webnovel

Bakit ayaw mo sa anak ko? (11)

Éditeur: LiberReverieGroup

Kahit anong pilit ni Qiao Anhao, hindi talaga siya makatulog pero hindi siya gumagalaw at nakikinig lang siya kay Lu Jinnian na makailang beses ng nagdadag ng mga tangkay sa apoy. Matapos ang ilang sandali, nakaramdam na siya ng antok at noong makakatulog na sana siya, bigla niyang narinig na umuubo si Lu Jinnian.

Hindi naman masyadong malakas ang nagawa nitong ingay pero napansin niya na parang pinipigilan nitong umubo.

Nagbago ang itsura ni Qiao Anhao. Pinakiramdaman niya lang muna si Lu Jinnian at matapos ang ilang sandali, muli niya nananamang narinig ang pigil na ubo nito.

Hindi niya na natiis at tuluyan niya ng iminulat ang kanyang mga mata. Sinilip niya ang apoy at nakita niya si Lu Jinnian na nakaupo lang sa isang gilid habang tinatakpan ang bibig nito para magpigil ng ubo nang sa ganon ay hindi siya magising.

Napansin niya na sobrang namumutla ito at medyo nanginginig din ito; mukhang hidi maganda ang pakiramdam nito…May kaya si Lu Jinnian?

Parang biglang sumikip ang dibdib ni Qiao Anhao. Kung kanina ay nagawa niya itong wag pansinin, pwes ngayon hindi niya na ito kayang tiisin: "Lu Jinnian.."

Natigilan si Lu Jinnian at hinang hinang tumingin kay Qiao Anhao. "Nagising ba kita?" Kitang kita sa mukha nito ang labis na pagsisisi habang humihingi ng tawad, "I'm sorry."

Parang may tumusok sa puso ni Qiao Anhao nang sandaling marinig niya ang paghingi ng tawad ni Lu Jinnian. Magiyak ngiyak ang kanyang mga mata pero pinilit niyang pigilan na tuluyang tumulo ang kanyang luha. Ibinaling niya sa iba ang kanyang tingin at huminga ng malalim para kalmahin ang kanyang sarili. Nang sandaling maramdaman niyang mas kaya niya, muli siyang nagsalita, "Ayos ka lang ba?"

Isa lang itong simpleng tanong, pero tila nagkaroon ng pagasa sa mga mata ni Lu Jinnian. Bago pa siya makasagot, muli nanaman siyang umubo kaya lumunok muna siya ng laway para pigila ito. Tumingin siya kay Qiao Anhao at sinabi, "Ayos lang ako, naubo lang ako dahil sa usok."

Habang nagsasalita siya, makikita na nanginginig ang kanyang katawan na para bang sobrang giniginaw siya.

Lalo pang naging mangiyak-ngiyak ang mga mata ni Qiao Anhao. Hindi niya na mapigilan ang kanyang mga luha kaya yumuko siya. Noong sandali ring iyon, sinukan niyang tumayo at napakagat siya sakanyang labi sa sobrang sakit ng binti niya.

"Anong gusto mong gawin? Tutulungan kita, ingatan mo yang binti mo." Dali-daling tumayo si Lu Jinnian pero bago pa siya makapaglakad, bigla siyang nanghina at tumumba.

Paika-ikang naglakad si Qiao Anhao papalapit kay Lu Jinnian. Agad niyang kinapa ang noo nito at napagtanto niya na kaya pala ito giniginaw ay dahil kasalukuyan itong inaapoy ng lagnat.

Bago siya makapagsalita, muli nanaman itong umubo at naghihinang sinabi, "Ayos lang ako."

Hindi pinansin ni Qiao Anhao ang sinabi ni Lu Jinnian at kahit paika-ika ay dali-dali siyang bumalik sa banig para kunin ang jacket ni Lu Jinnian. Nang ipapatong niya na sana ang jacket sa balikat ni Lu Jinnian, bigla naman siyang pinigilan nito pero noong sandaling tignan niya ito, may nakita siyang kakaiba sa itsura nito na kahit kailan ay hindi niya pa nakikita sa buong buhay niya- masaya itong nakangiti sakanya. "Ayos lang talaga ako, gamitin mo na yan kapag natulog ka para hindi ka sipunin."

Hindi na talaga kaya ni Qiao Anhao na iwasan si Lu Jinnian at tuluyan na ngang bumuhos ang luha sakanyang mga mata.

Tumalon si Lu Jinnian sa bangin para sundan siya, pagkatapos ay binuhat pa siya nito habang naghahanap sila ng masisilungan kung saan tinulungan siya nitong balutin ang kanyang sugat. Habang natutulog siya, pinilit nitong magising para magbantay, naisipan din nitong magpigil ng ubo para lang hindi siya maistorbo at ngayon gusto pa nitong maging panatag siya kahit inaapoy na ito ng lagnat.

Nagaalala si Lu Jinnian. Sa pagkakaalam niya, ayos naman ang lahat kanina kaya hindi maintindihan kung bakit bigla nalang itong umiyak. "Qiao Qiao…"

Bago niya pa masabi ang gusto niyang sabihin, biglang nagtanong si Qiao Anhao habang umiiyak.

"Bakit ka tumalon?"

Chapitre suivant