napansin niya na may nakahandang malinis na

damit sa gilid ng unan na kanyang hinigaan. Ito ay isang simpleng pares ng

puting shirt at itim na pantalon. Sa sahig naman, mayroong isang planggana

ng tubig na may katabing thermos at maliit na bimpo.

Noong sandaling iyon, agad na naging kalmado si Lu Jinnian at naglakad siya

papunta sa planggana para haluan ito ng mainit na tubig. Kinuha niya ang

bimpo at binasa ito bago niya ipunas sa katawan niya. Wala siyang sinayang

na oras, nagbihis lang siya ng sadali at agad na lumabas ng kwarto dala ang

planggana na may lamang tubig.

Walangg katao tao sa living room pero napansin niya na bahagyang

nakabukas ang pintuan kaya naisipan niyang maglakad papunta rito.

Bumungad sakanya ang maaliwas at mapayapang tanawin na tunay talagang

nakakabighani.

May malaking puno sa bakuran na hindi niya alam kung anong tawag pero

puno ito ng mga kulay rosas na bulaklak at halata sa katawan nito ang

katandaan dahil sa makakapal at matitigas nitong troso.

Nakaupo si Qiao Anhao sa ilalim ng nasabing puno at mayroon itong katabing

isang batang babae na sa wari niya ay nasa pitong taong gulang. Nakaharap

ang dalawa sa isang maliit na lamesa. May hawak na pen ang batang babae

na mukhang nagaaral magsulat.

Tutok na tutok si Qiao Anhao sa puting papel habang mahinahon na

nagsasalita.

"Mali, dito dapat yan…Mali pa rin…Tignan mo ulit kung paano ko gagawin…"

Habang nagsasalita, dahan-dahan nitong hinawakan ang maliliit na kamay ng

batang babae para tulungan itong magsulat. "Yan, subukan mo ulit… Tama,

ganyan nga! Ang ganda, ang galing mo naman…"

Tumingin ang bata kay Qiao Anhao at masayang ngumiti bago ito muling

yumuko para magpatuloy sa pagsusulat.

Nasisinagan si Qiao Anhao at ang batang babae ng pulang liwanag na

kasalukuyang bumabalot sa puno mula sa palubog na araw.

Hindi na suot ni Qiao Anhao ang costume nito at kasalukuyan itong nakabihis

ng isang simpleng puting bistida at ang buhok nito ay hinati nito sa dalawa na

parehong nakaipit.

Malinis na ang mukha ni Qiao Anhao dahil nakapaghilamos at nabura na ang

makeup nito. Lalo pang nangibabaw ang maputi at makinis nitong balat

habang nasisinagan ng palubog na araw.

Noong mga sadali ring iyon, umihip ang hangin kaya may ilang bulaklak na

naglaglagan sa buhok ng bata. Nang makita ni Qiao Anhao ang nangyari,

maingat nitong tinanggal ang mga nalaglag na bulaklak.

Nakasandal si Lu Jinnian sa pintuan na may dalang planggana na may lamang

tubig habang pinagmamasda ang magandang tanawin na nasa harapan niya.

Wala siyang ibang maramdaman kundi saya at kapanatagan.

Ang batang babae ang unang nakapansin sakanya kaya habang nakahawak

ito sa isang lapis, tumingin ito sakanya at dahan-dahang kumurap.

Nakita ni Qiao Anhao na nakatingin sa malayo ang batang babae kaya

mahinahon niyang tinawag ang pangalan nito, "Nan Nan." Nang sundan niya

ang direksyon ng mga mata nito, nakita niya si Lu Jinnian na nakasadal sa

pintuan kaya bigla siyang umayos ng upo at nagtanong, "Kagigising mo lang?"

Biglang nahimasmasan si Lu Jinnian. "Oo…" Pero bago siya maglakad

papunta sa puno, itinapon niya muna sa isang gilid ang laman ng plaggana.

Tumingin sakanya si Qiao Anhao na masayang nakangiti. "Siya si Nan Nan,

ang anak ni Brother Chen. Pumunta lang daw sa bukid ang mga magulang

niya kaya tinulungan ko siya noong nakita ko siyang nagbabasa."

Tumungo si Lu Jinnian habang nakatingin sa puting papel.

Halatang halata kung kailan tinulungan ni Qiao Anhao ang bata dahil doon

lang maayos ang pagkakasulat nito at noong magisa nalang itong nagsusulat,

naging tali-taliwas na ang direksyon ng tinta ng lapis.

Chapitre suivant